INABOT ni Saree ang natapos niyang book review kay Bob na isang sophomore Biochemistry student. Abot-tainga ang ngiti nito.
"Salamat. You saved my ass," nakatawang saad nito. Iniabot nito ang bayad nito sa kanya.
"Gusto mong ipaliwanag ko sa 'yo?" tanong niya habang ibinubulsa ang pera.
"Hindi na. Salamat uli. Sa uulitin, ha?"
Napailing na lang si Saree habang pinanonood ang paglayo nito. Hindi niya alam kung anong klaseng pag-iisip mayroon ang mga tulad nito—handang gumastos para lamang gawin ng iba ang kayang namang gawin ng mga ito. Hindi naman makakasama sa mga ito ang ganoong gawain dahil kasama naman iyon sa pagiging estudyante at makakatulong iyon sa pag-unlad ng mga ito bilang tao.
Pero ano ba ang pakialam niya? Mas pabor nga iyon sa kanya dahil nakakaipon siya ng pera. At wala rin siyang ipinagkaiba sa mga ito. Sinisira din naman niya ang kanyang buhay.
Isinara ni Saree ang kanyang locker at tumuloy na ng lakad patungo sa elevator. Nasa third floor ang klase niya at sa katunayan ay mahuhuli na siya.
Papaliko na siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. Nilingon niya iyon at nakita si Paolo na papalapit sa kanya.
"Hey," bungad na bati nito nang makalapit sa kanya. Itinuloy niya ang naudlot na paglalakad habang umaagapay ito.
"Ayoko na ng gulo," sabi niya. Baka makialam na naman ang "perfect" na kuya nito.
"Gusto ko lang humingi ng dispensa sa ginawa sa 'yo ni Kuya. Akala niya, ikaw ang sumapak sa akin."
Nag-iwas siya ng tingin. "Okay na 'yon, 'di ba? Tapos na."
Natawa ito. "All right. I will not argue about it. Nagulat lang ako sa ginawa mo. Ang tapang mo rin."
Nang malapit na sila sa elevator ay nakita niyang maraming nag-aabang na estudyante kaya lumiko uli si Saree sa kaliwang bahagi ng building. Maghahagdan na lang siya. Nakasunod pa rin si Paolo sa kanya.
"So, kumusta ka na?" tanong nito.
She sighed. "Okay naman."
Huminga ito nang malalim. "Saree, I don't like what I'm seeing in you. Hindi ako lumayo para lang panoorin kung paano mo sirain ang buhay mo. I have my own conflicts that's why I did it. Pero kung ganito rin lang—"
"Ano ba'ng gusto mo?" hindi tumitingin ditong tanong niya.
"Stop it," he snapped. Hinagip ni Paolo ang braso niya at pilit na iniharap siya rito. "Tigilan mo na ang ginagawa mo. You're getting out of control, Saree. Your mother is gone. Let her go. Alam ng mundo kung gaano mo siya kamahal at totoong masakit ang nangyari. Walang humiling na mamatay siya. Mahirap tanggapin pero kailangan mong gawin."
"Ano ba'ng problema mo?" Binawi ni Saree ang brasong hawak nito. Nang makita ang hagdan ay iniwan niya ang binata. Ano ang karapatan nitong panghimasukan ang damdamin niya?
"Saree, huwag kang maging duwag!"
Sukat sa narinig ay humakbang siya pabalik at galit na hinarap ito. Dapat ay sisigawan niya si Paolo ngunit walang boses na lumabas mula sa kanyang bibig.
"Saree, we all have our down days. And I can feel your pain. Kung may kakayahan lang akong kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, ginawa ko na. Pero alam mong hindi ko kaya. Please be strong. I cannot be there for you. Gawin mo ang talagang gusto mo," masuyo ngunit mariing sabi nito sa kanya.
"Hindi mo alam kung ano ang gusto ko kaya huwag ka na lang makialam," galit na tugon niya at muling tinalikuran ito. Nang hindi na narinig ni Saree ang pagpigil nito ay tuloy-tuloy na siyang umakyat. Ngunit muli itong nagsalita.
BINABASA MO ANG
Way To Your Heart by Angelene Buena
Romance"Araw-araw sa paggising ko, ikaw kaagad ang iniisip ko."