KAHIT kulang sa tulog ay pinilit ni Saree na magtungo sa CCP upang um-attend ng rehearsal nila. Sa makalawa na ang performance nila sa main theater kaya kahit ilang araw nang hindi makatulog at mapakali ay pilit niyang iniignora ang nangyaring pag-aaway nila ni Travis.
Muling bumalik sa bahay nila si Travis kinabukasan ngunit hindi niya ito hinarap. At nang sumunod na araw ay dumalaw siya sa isa sa mga fast food branch nila para lamang makaiwas dito. Panay rin ang text at tawag nito sa kanya. Iniignora lamang niya iyon.
Hindi maintindihan ni Saree kung bakit kailangan pa nitong mangulit gayong ito naman ang umalis at nang-iwan sa kanya. Akala nito ay ganoon lang kadaling balikan ang lahat. Hindi nito alam kung ilang gabi siyang umiyak.
Tutuloy pa rin siya sa Russia. Sinabi na niya ang kanyang desisyon sa daddy niya. At kahit bokal ito sa pagsasabing huwag muna siya magtapos ng pasya ay ibinigay na niya ang requirements na hinihingi ng opisina sa kanya. Hindi mapipigilan ng biglang pagdating ni Travis ang kanyang desisyon. Kung saglit mang umikot ang mundo niya para sa binata ay natapos na iyon.
Panay naman ang pangungulit ng kanyang daddy na kausapin niya si Travis. Pero sarado ang isip niya.
Dala ang mga gamit ay tumuloy kaagad si Saree sa theater house at nakita ang mga kasamahang dancers.
"Hi!" bati ni Betsy sa kanya. Kapwa apprentice niya ito.
"Hey," walang ganang sagot niya.
Kumunot ang noo ito. "Bakit ang aga-aga ay parang pinagbagsakan ng langit ang hitsura mo? 'Woke up on the wrong side of the bed?" nakangiting tanong nito.
"Not really," sagot niya at pumanhik sa stage. Pinagmasdan ni Saree ang stage. May mga ilang props na ang nakaayos ngunit mayroon pa ring idinadagdag. Naroon ang mga stage carpenters na nag-a-assemble ng mga lumber at ilang canvas.
"Hindi pa naman dumadating sa Miss Thea. Baka gusto mong mag-breakfast muna? Let's go," yaya ni Betsy na nasa ibaba.
"Kayo na lang. I'm not hung—" Hindi niya natapos ang sinasabi dahil bigla siyang nasilaw nang biglang bumukas ang spotlight at tumapat sa kanya. Iniangat niya ang kamay upang protektahan ang klanyang mga mata.
"Hey, nasisilaw ako!" pasigaw na sabi ni Saree upang sitahin ang kung sinumang nagbukas ng spotlight. Ngunit hindi iyon namatay. Biglang dumilim ang paligid at tanging siya lamang ang naiilawan. Mayamaya ay umilaw naman ang stage. Napatingala siya at luminga sa paligid. Bigla siyang may naramdamang pumapatak. Umangat ang mga kamay niya at tumingala siya. Nakita niya ang nagbabagsakang mga petals ng pulang rosas.
Then she heard voices. They were humming a song. Hinanap ni Saree ang mga tinig. Lumingon siya at nakitang isa-isang lumalabas ang miyembro ng chorale ensemble ng CCP. Nakaputi ang mga ito at isa-isang pumupuwesto pakalat sa stage.
Patuloy sa pagkanta ang mga ito. Nasa parteng refrain na ang mga ito nang biglang nawala ang pagbanggit ng lyrics. They hummed again. Nahati ang gitna ng hanay ng chorale at mula roon ay lumabas si Travis, may hawak na isang malaking bouquet ng pulang rosas. Noon din napalitan ng kulay ang bumabagsak na petals. Naging puti at dilaw iyon.
Dahang-dahang lumapit si Travis sa kanya. His eyes locked with hers. Nanginig bigla ang kanyang mga tuhod. Parang maiiyak siya na hindi niya maintindihan.
Nakalapit na ito sa kanya. Wala siyang mahagilap na salita. Nakamaang lang siyang nakatingala rito. She wanted to say something, but no words came out of her mouth.
"Sinubukan ko nang lahat para makausap ka pero ayaw mo. This is just another strategy, to get my way into your heart. Kung hindi ito magtatagumpay ay huwag kang magugulat kung may mga susunod pa," matipid ang ngiting sabi ni Travis habang iniaabot ang bulaklak sa kanya.
Wala sa tamang huwisyong tinanggap ni Saree ang bulaklak. Lalong lumapit ito sa kanya. At siya ay tila namalignong nagpaubaya nang hawakan nito ang magkabila niyang pisngi at bigla siyang halikan.
Napaluha na lang siya.
"Alam ng puso ko kung paano ako nahirapan dahil lumayo ako sa 'yo. Araw-araw sa paggising ko, ikaw kaagad ang iniisip ko. Hinihiling ko na kasama kita. Lumilipas ang mga araw at laging dumadating ang bawat bukas pero alam ko na nasa kahapon pa rin ako kung saan naroroon ka at kasama kita. Ang sabi ko, siguro kaya ko rin na makalimutan ka, hindi ko lang alam kung kailan. Pero hindi ko pala kaya."
Sinabayan ng pagpatak ng luha ni Saree ang pagpatak ng mga petals sa kanila. Natunaw bigla ang galit niya. Bumukas ang pag-asang muling hayaang mangingibabaw ang hindi nawalang pagmamahal niya para dito.
Kinuha ni Travis mula kanya ang bulaklak at niyakap siya. Pinaglapit nito ang kanilang mga noo habang tinititigan ang isa't isa. Ang choir ay patuloy pa rin sa pag-awit. Ang mga taong nakapaligid ay pinanonood sila.
"Saree, please give me my second chance," nakikiusap na saad ni Travis.
"Bakit mo ginagawa ito? Bakit pinapaasa mo naman ako. Ikaw ang namili—"
"I know, I know." Niyakap siya ni Travis nang mahigpit. "Umalis ako dahil ayaw kong takbuhan ang responsibilidad ko bilang Lorenzana. But that did not change what I feel for you. Umalis ako na mahal kita at mahal pa rin kita. But I am here now, ready and better. I want to win you back. Kahit na ano ay gagawin ko para lang mapatunayan ko ang damdamin ko para sa 'yo."
"Pero paano ang pamamahala mo sa—"
He sighed and held her hands. "Kinausap ko na sina Mommy at Daddy. Sinabi ko ang totoo. I've been a good child to them my whole life. Ikaw lang naman ang hiniling kong ibigay nila sa akin. I will be lost kung hindi kita makakasama. Besides, Paolo is there. He is willing to settle in the States. Iyon naman talaga ang gusto niya noon pa. Maayos na ang lahat. Now..." Seryoso itong tumingin sa kanya. "Itutuloy mo ba talaga ang pagpunta sa Russia?"
Hindi siya nakasagot. Kanina lamang ay buo ang kanyang desisyong lumayo, ngunit ngayong kaharap na niya ang binata ay nagdadalawang-isip siya.
"B-bakit hindi ko itutuloy?" tanong niya.
"Iyon ba talaga ang gusto mo?"
"Y-yes."
"Saree, do you still love me? Are still in love with me?" buong suyong tanong nito.
"Travis, wala akong ibang inisip na mahalin. Walang nagbago sa... sa nararamdaman ko para sa 'yo. Kung maaari lang na makasama kita sa bawat oras. Alam ng Diyos ang kagustuhan ko na pigilan ka sa pag-alis mo noon. Pero sinaktan mo ako nang inilihim mo sa akin ang lahat."
He soflty brushed her cheek. "I'm sorry. Magulo rin ang isip ko noon. But can we just move on and be together this time? Wala na akong inililihim sa 'yo. Maayos na ang lahat tungkol sa pamilya ko. Even Mom wants to say sorry to you. Hindi niya sinasadyang masaktan ka sa pag-uusap ninyo. She just wanted to protect me."
Ngumiti si Saree at bahagyang umiling. "Wala 'yon. Naintindihan ko siya."
Gumanti ito ng ngiti. "Hindi mo sinagot ang tanong ko."
"Travis—"
"Okay. Nasa Russia ang main office ng outsourcing business na gustong ipamahala sa akin ni Mommy. There will be no problem kung gusto mo talagang tumuloy. Puwede akong sumama sa 'yo. Kapag natapos ka na at gusto mong umuwi rito, puwede pa rin akong sumama sa 'yo. Then we can get married."
Her heart was filled with happiness. Malinaw na gumagawa ng paraan si Travis upang hindi na sila magkalayo. He made sure that nothing could stop them from loving each other this time.
"Sinabi ko sa sulat na maghintay ka dahil naniniwala ako na ikaw ang para sa akin. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Saree, I love you so much."
"I love you too."
"Ibig sabihin ba niyan..."
Tumango siya. "Ikaw ba naman ang haranahin ng choir at daanin sa petals, hindi ka ba bibigay?"
He laughed and they kissed again.
•••WAKAS•••
BINABASA MO ANG
Way To Your Heart by Angelene Buena
Romance"Araw-araw sa paggising ko, ikaw kaagad ang iniisip ko."