Lian's POV:
Pinagmasdan ko ang kambal na mahimbing na natutulog sa kanilang kama.
Kay payapa nilang dalawa.
May kung anong bumalot na pangamba sa dibdib ko habang nakatitig sa kanila.
Ilang taon din naming sinubukan ni Rave na ilayo sila sa nakagisnan naming pamumuhay.
Sa gulo na nakakabit sa aming dalawa..
Pero ngayon, dinala namin sila dito..
Tila kami na din ang naglagay sa kanila sa panganib.
Napabaling ako nang yumapos sa aking bewang mula sa likuran ang dalawang matipunong braso.
"Anong iniisip mo, Angel ko?..." tanong ni Rave sa akin.
Nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.
"Wala hubby... Naisip ko lang ang mga nangyayari lately.. Panibagong problema na naman.." sagot ko at napabuntong hininga.
Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin at iniharap ako sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nagpantay ang aming tingin.
"Nalampasan natin ang mga pagsubok noon... Kakayanin natin yan ngayon, Angel ko.." seryosong sabi niya.
Napangiti ako at tumango..
Tama... Nakaya namin noon..
Hinalikan niya ako sa labi na kaagad ko namang tinugon.
"Lets go back to our room, Angel.. Namimiss na kita.." nakangising tugon ni Rave.
May pilyong ngiti na namumuo sa kanyang labi.
Tss... Hanggang ngayon ay manyak pa din ito si Rave..
"Mister.. Gabi gabi po tayong magkatabi.." kunyari ay sabi ko at inirapan pa din siya.
Mas lalo namang na napangisi si Rave at hinapit pa ako papalapit sa kanya.
"Namimiss kita palagi, Mrs. San Diego.." sagot niya at kinarga ako bigla.
Buti nalang at napigilan ko ang sarili kundi napatili ako sa gulat.
Lumipat kami sa aming silid at doon muling pinaligaya ang isa't isa..
+++++
Hatinggabi nang maalimpungatan ako.
Dahan dahan akong bumangon upang huwag magising si Rave na mahimbing nang natutulog.
Nagpalit ako ng damit at patingkayad na umalis.
May kailangan akong alamin.
Nakapurong itim ako at isinuot ko ang facemask ko noon..
Hindi ko ginamit ang kotse.
Imbes ay kinuha ko ang itim na bigbike ni Rave at iyon ang ginamit ko papunta sa pakay ko.
Doon ako nagpark sa harap ng gate ng subdivision nila Monique at saka tinakbo ang pader sa gilid.
Walang bantay doon kaya mas madali ang pagpasok..
Sumampa ako sa pader at tumalon pakabila.
Matagal ko nang pinag-aralan ang lugar na ito kaya kabisado ko na ang pasikot sikot.
Pagkarating ko sa bahay ni Monique ay muli akong sumampa sa bakod.
Dumaan ako sa terace upang makaakyat sa ikalawang palapag ng kanyang bahay.
May ilaw pa sa silid niya tanda na gising pa si Mon kaya nanatili lang ako sa madilim na bahagi ng balkonahe at nagmatyag.
Ilang saglit din akong nagmasid.