In this game of life, you need to kill in order to win.. And you must win in order to survive and live a life ..
*******
Gian's POV:
Pagpasok ko pa lamang sa opisina niya ay bumungad kaagad sa akin ang seryosong anyo ni Chase.
Akmang hahalikan ko siya sa labi pero kaagad na iniwas niya ang mukha.
Napakunot noo ako at naupo sa swivel chair sa harap ng mesa niya.
"What's wrong Hon?" tanong ko.
Pero kahit di pa niya sabihin ay batid ko na kung ano ang problema.
It's always Sniper..
Ang obsession niyang mahuli ito..
"Kelan mo sasabihin sa akin ang lahat Gian? Alam kong kilala mo siya. Kailangan niyang panagutan ang mga kreming ginawa niya." nakatiim bagang sa sambit ni Chase.
Tumikhim ako at tumayo.
"Im not here Chase para sa misyong matagal ko ng binitawan. Sniper is out of league now. At matagal ng close ang kaso sa kanya.. Lahat ng pinatay niya ay kriminal kaya wala na tayong karapatan na hulihin pa siya.." sambit ko at tinungo ng pintuan.
"And btw, yayayain sana kita for lunch pero mukhang iba ang timpla mo.. I'll just go.. Call me kung okay kana." dagdag ko pa bago tuluyang lumabas ng opisina ni Chase.
Napabuntong hininga ako ng makalabas.
Ang laki talaga ng galit niya kay Sniper.
I wonder why is she doing that gayung matagal ng kinalimutan ng gobyerno ang kasong ito.
Si Lian.. Matagal na siyang nagretiro sa pagiging assassin..
At kung sakali mang babalik siya sa pagiging ganun..
I will be the one to capture her..
***
Matt's POV:
Oh yeah may POV ako..
Btw, alam long curious kayo bout me..
Yeah im not a gay.. And ive just disguised as one..
May hinahanap kasi ako.. My sister..
Alam kong isang mafian ang napangasawa niya kaya kampante ako na protektado siya.
But i need to see her. May mga bagay na dapat niyang malaman. She need to handle it soon bago pa malaman ng lahat ang tungkol sa kanya.
Where are you Reen?
***
Nina's POV:
Kasalukuyan akong nasa kusina at inihahanda ang hapunan namin.
Nasa sala naman si Nian kasama si Mhel at nanonood ng paborito niyang palabas na disney princess kaya malaya akong nakakagalaw sa kusina.
Mabuti nalang talaga at umuwi na si Ate Mhel kaya natutulungan na ako sa pag-aalaga kay Nian.
Mag aalas syete na kaya tiyak na pauwi na si Nick sa mga oras na ito.
Malapit na ding matapos ang niluluto ko kaya tamang tama lang sa pagdating ng asawa ko..
Saktong alas syete nga nang makaluto ako..
Kaagad na inihanda ko ang hapag.
Pero labis ang pagkabigla ko nang humulagpos nalang bigla sa kamay ko ang hawak kong baso.