Mafia Empire:
Mula sa katapat na building ay bumaba ang isang matangkad na lalaki.
Nakasuot ito ng american suit at may bitbit na attache case.
Deretso itong pumasok sa isa pang building.
Ilang saglit pa ay lumabas na din ito at sumakay sa isang itim na mercedes benz na nakapark sa di kalayuan ng mafia empire.
"Nagawa mo na ba ang iniutos ko?" tanong ng babae na nakaupo sa harap ng manibela.
Nagsmirk naman ang lalaki.
"All is done.." sagot nito.
"Good.." nasiyahang sabi ng babae at sinimulan ng paandarin ang kotse.
Maya maya lang ay may malakas at sunod sunod na pagsabog ang naganap sa bawat gusali ng mafia empire.
Nagkagulo ang mga empleyado sa loob..
Kanya kanyang takbuhan upang maisalba ang sarili.
Napapatili naman ang mga babae.
Halos magbagsakan ang mga kisame sa bawat pagsabog.
Nagcrack din ang mga sahig.
Ilang gamit ang nangatumba at naglaglagan.
Nahati ang isang gusali at tumagilid ito dahilan upang dumaosdos ang mga mesa at cabinet.
May mga natangay naman sa pagdausdos ng mga mesa kaya napapasigaw at kumakapit ng mahigpit ang mga di pa nakaalis.
Nakakapanhilakbot ang sigawan sa paligid.
Ang iba ay nagkandahulog sa hagdan.
May nadadapa at naapakan.
Ang mga assassin at guards naman ay kanya kanyang takbuhan upang hanapin ang salarin.
Pero dahil sa damage ng area ay nahihirapan sila.
Nagkalat ang bangkay sa paligid..
Sirang sira din ang buong gusali maging ang kabila.
Gangsters Arena:
Maingay at magulo ang paligid.
Naghihiyawan ang mga manonood sa dalawang grupo ng mga gangsters na naglalaban sa gitna ng arena.
Kanya kanyang pustahan kung sino ang mananalo.
Maya maya ay idineklara na ang bagong kuponan na nakakuha ng bagong ranking..
Samu't sari ang reaksyon.
May nasiyahan dahil sa pagkapanalo..
May naiiling naman.
Pero mas marami ang walang pakialam.
Patapos na ang huling laban nang biglang may mga lalaking naka ninja suit na bumaba mula sa itaas habang nakahawak sa tali.
Kasabay nito ay tila umuulan na ng mga shuriken, bala at dagger sa paligid.
Marami ang natamaan sa sorpresang pag-ataki ng mga ito.
"Mafia assassins!" sigaw ng isang lalaki.
Kanya kanya silang labas ng mga sandata at pilit na isinasalba ang buhay.
Ang iba ay pilit na tumatakas.
Halos puro dugo na ang nakikita sa paligid.
Walang pakialam kahit na naapakan nila ang mga bangkay.
May nakahawak ng espada at derederetsong pinagtataga ang kalaban.
Naglabas naman ng baril ang iba at basta na lamang nagpaputok.