Rave's POV:
Nasa loob kami ng conference hall ng BPG..
Kailangan ko na kasing ipaayos ang Underground Arena lalo pa at naaapektuhan na masyado ang kalakaran ng mga gangsters..
Gumulo na ang gangster world simula ng mabuwag ang arena.
Kung saan saan may nagaganap na paglalaban.
At ito ang pinakainiiwasan kong mangyari noon.
"Siyanga pala Nick, balita ko inambush ka sa Hongkong.." narinig kong tanong ni Louie.
Napakunot noo ako at napatingin sa kanila.
Masyado naba akong abala at di ko na namalayan ang nangyayari sa mga kaibigan ko?
"Sino ang lumusob sa inyo?" tanong ko.
"Mobsters... Mukhang may balak silang kunin ang kompanya ni Lolo.. Sinabutahe nila ang resort.." seryosong saad ni Nick.
Mukha ngang seryoso na ang mga nangyayari.
Tumayo ako at nanungaw sa bintana.
Kailangan namin ang tulong ni Lian.
Pero mukhang mas marami naman ang pinagkakaabalahan niya.
Nagkasunod sunod ang problema..
Pati si Mon ay kailangan naming tulungan..
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga at hinilot ang sentido..
Fuck! Kung sino man ang may gawa nito ay magbabayad siya..
++++
Darius POV:
Nasa highway na ako nang tumawag si Reen.
Napangiti ako at kinabit ang blutooth headset.
"Mamie, napatawag ka?" nakaporma ang ngiti sa aking labi.
I really love this woman and im happy with her.
"Papa si Darrene po ito.. May bisita pong naghahanap sa inyo.." boses ng anak ko abg nasa kabilang linya.
Napakunot noo ako..
Sino naman kaya ang bisita..
"Baby, sino ang bisita? Lalaki ba?" tanong ko.
Papaliko na ako sa daan papasok sa subdivision namin.
"Hindi po papa.. Babae po at maganda." sagot ni Darrene.
Napakunot noo ako at mas binilisan ang pagpatakbo ng kotse.
Papasok nako sa gate ng suvdivision nang makasalubong ko ang isang pulang ferrari car na kagaya ng kotse ni Aryana noon.
Napatingin pa ako sa kotse nang magkatapat kami.
May bago ba kaming kapitbahay?
Lumagpas na ito at dumeretso na rin ako sa amin.
Pagkapark ko pa lamang ng kotse ay agad na sumalubong sa akin si Darrene.
"Papa!" masayang sabi nito at kaagad na yumakap sa akin.
"Anong pinagkakaabalahan nyo, kiddo?" tanong ko at ginusot ang kanyang buhok.
Napasimangot naman ang anak ko..
Ayaw na ayaw kasi nito na ginulo ang buhok na pinaghirapan daw niyang ayusin.
"Papa naman eh! Wag ang buhok ko.. Naglalandscape po kami ni mama. Pero tapos na kami. Nagluluto na si mama." sagot ni Darrene at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.