Monique's POV:
Inihatid namin sina Umma sa airport dahil nais ni Oppa na mailayo sa gulo ng battle lalo pa at di pa ko officially naka-alis sa pagiging isa sa mga kasali.
At isa pang ipinag-alala namin ay nakatatlong badge na ako at bali-balitang nalalapit na ang pagsisimula ng final battle.
Naramdaman ko ang paggagap ni Yogurt sa kamay kong nakapatong sa aking mga hita.
"Are you okay yogurt? May bumabagabag ba sa isipn mo?" puno ng pag-alalang tanong niya habang pasulyap sulyap sa akin.
Siya kasi ng nagmamaneho habang nakasunod kami kina Oppa patungo sa airport.
Ngumiti ako at pinisil ang palad niya.
"Naisip ko lang what will happen now lalo pa at nalalapit na ang final battle." sagot ko.
"Don't worry, hindi ka namin pababayaan.. Isa pa, alam kumg hindi ka hahayaan ni Lian na mapapahamak.." sambit ni Brad.
Bumuntong hininga ako.
Tama, I have them... My family, and my friends..
Nagkatinginan kami ni Brad at sabay na napangiti sa isa't isa. Naging masaya na uli ang topic namin lalo pa at medyo malayo din at matraffic ang patungong airport.
Boooggggsssss...
Halos maalog kami ni yogurt sa loob ng kotse sa lakas ng impact ng biglang pagbangga sa amin.
Kapwa kami nagulat pero kaagad namang nakabawi si Brad at mabilis na minaniobra ng kotse.
Isa pang pagbangga sa aminang naganap kaya naalerto na kami pareho.
Mariin nitong inapakan ang accelator at pinaharurot ang kotse saka nagpasuot suot sa karamihan ng mga sasakyang andun.
Di na nito inalintana ang traffic light maging ang mobile patrol na humahabol din sa amin.
Nagring ang cp ko pero di ko ito masasagot dahil pinaulanan na kami ng bala ng kalaban.
"Yogurt, akong magmamaneho.." sambit ko..
Kaagad naman kaming kumilos at nagpalit ng pwesto.
Kinuha niya ang baril sa ilalim ng upuan at nakipagbarilan na din sa mga sumusunod sa amin.
Binilisan ko naman ang takbo ng kotse at kung saan saan sumuot upang mailihis ang humahabol sa amin.
Pati ang mga pulis ay di malaman kung sino ang kalaban lalo pa at pati sila ay natatamaan na din at binabangga ng kalaban.
****
Brad's POV:
Patuloy ang gitgitan at barilan namin sa gitna ng daan.
Mabilis at buong husay na minaniobra ni Mon ang kotse upang makalayo kami pero nanatili itong nakasunod pa din sa amin.
Boooogggsss!!!
Isa na namang pagbangga ang ginawa nila sa kotse namin at dahil sa lakas nito ay halos mapatagilid amg aming kotse.
Inasinta ko ang gulong ng kalaban pero di ko matamaan dahil pa ekis ekis din ang takbo nito at nililihis sa dereksyon ng bala..
"Yugurt! Possible kayang mafia ang humahabol sa atin? Kasali sa battle?" buglang tanong ni Monique.
Napakunot noo ako..
Posible.. Hindi naman nila alam kung kelan aataki ang bawat kasapi sa battle..
"Maaring ganun nga yogurt.." sagot ko at muling kinargahan ang magazine ng baril..