Darius POV:
Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Lian. Kung iilang beses ko na ding tinitingnan ang cellphone ko pero wala pa din..
Kumusta na kaya sila? Sana ligtas sila pareho.. Young lady, Nicnic..
Tiningnan ko si Brad na nasa kama..
Mabuti nalang at di talaga bumaon ang bala sa kanyang puso. Tiyak na hindi kakayanin ni Monique kung may masamang mangyari rito..
Napabuntong hininga ako.
Krrrriiinnggg...
Mabilis na kinuha ko ang cp sa buls upang tingnan kung sino ang tumawag..
Mamhie calling...
Natapik ko ang noo nang maalalang kaaalis nga lang pala ng asawa ko.
Ang dami ma kaaing nangyari sa maikling oras pa lamang.
Tumayo ako mula sa pagkaupo sa sofa at lumabas ng silid ni Brad.
Sakto namang pumasok ang nurse kaya binilin ko muna saglit.
Sa katabing fire exit ako pumwesto at sinagot ang tawag ni Reen.
Dhie.. Nakarating na kami.. Kumusta kayo dyan?
Mabuti naman at maayos kayomg nakarating mhie. Don't worry about us.. Susunod kami kaagad ni Mon pagkatapos ng lahat dito..
Minasahe ko ang batok ko habang nakipag-usap kay Reen. Ayoko mang magsinungaling sa kanya ay kailangan ko itong gawin.
Baka mag-alala ito at maisipang bumalik ng pinas..
Mas mapapanatag ako kung naroon na sila sa Korea. Naibalik na sa amin ang Jung Empire kaya alam kong mapoprotektahan sila doon..
I love you, dhie. Ingat kayo dyan huh? Wag magpabaya.. Call me every now and then para di ako mag-alala..
I love you too, mamhie ko.. Promise i will..
Matapos ang mahabang bilin ni Reen ay pinutol na din nito ang tawag. Napangiti na din ako..
Atleast i know they're safe..
Muli kong binuksan ang cp at inopen ang GPS.
Hinanap ko ang location ni Lian pero di ko makita..
I think i need to inform them about the situation.. Kung tama ang pagkakakilala ko kay Young Lady, malamang kumilos na naman ito ng di nagpapaalam sa kanila..
Idinayal ko ang numero ni Phantom. Ilang saglit pa ay sinagot na nito ang tawag ko..
Darius, anong sadya mo at napatawag ka..
I need to tell you something..
****
Rave's POV:
Mabilis kong kinabig ang manibela at iniliko sa may South.. Dito nakasaad ang kinaroroonan ng signal ni Lian.
Mabuti nalang at kinontak niya si Gian kanina bago umalis kundi wala kaming ideya kung nasaan ang Angel ko..
Damn! Kung bakit ba kasi siya sumusugod ng nag-iisa..
Mabilis at matulin ang takbo ko habang nagpasuot suot sa kahabaan ng pila ng mga sasakyan..
Nagpapalit palit ako ng lane upang bumilis ang takbo ko kasehodang magalit ang mga inaagawan ko ng kalsada.
F***!