A/N: this update is supposed to be posted nxt day pero dahil birthday niya at request niya to kaya eto na.. Hope magustuhan mo ito yam ko..
Happy birthday my beloved co-authour CHECHE MENESES. ^_^
***
Lian's POV:
Nagulat ako sa sinabi ni Darius.. What happened to Monique? Alam kong malakas siya and she can protect herself..
But, why is it na kailangan ko siyang tulungan?
Napatingin ako kina Rave at Lion na kasalukuyang nag-uusap..
I need to go.. Nasa panganib si Mon..
Mabilis na nilisan ko ang ospital sakay ng kotseng ginamit namin ni Rave kanina..
Habang mabilis na nagmamaneho ay kinontak ko si Gian..
Ilang ring muna bago ito sumagot. Bakas pa sa boses nito na kagagaling lang sa mahimbing na pagkakatulog..
'Yow Lian! Napatawag ka?'
'I need you to do me a favor..'
'Huh? Okay spill it out..'
'Tract Monique's whereabouts as fast as you can.'
'Got it..'
Matapos ng pag uusap namin ay mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse.
Sinabayan ko ang gps radar sa cp ko na nakatrack sa pinanggalingan ng tawag ni Darius.
Ilang saglit din akong naghintay bago pumasok ang signal galing kay Gian.
What the...? Bakit siya andyan? Di kaya...?
Napamura ako at mabilis na iniliko ang kotse sa isang iskinita.
Nahagip ko pa ang ilang paninda ng mga sidwalk vendors sa bilis ng takbo ko.
Marami ang napamura pero wala akong pakialam. Eto ang pinakamabilis na daan papunta sa dereksyon ng kinaroroonan ni Monique.
Mafians.. Kinuha na siya ng mafia.. Kompleto na ang badge ni Mon..
Shit! Dead end...
Napadiin ang pagtapak ko ng brake nang makitang nasa harap ko na ang mataas na pader.. Alam kong sa likod nito ay ang kalsadang papunta sa south bridge na kinaroroonan ni Monique.
Muli kong sinulyapan ang radar.
Nirebolusyon ko ang makina at inatras ang kotse..
Tinantiya kong mabuti kong kakayanin ba ng kotse ang kapal ng pader..
Humugot ako ng malalim na paghinga saka mariing tinapakan ang acceletor ng kotse..
Humarurot ito at saka mabilis na bumangga sa pader ng dead end.
Napakapit ako ng mahigpit sa manibela at naalog ako sa loob..
Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa taas ng pinaglusutan ko.. Mababa pala ang kalsadang nasa kabila ng pader..
Blaaaaggggg..
Naalog ako sa loob nang tuluyang bumagsak ang kotse kaya saglit muna akong napatigil at hinintay na mawala ang hilo..
Sinulyapan ko uli ang radar..
Nasa isang lane nalang kami pero malayo na sila.
Muli kong nirebolusyon ang makina saka mabilis na inapakan ang accelator at humarurot na ako..