Chapter 1 - BRIE

6.2K 259 9
                                    

Dedicated to Team fuckingshit

Chapter 1
BRIE

⚜️⚜️⚜️


Owned physically by North America but politically owned by United Kingdom. Iyon ang magulong katotohanan tungkol sa bansang kanyang tinitirhan, Canada. Ang ama niya ay isang Prime Minister na parating wala at bilang na bilang sa daliri kung makita niya at makasama. Her mother is a supportive wife, living for charitable works and other humanitarian foundations. Kahit naman ganoon ay pinipilit naman ng mga iyon ang magpakamagulang sa kanya kahit na nga kulang na lang ay literal na maging mag-asawang lagari ang mga magulang niya. Busy ang mga iyon sa buhay habang siya ay busy sa wala lang.

Pumangalumbaba si Brie sa harap ng napakatayog na shelf sa loob ng library at iirap-irap ang mga mata habang nakikinig sa tutor niya sa Political Science.

Kung lugaw ang tawag sa utak ng tao na mahina, ano na lang ang tawag sa utak niyang walang ni katiting na naiintindihan sa bwisit na itinuturo ng tutor niya na mukhang mas matanda pa kay Einstein?

Oh my God! What a very boring life, Papa Jesus. Let me escape, please. Buntong hininga niya.

Mabuti man lang sana kung ang kinuhang tutor ng Daddy niya ay singpogi ni Mark-Paul Gosselaar ng 'The Passage', kaso hindi kaya bored na bored siya sa isa at may kalahating oras ng session niya kay Professor Wilson. Kasingtanda ito ng Daddy niya at kasing amoy pa-amoy matanda.

Gusto na niyang mag-asawa para sana magkaroon na siya ng dahilan na huwag ng mangandidato para pumalit sa ama niyang Prime Minister. The Queen made an assurance that if she'd win, hundred and one percent sure that she'd replace her father's throne-which she really quietly dislikes.

She means, proud siya sa achievement ng Daddy niya pero hindi niya talaga pangarap na sumunod sa yapak no'n. Sana nga ay nagkaroon siya ng kuya para iyon na lang ang pumalit sana kaya lang wala. Nag-iisa siyang anak dahil mantanda na ang Daddy niya nakapag-asawa. Bente dos anyos pa lang iyon ay may mataas ng katungkulan sa bansa kaya doon na naubos halos ang buhok niyon sa ulo at sa nguso. Her Dad was already thirty-seven when she was born and now the old man is fifty-seven years old. Ang Mommy niya ay mas bata ng pitong taon pero matanda na rin nang manganak. Isa naman iyong duktor at siya naman ay gustong maging isang guro sa Science, Chemistry.

Her Dad granded her wish to study Education, major in Science but with a special attachment-a tutor about Politics.

"Addison?" untag ng matanda sa kanya kaya napatuwid siya ng upo.

"Yes, Prof?" she smiled, the cutest one. Maanong madala naman sa pa-cute ang repolyong matanda para sana huwag na siyang tanungin nang tanungin.

"Are you listening?"

"Maanong boyfriend na lang ho Prof ang ibigay niyo para makawala ako sa deal namin ni Daddy." matatas na sagot niya sa wikang Filipino na mina-master niya dahil ang dugo naman niya ay Pilipino talaga.

"Pardon?"

Kitam! Sino ang bobo sa kanila?

Her mother is partly Chinese and Pilipino while his father is a pure Pilipino, only adopted by a Canadian couple that's the reason why she's still mastering her Filipino language because she's still purely Asian. Besides, she likes it. Nagagamit niya iyon kapag nabubwisit siya sa mga kaklase niya kaya kinakausap niya sa Tagalog.

Tulad ngayon na nabubwisit siya sa walang sawang pagtabil ni Professor Wilson.

"I asked you about our lesson yesterday. Are you still with me, Brie Addison?" umarko ang mga puting kilay ng matanda kaya lalong nanulis ang mga labi niya.

CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon