Chapter 4
BRIE⚜️⚜️⚜️
Napasinghot siya at naitago ang mukha sa ulo ng aso niyang may baon na pagkain na masarap. Naiinis siya na bakit naluha siya dahil lang sa simpleng sagot na ‘yon ni Tommy sa kanya na kung ayaw niya ay di huwag siyang kumain.
Ang sama ng ugali. Palibhasa ay ang tanda na tapos mukhang matandang kambing pa.
Nag-iba na talaga iyon sa paglipas ng mga panahon at hindi na iyon malambing na tulad ng dati. Siya lang yata talaga ang mahilig na umasa sa mga kung anu-anong bagay kaya siya madalas na bigo.
Umungol siya at napapiksi nang tumulo ang luha. Even her breathing suddenly becomes difficult to bear. Parang may bara sa dibdib niya at gusto niyang habulin ang paghinga samantalang naglakad lang naman siya nang mabilis papalabas.
Nahimas ni Brie ang dibdib nang mapaubo siya at eksakto naman na may pumarang tricycle sa may harap niya.
Humakbang na siya papasok pero bigla siyang napatili nang may kamay na malabakal ang humawak sa braso niya at hinila siya pabalik.
“You’re childish. Come on. Don’t grouch.” Medyo may lambing na ang boses ni Tommy pero naroon pa rin ang tigas at awtoridad dito.
Napaiwas siya ng tingin dahil nakukunsumi siya sa lintik na balbas nito na parang maraming garapata.
“Alis na. Hindi siya sasakay.” Iling pa ng binata sa driver ng tricycle na parang pumangit lang lalo ang tabas ng dati ng pangit na mukha.
Hawak niya ang dibdib ay nakamasid lang siya kay Tommy. Hinihingal talaga siya at nakumpirma niya iyon. She feels hot, too not because of the man in front of her but because she feels bad. Kanina pa siya may lagnat nang umalis siya sa bahay pero naglakad naman siya papuntang labasan ay hindi naman siya hiningal. Ngayon parang gusto niyang magkabit ng oxygen sa ilong at doon kumuha ng supply ng hangin.
“I’m sorry. Okay? Don’t get mad now.” He touched her cheek and she just nodded.
“Please…buy me meds.” Pakiusap niya rito at talagang naiiyak na naman siya. Hindi naman siya nahihiyang makita ni Tommy na naghihirap siya dahil tatlong buwan din sila nitong nagkasama noon at ang mga panahon na iyon ay isa sa mga araw na hindi niya kinalimutan.
Araw-araw niyang inaalala ang lahat ng nangyari sa loob ng clinic ni Dra. Genesis habang tumatanda siya para hindi kasamang lumipas ng panahon na daraan sa buhay niya. He’s the sole person who is very dear to her heart, next to her parents and her yaya.
“I’ll buy you. I never said I would never. You just overreacted. Are you okay? You look terrible.” Iniangat nito ang baba niya at mataman siyang pinagmasdan hanggang sa alisin nito ang suot na leather gloves at tuluyan na sinalat ang noo niya.
“Jesus! You’re hot!” bulalas nito at saka parang tumigas na naman ang mukha.
Napaubo si Brie at huli na para makuha pa niya ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon kaya nang hindi niya makontrol ang paglabas ng laway sa bibig niya ay laking hiya niya na sa kamay iyon ni Tommy tumalsik.
“Yay!” tinangka niyang kunin agad ang kamay nito at ipapahid niya sana sa blouse niyang suot pero parehas silang natilihan nang ilayo nito iyon at madilim ang mga mata na tumingin sa mata niya.
“Blood?” bakas sa boses ni Tommy ang galit sa mga oras na iyon at hindi siya nakapagsalita.
“Damn it, Brie! You’re killing yourself!” he almost shouts at her but somehow he still managed to control his voice.
BINABASA MO ANG
CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)
DragosteBrie was only ten when she met Agent Thomas Henri Villaverde and he's twenty-six at that time. He's the most handsome face she'd ever seen so far, more than those Hollywood actors she often sees somewhere but he's too old. He's a federal agent and s...