Chapter 5

3.7K 271 12
                                    


For You I Will
--Monica
Dedicated to: ZSCancer1992

Chapter 5
BRIE

⚜️⚜️⚜️

After two days of staying in the hospital, Brie is now feeling better. Her fever subsided and her breathing is back to normal. She had Pneumonia and thanks to Tommy again; she was saved one more time.

Ngumisi siya habang pinagmamasdan ang lalaking nakatalikod sa kanya. Busy ito at parang may dinudotdot sa ibabaw ng isang parihabang mesa. Nang magising siya kanina dahil tumunog ang cellphone niya ay wala ito. Kinakamusta siya ni Mariana kaya naman nang sabihin niyang naka-confine siya ay bibisita raw iyon.

Iyon lang ang kaisa-isang tao na nakakaalam ng sikreto niya dahil talagang mapagkakatiwalaan naman at ilang buwan na ngang nakatago ang katotohanan na hindi siya isang dukha.

"Ahem!" sinadya niyang tumikhim para maagaw ang atensyon ni Tommy.

Lumingon naman ito kaagad at tumayo mula sa upuan.

"You're awake." Anito habang ibinababa nang kaunti ang suot na gray t-shirt.

Tulo laway siya bigla nang mapatitig sa dibdib nitong bakat sa fitted branded shirt na suot. Regular fit and suot nito nang mga nagdaang araw pero ngayon ay nakita niya kung gaano pa rin kaganda ang katawan nito kahit na maraming taon na ang lumipas.

His long dark brown hair is neatly combed this time. Mas mukha itong tao kaysa sa engkantong kambing.

"Kanina pa po. Napagnasaan na nga kita." Biro niya at parang character sa isang comics na nagbago ang tabas ng mukha nito at naging matalim ang mga mata.

Oh my, he's such an oldie talaga. Parang isa itong lolo na galit kapag nagsasalita ang nga apo tungkol sa mga crush, crush o mga kalokohan.

"Joke." Sinamahan niya ng irap ang sinabi at iiling-iling lang ito na lumapit sa mesa malapit sa kama na puno ng pagkain.

Kumuha ito ng disposable cup at nilagyan 'yon ng gatas.

"Coffee please." Ngiti niya kay Tommy.

"No."

Hmp! Napaismid na lang si Brie. Ang sungit na talaga nito ngayon pero mabait pa rin naman. May kalambingan pa rin naman pero may mga pagkakataon na tahimik at parang may iniisip, may dinidibdib.

"Little girls must not drink coffee. Milk is for you, sweetie."

Sweetie? Yik!

Nakagat niya ang labi dahil para siyang kinikilig. Buhay pa rin pala ang kabaliwan niya noong sampung taong gulang pa lang siya na parang maiihi sa panty kapag nakikita niya itong naglalakad sa pasilyo ng clinic, papunta sa kanya.

He was so firm at that time, as far as she could remember. He was so handsome. He looked like a real man and not like his classmates who were thin and never had any muscles at all.

Tommy is so tall and if her memory serves her right, he's 6'2.

Tumingin siya ulit sa bulto nito at busy pa rin ito sa pag-asikaso ng pagkain niya. Ang swerte ni Dra. Genesis dito. He's a federal agent. He's strong and tough but he prepares the meal for the people he likes. Swerte rin siya na ginagawa pa rin nito iyon ngayon na parang ang hirap pa rin ngang paniwalaan na nangyayari.

She's still overwhelmed. Para pa ring panaginip ang nangyaring aksidente nilang pagkikita sa gasoline station. Her hardships were gone that moment he removed his helmet. Ang halos dalawang linggo niyang pabalik-balik doon para sa kakarampot na sweldo ay nagbunga ng isang malaking mamaw na mahaba ang balbas at buhol ang buhok.

CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon