Chapter 2 - BRIE

4.1K 230 10
                                    

Chapter 2
BRIE

⚜️⚜️⚜️



"Alisson, lumabas ka riyang bata ka! Lintik na, dalawang buwan ka ng hindi nakakapagbayad ng upa mo! Pati na ang deposito mo, nagamit mo na, may utang ka pang bata ka! Allisoooooon!" malakas na sigaw at kalampag ng isang babae sa pintuan ng dalagang nahihimbing.

Naiinis na kinalkal ni Brie ang ulo nang maalimpungatan siya sa malabumberong bibig ng landlady sa inuupahan niyang barung-barong. Araw-araw na lang ay iyon ang naririnig niya simula nang lumagpas siya sa taning ng pagbabayad ng upa.

"Sandali ho." Humihikab na lambing niya sa babae na wala ng ibang ginagawa kung hindi ang bungangaan siya.

Ano bang magagawa niya ay inuna niya ang mga gamot na kailangan niya nang magkaroon siya ng Bronchitis kaya hindi siya nakapagbayad ng upa?

Kaya nga nag-resign na siya sa pinagtatrabahuhang gasolinahan dahil baka sa susunod ay Tuberculosis na ang sambutin niya sa araw-araw na pagsinghot ng gasolina at krudo. Dinaig pa nga niya ang isang adik at minsan ay bangag na siyang umuuwi.

Naghahanap pa siya ng bagong trabaho at kinukuha pa niya ang balanse niyang isanlibo at dalawandaang piso roon. Seven hundred ang upa niya sa bahay na tagpi-tagpi na, hugpungan pa ng mga kanal kaya magkakaroon na lang siya ng dalawandaang balanse kapag nakapagbayad siya. Papayag naman siguro ang matandang bungangera kung makikiusap siya.

Nagtityaga siya roon dahil wala naman siyang binitbit na ATM niya. Mata-track siya ng Daddy niya sa oras na magkaroon siya ng withdrawals. Nakapag-withdraw naman siya noong nasa Canada pa siya ng sapat lang at nang tumira siya sa mamahaling apartment ay doon naubos ang pera niya dahil hindi siya kaagad nakakuha ng trabaho. When she left her unit, she chose to live in a place like it doesn't really exist, the place where she lives right now.

Mas mabuti na rin iyon. Una siyang hahanapin malamang ng ama niya ay sa mga mamahaling unibersidad sa buong mundo sa pag-aakala baka na gagamitin niya ang propersyon na kanyang tinapusan pero hindi. Nagbagong bihis siya at nagmukhang isang dukha. Kung may mga bagay man na nagpapatunay na buhay prinsesa siya, iyon ay ang kutis niyang parang hindi gugustuhin ninuman na magasgasan, and her earrings. Regalo ng Daddy niya ang mga totoong Emerald na pares ng mga hikaw na sabi niya sa karamihan sa tuwing pinapansin ay pwet lang ng baso.

No one knows that she's an heiress and her father is triple times richer than what the people think. She could even buy the entire Makati but she's not the kind of person who typically shouts her wealth. Namuhay siyang alaga ng yaya, inihahatid sundo ng limousine na may mumunting mga bandila ng Canada, na kung saan gustuhin ng driver na iparada ay walang sisita, ilag sa kanya ang mga nambu-bully sa eskwela dahil sa kapangyarihan ng Daddy niya, nakakapamili siya na walang dalang pera pero hindi niya kailanman ginawang sangkalan ang mga bagay na iyon para umere at magmayabang.

She's a simple girl. She lived a simple life, off from the news, from magazines and cameras. Iyon ang privacy niya na iginalang naman ng lahat na kahit pangalan niya ay hindi niya ibinibigay ng buo sa tao. She usually says that she's Brie Wei, not Brie Addison Wei Robinson.

She coughs and walks toward the door. Kasusunod niya ang alaga na si Tam-Tam na lumukso rin mula sa papag. Nang buksan niya ang pintuan ay eksakto naman na natanggal pa ang bisagra sa ibaba kaya halos sambutin niya ang kabigatan ng pinto.

"Ay!" napatili ang dalaga at halos mapapikit pa nang mariin.

"Ayan, sinira mo pa!" masungit na daldal ng may-ari sa kanya.

"Eh sira na naman ho talaga." She replied. Ano namang Hahanapin nitong kaayusan sa paupahan na ibinigay sa kanya na kulang na lang ay sabihin niyang mas maganda pa ang kulungan ng mga alagang K9 dogs nila sa mansyon?

CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon