Chapter 15

4.2K 262 19
                                    

Chapter 15
BRIE

⚜️⚜️⚜️

TAMPULAN ng tukso si Brie sa dalawang araw na nakalipas dahil sa hindi niya pantay na paglakad pero tinatawanan lang niya ang mga tuksuhan na ‘yon at sinasakyan. Hindi naman kasi siya pikon na tao at masayahin siya kaya kahit na anong klase ng biro ang ibato sa kanya ay hindi niya ikinasasama ng loob.

“Brie,” tawag sa kanya ng isang babae mula sa pagkakatungo niya sa computer.

Hindi siya nag-angat ng mukha dahil hindi naman Brie ang tawag sa kanya ng mga tao roon. Kilala siya sa restaurant bilang Allison at hindi sa totoo niyang pangalan.

She played deaf until a person stands in front of the counter. She’s familiar with that strong scent if a woman. Hindi niya gusto ang pabango na ‘yon na sumusuot sa ilong niya kaya alam na alam niya kung sino ang tumatawag sa kanya.

“I’m sorry. I forgot that you’re Allison and not Brie here.” Ani pa ng babae kaya tumingin siya rito.

Si Allissa nga ang babae at nakangisi ito sa kanya, katerno ng orangey lipstick and suot na tube top. Bakit alam nito na Brie siya? Sinabi ba rito ni Tommy ang totoo tungkol sa buhay niya?

“I just want to ask,” luminga ito sa paligid. “Where’s Tommy?” bumalik ang mukha nito sa kanya.

Why?

“He’s out for his injection.” Magalang na sagot niya rito.

Plastik na kung plastik pero talagang ang bigat ng loob niya sa amo niya. Wala siyang pakialam kung amo niya ito pero talagang hindi maganda ang kutob niya rito sa hindi malamang dahilan—kutob na wala namang basehan kaya pilit din niyang inaalis sa sistema niya.

“Oh, kaya pala hindi ko siya nakikita sa isang oras na nakalipas.” Anito pa kaya halos mapaawang ang mga labi niya.

At ano naman ang ginagawa nito? Binabantayan ang lahat ng motion ni Tommy sa camera?

“Do you need something from him?” hindi na niya napigil na huwag itanong pa.

Ngumisi ito lalo at pinakamasdan siya. Nakuha pa nitong pumangalumbaba sa kanyang harapan.

“Wala naman. I just want to invite you for my sorority throw party this coming Friday but I’m still having second thoughts. Napaka overprotective kasi niya sa’yo so baka hindi siya pumayag.” Nalukot nang kaunti ang ilong ni Allissa kaya napakibit balikat siya.

Ibabalik na sana niya ang atensyon sa monitor pero nagsalita ito ulit.

“Parang kailan lang, si Genny ang kasama niya at pinoprotektahan pero ngayon wala na.” parang nabahiran ng lungkot ang boses ng babae kaya natamilmil na si Brie. “He protected her like the way he’s protecting you or shall I even say na, mas overprotective siya kay Genny noon kasi hindi niya hinahayaan ang best friend ko na magsuot ng mga tulad ng isinusuot mo.” She smiled at her.

Brie suddenly felt pain in her heart. She doesn’t want to be jealous but still she is. Malapit din siya kay Genesis noon dahil inalagaan siya ng babae pero ayaw niyang marinig na parang may nagkukumpara sa kung ano ang meron sila ni Tommy sa meron iyon at si Genesis noon.

“You two are lovers, right?” a smile flashes across Allissa’s face. “Be careful, Brie. Baka hindi mo pa kilala ang lalaking minamahal mo. You know that he’s broken and you must take care of your heart, ha. You’re still so very young and very pretty. Take it as an advice from an ate.” Pinisil nito ang pisngi niya tapos ay inayos pa ang kanyang bangs. “You’re twenty, right? He’s thirty-six, turning thirty-seven.”

CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon