Chapter 17

3.5K 218 15
                                    

Chapter 17
BRIE

⚜️⚜️⚜️

NAKABUNGISNGIS siyang lumabas ng kwarto at kikendeng-kindeng pa na dumaan sa harap ni Mariana habang nanonood naman ang isa ng telebisyon. Nangangalumata ang best friend niya dahil sa puyat pero parang mga bolang magnet ang kaitiman ng mga mata nito, na sumusunod sa bawat kilos ng dalaga.

“Wow, there’s a miracle. Parang kahapon lang ay para kang manganganaking kalabaw kung makaatungal, ngayon nakabungisngis ka na, at take note, labas ang wisdom tooth.” Mariana quotes, smiling at her.

“He called me na kasi and said that I don’t have to be sad anymore. He was already there and next day, he’d fly back home.” Lalong nilaparan ni Brie ang ngiti sa kaibigan.

“At mapipilay na naman ang Miss Prime Minister?” natawa si Mariana kaya napahagikhik din siya.

Sa totoo lang kasi ay medyo iika-ika na naman siya bago umalis si Tommy at nasasaulian pa lang siya pagkalipas ng dalawang araw. Hindi nga rin niya maintindihan kung bakit ba napipilay siya o kaya ay hindi napapantay ang paglalakad niya. Siguro dahil malaki si Tommy at…napaisip siya.

He’s gentle.

He’s kinda brute.

He’s perfect.

“Ayan, ‘yang ngiti na ‘yan ang bubuntis sa’yo, kaibigan.” Duro ni Mariana sa bibig ni Brie. “Ang landi. Ang hilig.”

Lalo siyang natawa at kinikilig na nayakap ang alagang aso. “O bakit? Don’t tell me hindi ka rin mahilig no’ng may bf ka. Masarap kaya kahit nakakapilay.” Ingos ng dalaga sa isa kaya napaismid naman ito.

“Huwag mo na ngang ipaalala ang tukmol kong ex na matapos kong pag-alayan ng lahat ay sumamba na sa iba. Pero alam mo, maswerte ka kasi mahal na mahal ka ni Tito-Sir. Kita mo nga, with pay ang pagsama ko sa’yo. Aba, wala sa minimum ang sweldo ko tapos limang araw lang ako rito, two hundred thousans kaagad? Sabihin mo na lagi na lang dapat siyang wala ha.”

Agad na sumimangot si Brie nang ngumisi si Mariana. “Ayoko nga, mami-miss ko ang giant worm niya.” She covered her mouth and they both giggled.

Kahapon nga lang ay para pa rin siyang namatayan pero nang tawagan siya kanina ni Tommy ay totoong nabuhayan siya ng loob. He was sorry for not contacting her right away. Naiintindihan naman niya ‘yon dahil pamilya ang ipinunta ng boyfriend niya sa Australia.

Humakbang ang dalaga papunta sa kaibigan na nakaupo sa sofa pero hindi pa man lang siya nangangalahati sa napakalawak na sala ay tumunog ng buzzer ng pintuan kaya nagkatinginan silang dalawa ni Mariana.

“A stranger.” Napatakbo si Brie papalapit sa best friend niya at yumakap sa braso nito.

Hindi niya rin maintindihan pero ang takot niya ay bumalik simula nang alagaan siya ni Tommy. Noon nakakapag-isa siya sa barung-barong ni Aling Candi pero ang isipin niya ngayon na may mga taong hindi niya kakilala na kakatok sa pintuan ay parang bumabalik siya sa pagiging sampung taunin na bata, na nangangailangan ng pagbabantay ng isang agent Villaverde.

“Dito ka lang.” ani Mariana at nang tumayo ito ay lalo siyang napaitlag dahil tumalon din si Tammy mula sa kandungan niya at tumakbo papunta sa may pinto, kumakahol.

“May aswang.” Kagat ang daliri na nahila ni Brie ang kaibigan.

“Ano ka ba? Alas, onse pa lang ng umaga. Ikaw lang ang taga-Canada na naniniwala sa aswang.” Natatawang sambit nito sa kanya.

“Don’t open. Hayaan mong mapaltos ang daliri ng stranger sa pagpindot sa door bell. Mommy told me that aswangs are true. Sabi rin ni yaya ko totoo sila. They’re human, too and transform at night.” Umiling siya rito at mas lalo itong hinila.

CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon