Chapter 8
BRIE⚜️⚜️⚜️
"Stop!" tili niya saka siya napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Tumatama na sa mukha niya ang sikat ng araw mula sa salaming dingding ng kwarto pero nakahilata pa rin pala siya.
Susko... anong sama ng panaginip ni Brie dahil hindi na maalis sa isip niya ang sinabi ni Tommy na patay na si Genesis. Hindi niya halos matanggap ang nangyari sa babaeng minsan din naman na naging malapit sa kanya. Noong una nang dumating siya sa clinic ay parang galit sa kanya ang duktor dahil siguro sa nangyari sa boyfriend. Tommy's life was put at stake when he caught the bullet that was supposed to hers.
Kahit bata siya noon ay nauunawaan na niya pero nang lumaon ay parang lumambot din naman ang puso ng babae at inalaagaan naman siya kasabay ng pag-alaga no'n sa boyfriend.
"Wherever you are. Please rest in peace." usal niya sa kisame habang hawak ang dibdib na kumakabog pa rin.
Dinampot niya ang vase sa bedside table at mariin na kinagat iyon sa may bunganga kasabay ng pag-usal ng panalangin sa isip at sa huli ay kinontra niya ang masamang panaginip.
No, Papa Jesus. Please be good to Tommy because he's a good man. Whatever it is, please let it be just a bad dream. In Jesus name. Amen.
Brie opened the window and tossed it outside.
Ipinikit niya ang isang mata at kinagat ang labi. Sana po walang tamaan.
Putis! Nakalimutan niya na nasa condo na nga pala siya at wala na sa bahay na bulok ni Aling Candi. Dapat pala ay hindi niya initsa iyon sa bintana.
Ah basta! Dapat kasi ay makontra niya ang masamang panaginip na iyon dahil iyon ang turo sa kanya ni Mariana nang mapadpad siya sa Pilipinas. Kaya nga sila naging magkaibigan dahil nakatulog siya sa carenderia na pinagtatrabahuhan no'n tapos ay tulo laway na siyang nananaginip sa mesa.
Nadapa raw siya at nabiyak ang ulo niya kaya nang magising siya ay takot na takot siya.
Mariana asked her if she was okay and she just said she had a terrible dream. Sinabi sa kanya ng babae na iyon na kumagat siya ng matigas at umusal ng panalangin para raw malipat sa non-living matter ang jinx na dala ng bad dream. Sa kutsara siya no'n pinakagat tapos ay hinila siya papalabas saka niya initsa sa abot niya ang kawawang kutsara.
Hindi niya iyon nakalimutan. Wala namang masama kung maniniwala siya pero una sa lahat ay mas nananalig siya syempre sa Diyos.
Isinara ng dalaga ang salamin at saka siya bumaba sa napakalaki at napakalambot na kama. Tumingin siya sa litrato ng mga magulang niya na idinikit na niya sa pader, sa may lampshade.
"Morning My, Dy. Sorry for this day again that I'm not beside you. Do you miss me now? Sorry but I still don't want to come home yet. Not until Daddy realizes his mistakes. I love you though." she flew a kiss to them at parang guni-guni na tumunog ang pinto kaya agad siya roong napatingin.
Sarado naman.
Tumayo na siya at naglakad papalabas sa kwarto habang humihikab pa rin, kasusunod si Tammy na bumangon na rin mula sa higaan nito. It's been two days and she did nothing but sleep. Si Tommy naman ay nasa kwarto lagi at halos hindi nga sila magkita kahit na nasa loob sila ng iisang bahay. That old guy is lonely as the sky when it loses the sun.
Dra. Genesis may had been Tommy's sun that's why he's in the phase of getting through the darkness. May tatlong taon na palang patay iyon at kahit siya ay parang kinabog din ang dibdib nang malaman niya.
BINABASA MO ANG
CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)
RomanceBrie was only ten when she met Agent Thomas Henri Villaverde and he's twenty-six at that time. He's the most handsome face she'd ever seen so far, more than those Hollywood actors she often sees somewhere but he's too old. He's a federal agent and s...