Okay, March na. Hahaha. Di ko matiis. 😂
Chapter 3
BRIE⚜️⚜️⚜️
Halos mapaluha siya nang umiling ang kahera ng gasolinahan matapos na lumabas iyon sa cubicle at ipinakita sa kanya ang listahan ng mga advance niya.
Laglag ang mga balikat na nakaramdam lalo ang dalaga ng panghihina sa isang sulyap pa lang sa total balance ng mga pinag-tally na numero.
"Wala ka ng makukuha. In fact, may bayaran ka pang dalawang araw na serbisyo rito. Tingnan mo ang bale mo." Ipinakita sa kanya ni Vina ang journal at sa itaas ay may pangalan niya.
May mga date sa gilid at nasa debit side ang kabuaan niyang sweldo sa isang buwan at sa credit side ang mga advances.
Ang sweldo niya ay inaabot lang ng 370 isang araw at kulang na kulang pa iyon kung tutuusin sa minimum pero nagtiyaga siya. Sa mga pagkakataon na nakakakita siya sa lansangan ng mga batang kalye na nakasakay sa kariton ay binibilhan niya ng masasarap na pagkain ang mga iyon. Nakalimutan niya na hindi na nga pala siya si Brie na prinsesa ng ama niya. She's just an ordinary poor girl who works to eat everyday. Ultimo shampoo niya ay pinagpapawisan niya samantalang sa bahay nila ay isang pindot lang niya sa pader ng babyo, may lalabas ng shampoo, conditioner at feminine wash.
She spent too much but would she count it as, 'too much' if she used her money for the sake of the kids on the streets?
"Ang ibig mong sabihin, Ma'am Vi, hanggang sa isang araw pa ako dapat mag-trabaho para bayaran ko pa ang balanse ko?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.
Tumango naman ito kaagad at tumaas nang bahagya ang mga kilay. "Mismo, Allison. Ayun oh," nguso nito sa may likuran niya kaya napalingon din siya nang kaunti. "Tulungan mo si Eugine kasi maraming sasakyan ang magpapa-gas." Tumalikod na ito at iniwan siyang nakatanga sa hawak na libro.
Nang tila mahimasmasan siya ay parang nakaramdam siya na maluluha na talaga kaya ipinatong na lang niya sa counter ang record book.
She tiredly turned her back and walked to the gasoline stand. Naghihintay doon ang ilang pila ng sasakyan.
Nang umpisahan niyang ibaba ang metro ng stand at masinghot ang gasolina, inutok-utok na naman siya kaagad ng ubo kaya tinakpan na lang niya ang bibig.
Dumaan na siya sa center kanina at inirekomenda siya sa isang private na duktor dahil nga sabi niya ay may lumabas na dugo sa bibig niya. She needs sputum testing and she knows it's kinda expensive. Wala niyon sa center at mukha raw na ang kailangan na niya ay isang lung expert. Umalis na lang siya sa center na nag-iisip kung paano pa o paano na.
Lumayas siya sa kanila at kailangan niyang pagbayaran ang karma. Kasalanan pa rin niya kung bakit siya nakararanas ng ganoon pero bakit wala siyang maramdaman kahit munti man na pagsisisi?
"Miss! Tatanga ka na lang ba? Sayang ang ganda! Huwag tanga!" singhal sa kanya ng isang lalaki na nasa loob ng pick-up at naninigarilyo habang nakalabas ang kamay sa bintana ng sasakyan.
Napatingin sa kanya si Eugine at parang naawa naman. "Huwag naman mayabang, boss. Babae ang ipinahihiya mo sa harap ng karamihan." Aniyon kaya kahit paani ay nakaramdam naman siya ng kaunting tuwa.
Isa si Eugine sa mga taong nagpapakita sa kanya ng totoong malasakit at kaibigan niya ang lalaki. Hindi ito magandang lalaki pero mabuti ang kalooban. Patunay na hindi lahat ng maganda sa panlabas ay ganoon din sa loob.
"Sumasagot ka sa customer? Baka gusto niyong sabay na tumalsik dito? Bilis!" singhal pa ng lalaki kaya umiling na lang siya at tumingin sa takip sa tangke na inaalis ng lalaking nakamotorsiklo.
BINABASA MO ANG
CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)
RomanceBrie was only ten when she met Agent Thomas Henri Villaverde and he's twenty-six at that time. He's the most handsome face she'd ever seen so far, more than those Hollywood actors she often sees somewhere but he's too old. He's a federal agent and s...