Chapter 16

3.8K 276 15
                                    


Mature contents. Unti lang😂

Chapter 16
BRIE

⚜️⚜️⚜️

PADABOG siyang pumasok sa loob ng unit at marahas din na itinulak papasara ang dahon ng pintuan dahil gusto niyang patamaan si Tommy pero lintik, nasalag 'yon ng matanda.

I missed! She snapped in her mind.

He gazed at her as he pushed the door and locked it.

"Aren't you really going to talk me? How many years do you plan to ignore me, Addie?"

Addie na naman. Sinabi na nga niya na kahit magkaaway sila ay dapat baby love pa rin ang tawag nito sa kanya.

"I plan to ignore you for the remaining years of your life, Mang Tomas!" sarkastikong turan niya saka siya nagmartsa papunta sa kusina.

Naiinis siya at lalo siyang naalibadbaran na humalakhak ito bigla.

Aba, masaya pa ito na tinatawag niyang mang Tomas.

"I paid your debt. What else do you need? I'm sorry. I was jealous."

"Correction, overly jealous." Brie curtly opened the fridge and grabbed a cold milk.

"Yes," tango ni Tommy nang tumigil ito sa pagsunod. "I admit."

Nakatayo na ito sa likod ng silya at tinatanggal ang pagkakabutones ng damit.

"Can you blame me?" umarko ang mga kilay ng binata at nanatili naman siyang nakamasid habang kinakapa ang mga ubas sa loob ng refrigerator.

"I can't blame you but at least, control yourself. You punched my best friend right away. He's a lawyer!"

"And so?" walang pakialam na sagot nito sa dalaga na lumiko lang ang labi saka sumubo ng tatlong ubas.

"I'm not afraid of lawyers, baby love. I don't fear anyone."

Lumipad kaagad ang mga mata ni Brie rito at napatigil siya sa pagnguya. "You don't fear me?"

Sige, kapag sumagot ito na hindi ay talagang lalayasan niya ito at dadaan siya sa butas ng doorknob.

Nagsukatan sila ng tingin at kapagkuwan ay tumaas ang isang sulok ng labi ni Tommy. "It's just you who I fear."

Hmp.

Umismid siya pero ang totoo ay kinilig siya bigla.

"Good answer. Next time, don't be so sarcastic and arrogant. You have to trust me. It's important." Aniya na lang rito pero umiling naman ang binata.

"I trust you. It's the young lads around you I don't trust. You remember that waiter, 2nd day of your work? He told you that he loves you. Pwede ba na dalawang araw pa lang kayong magkakilala mahal ka na?" naiiling na napameywang si Tommy na parang inaalala ang lalaki na 'yon.

Naaalala rin iyon ni Brie pero hindi naman siya tanga para maniwala roon. Oo makulit siya at masayahin pero hindi siya shunga, ika nga.

"Hindi naman ako baliw para maniwala sa lintik na lalaking 'yon. Ikaw nga..." ingos niya kaya lumipad pabalik sa mukha niya ang tingin ng kausap.

His eyes are so beautiful as he stares at her. "What?"

"Hindi nga ako nagseselos kahit na nag-asawa ka na. I never questioned you. You told me you love me and I believed you. Then, you will get jealous to every guy who draws nearer to me? Mas masaklap kaya na patay ang karibal." Halos umirap siya pero hindi niya inaalis ang mga mata kay Tommy.

CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon