Chapter 18
BRIE⚜️⚜️⚜️
SHE happily walked past her friends after her duty, ready to head home with Tommy. They spent two days inside the unit and did nothing but make love. Tumigil na rin ang paunti-unting paglabas ng regla niya at baka stress siya kaya kakaunti iyon.
Nasa tapat na siya ng pintuan ng opisina ni Allissa dahil nagpaalam naman si Tommy na kakausapin ito at pumayag naman siya. The jealousy is over and she's back to her normal emotion. May tiwala na ulit siya kay Tommy dahil ramdam naman niya na mahal na mahal siya nito at wala naman siyang napapansin na kakaiba. Kahapon ay umalis ito ng unit pero nasa isang oras lang naman na nawala. Nagdeposit daw ng pera para sa mga tauhan.
Mahina siyang kumatok sa pinto ng office pero walang sagot kaya binuksan niya nang tuluyan at itinulak nang dahan-dahan.
All of a sudden, her mood changes. She's imagining things at the back of her head. Baka mamaya ay makita niya na naghahalikan ang dalawa ko kaya ay nagsi-sex pero tinapangan niya ang sarili.
She has to face the fear that's the only way she could overcome it.
Walang tao sa loob kaya inilibot ni Brie ang mga mata habang walang tigil sa pagpitik ang puso niya. Wala pa man lang ay parang naluluha na siya pero mas malakas pa rin ang paniniwala niya kay Tommy.
She continued and heard a man's voice, owned by him. Hinabaan niya ang leeg at natanaw niya na nakabukas ang isang pintuan at natatanaw niya ang mga halaman. Baka nasa labas ang dalawa at mukhang nag-uusap nga.
Nakasilip na siya at nakita na si Tommy na naninigarilyo habang hawak naman ni Allissa ang isang wine glass at nakatingin sa mukha ng boyfriend niya. Hindi niya alam kung napansin siya nito at mukhang hindi naman dahil agad din na uminom ng alak.
"Wala kang balak na sabihin sa bata ang tungkol sa asawa mo?" ani Allissa kaya nabitin sa ere ang tangka ni Brie na pagtawag kay Tommy.
Bata? Who's bata?
She instantly stepped back and just stood behind the jamb.
"I want to. I will but not now. She will cry a lot." matamlay naman na sagot ni Tommy kaya sinapo niya ang dibdib at parang nanghihina na napasandal sa may hamba.
Will he leave her after what happened between the two of them?
Her tears fell unknowingly with mouth hanging open.
"Will it make any difference? She'll cry, too once she finds out that Genesis is alive." may kalakasan ang boses na sagot naman ni Allissa at kahit yata bingi siya ay maririnig niya iyon.
Buhay si Genesis? Pero sabi ni Tommy ay patay na iyon.
"Hanggang kailan mo itatago sa bata ang pag-alis mo ng isang oras o dalawa sa tabi niya at akala niya ay may ginagawa kang importante, 'yon pala, ikaw ay nasa tunay mong asawa. That hurts, Tommy."
Agad na yumuko si Brie at kasabay no'n ay tumulo ang mga luha niya. Parang sumikip ang dibdib niya sa narinig na iyon at sa kawalang sagot ni Tommy. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sakit pero wala iyong kasing sakit at hindi kayang basta ipaliwanag ng mga luha niya.
"You're still married to Genesis and no matter how much you hate to hear it, Brie is still your mistress." patuloy pa ni Allissa kaya halos mapahikbi siya.
Isa siyang kabit.
Ibig sabihin ay nagsisinungaling si Tommy na lumabas para magdeposito ng pera? Pumunta 'yon sa asawa?
![](https://img.wattpad.com/cover/177094786-288-k885325.jpg)
BINABASA MO ANG
CRUSHED✅(finished But Incomplete Chapters)
RomansaBrie was only ten when she met Agent Thomas Henri Villaverde and he's twenty-six at that time. He's the most handsome face she'd ever seen so far, more than those Hollywood actors she often sees somewhere but he's too old. He's a federal agent and s...