Clarita Matete Point of view
"I'm really sorry for not saving you Clarita!"
Bulong! Isang bulong na bumuhay sa aking kapusukan. Heto na naman ang hindi maipaliwanag na pagtibok ng aking puso. Bakit ba sa kanya pa ako nagkagusto? Ang masakit hindi ako ang gusto niya kundi sa isang kaibigan.
Nagising ako dahil sa isang panaginip. Isang masayang panaginip. Doon sa mundong iyon kayakap ko si Faulkerson. Tumatawa ng walang iniisip sino man. Ayaw ko ng magising peru ang kaso isa nga itong panaginip. Kung hindi ka gigising ay hindi ka na mabibigyan pa ng pagkakataong makasama pa ang taong mahal mo SA TOTOONG MUNDO.
KUNG SAAN HINDI IKAW ANG GUSTO NIYA KUNDI SA IBA. Naluha ako ng kaunti.
Minulat ko ang matang may bahid ng luha. May pag-asa pa kaya ako? Ang huli kung naalala ay nasa old building ako para sabihin ang totoo kong nararamdaman sakanya. Naghintay ako maghapon hanggang sa nawalan na ako ng malay sa kakahintay. Habang kasama niya ang taong mahal niya. May karapatan ba akong magalit kay Ate Maria?
Nakita ko ang isang lalaki na nakahilig sa may malapit sa kamay ko. Napangiti ako agad ng makilala siya. Tila hinigop nito ang kamay ko para haplosin ang napaka lambot nitong kutis sa mukha. 'Mahal ko na siya'. Pagamin ko sa aking sarili. Unang kita ko palang sa mga ngiti niya noon ay alam kung siya na ang gusto kung makasama.
"GUSTO SIYA NG KAIBIGAN MO!" Likwas ng utak ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanang hindi ako gusto ni Faulkerson dahil si Ate Maria ang gusto niya.
"Gising kana pala Clarita. Gutom kaba? Anong gusto mo?" Pag-ahon niya mula sa pagkakayuko.
Kung pwede ko lang sanang sabihin na siya ang gusto ko mismo para gumaan ang aking loob ay gagawin ko. Kung sasabihin ko ba ang feelings ko sakanya mayposibilidad bang magbago ang puso niya at ibaling sa akin? SANA NGA!
"A... Ayus lang ako, k-kuya." May pag-aalangang saad ko. Bago ihalang pakaliwa ang aking mukha para hindi niya mapansin ang pangingilid ng aking luha.
"I'm sorry Clarita. Really am. Sana mapatawad mo ako?" Hawak niya bigla sa palad ko.
"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad kuya? Ako
Ganun ko nalang siya kabilis napatawad siguro dahil sa nararamdaman ko sakanya. Ang pusong umaasa sa isang pusong nasa iba ang inaasam.
"By the way... Hindi ko pa nasasabihan ang parents mo sa nangyari sayo because I don't have any contacts to them?" Siya.
"H-hindi na kuya maayos naman na ako" pigil ko agad.
NAKALABAS DIN AKO AGAD SA HOSPITAL. Kinaumagahan ay umalis agad akopapuntang unit ni Faulkerson.
"Bakit daw kuya?" Ani ko ng makitang nagbago ang expression nito sa mukha. "Maynangyari ba?"
"Wala pa si Maria sa School?"
"Saan naman kaya siya nagpunta? B-baka nakalimutan niya na ngayun ang pageant?"
Nakarating kami sa Academy ay mag-gagabi na. Ilang oras nalang ay magsisimula na ang program. "Wala talaga hindi niya sinasagot ang phone niya?"
Natataranta nadin ako. Baka kase may nangyaring hindi maganda sakanya. Kahit na maykunting tampo ako sa kanya hindi ko maalis ang pag-aalala.
"4-J! Where is your candidate? In a few minute magsisimula na ang program. Hwag niyong hintatin na ang Admin pa mismo ang pumunta dito? Hindi niyo magugustuhan ang ugali niya?"
Maslalo akong kinabahan sa sinabi ng Instructor. Iba magalit ang Administrator dito? Kahit guro kaya niyang paluhurin sa gitna ng field kahit pa maaraw.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay [Editting]
ЮморSi Maria Clara Mapepe ay isa lamang simpleng 'nerd' na dalaga. Kahit inaapi na ay patuloy parin sa pagkamit ng pangarap nito. Ang makapasok sa isang University. "Repeater!" "Bobong Nerd!" "Pangit!" Lahat ng iyan ay tiniis niya. Soon to re-EDIT