CHAPTER 03

108 3 0
                                    

Maria Clara Mapepe Point of view

"Hihintayin ko ang sagot mo Maria." Alala kung huling saad ni Tita Cindy sa akin ng pumunta ito sa bahay.

Marami siyang sinabi tungkol kay mama. Namiss ko lang lalo tuloy si Mama.

Lahat sinabi niya pati yong kasunduan nilang magbestfriend. Na kung sakaling magkaroon sila ng anak ay ipapakasal nila ito paglaki. Kahit pareho ang sexualidad nila.

Nong una ayaw kong pumayag. Peru ng si papa na ang nagdisisyon kabilang si tita ay wala na akong nagawa pa kundi ang sumonod.

Ganun ko kamahal si papa. Kahit na lagi siyang wala at minsan ang atensyon nito ay nasa mga kapatid ko.

Kahit pa saktan ako lagi ni Tita Marites. Titiisin ko.

"Tita! Kahit ngayun lang?" Angil ko sa kaharap kung babae.

"Sinabing lumayas ka! Wala ka na ngang silbi dito sa bahay muntik po pang sunugin!" Galit niyang sabi sa akin.

Napaluha nalang ako. "Hindi ko naman po sinasadya Tita? Pagod lang po ako." Paliwanang ko.

Inako ko nalang ang maling hindi ko nagawa. Kahit na ang totoo ay ang anak nito ang maykasalanan.

Masmabuting ako nalang ang pagalitan kaysa si Lyn. Bata pa lang siya. At siya lang ang nagturing sakin bilang pamilya. Kaya mahal na mahal ko ang kapatid ko.

Nagalit siya dahil sa aksidenting nawaglit sa isipan ni Lyn ang sinaing nito.

Sakto namang pagkadating ko galing sa school ay nagliliyab na ang kaldero sa kusina. Mabilis ko yong pinatay gamit ang tubig syempre.

Kahoy kase gamit naming pangluto kaya ganun kabilis lumiyab ang paligid nito.

"Lumayas kana sabi! Total sinusundo ka na ng isang mayaman. Sumama kana?" Tukoy niyo kay Tita Cindy.

Alam kung binayaran siya ng malaking halaga para gawin ito sa akin. Ganun nalang niya ako ipagtabuyan.

Hindi naman niya kase ako anak. At si papa naman ay walang pakealam sa akin. Sa amin ni mama. Kaya nga lagi niyang pinapanigan si tita kaysa sa aking una niyang naging pamilya.

Ang pinapanghawakan ko nalang ay ang pangako ko kay mama.

"Ang makapagtapos ng pag-aaral at makapasok sa isang university na gusto ko."

Kahit mahirap ay ginawa ko lahat. Isa akong repeater. Hindi naging madali ang unang bwan ko sa Lucio University dahil nga sa istura ko.

Sino naman ang gugusto sa isang nerd na gaya ko?

Nerd na nga ay bobo pa!

Nerd na nga pangit pa!

Nerd na nga kasumpa-sumpa pa!

"Aalis ako peru kailangan kong makausap muna si papa." Ako habang nakatingin kay Tita na hindi manlang natinag sa pagmamakaawa ko.

"Para saan pa? Hindi ka naman niya mahal." Supalpal niya sa akin.

Sinundan ko siya sa loob ng bahay hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.

Kwarto na mukhang bodega sa sikip. Ito ang tambakan nila ng mga bagay na hindi na nagagamit.

"Ayan... Lumayas kana... Hindi kana namin kailangan dito!" Tapon nito sa mga damit ko.

"Tita..." Luhaan ko ng bulalas.

Lumuhod na ako para magmakaawa. Magmakaawang tanggapin nila akong muli bilang pamilya.

"Pagbalik ko dito dapat wala na yang mga basurang yan pati ikaw." Duro niya saka umalis.

Pinulot ko lahat ang mga gamit ko.

"P-patawad ma kung hindi ko na maaalagaan pa si papa?" Tingin ko sa litrato ni mama. Inabot ko iyon saka isinama sa bag ko.

Kahit umuulan ay nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Papunta na ako ngayun sa address na binigay sa akin ni Tita Cindy noong isang araw. Buti naitago ko pa iyon. Kakailanganin ko din pala yon.

Nanginginig na ako ng husto. At sa walas ay narating ko narin.

My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay  [Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon