CHAPTER 20

76 1 0
                                    

Clarita Matete Point of view

Oras ng klase. Hindi ko maiwasang mapatingin sa pinto. Asan na ba siya.

"Miss Matete!"

Napabalikwas ako sa aking kinauupuan. "Y-yes Ma'am?"

"Are you here just to stare at the door? Kanina pa kita tinatawag. Go out!" Galit na sabi niya. Turo pa ni Mrs. Clemente ang labas. Guro namin siya sa English.

Nagalit ata siya ng dahil sa ginawa ko. "P-po?" Naguguluhan kung ani.

"I said get out! Nahawaan ka na ba ni Ms. Mapepe? Did you lost your mind?" Dagdag niya na tinaasan pa ako ng kilay.

"H-hindi po!" Napahiya kung saad.

Sa gilid ng mata ko ay pansin ko ang pagngiti ng iba kung mga kaklese.

"I said get out!" Sigaw na niya.

Sa gulat ay hindi ko na nakuha pa ang librong nakapatong sa arm chair ko. Lumabas akong nataranta sa room.

Pinili kung umopo sa mini garden ng classroom namin sa bandang likuran kyng saan wala talagang makakapansin sa akin. Malapit ito sa basurahan ng school kaya nangangmoy narin.

Tumayo nalang ako ng marinig ang bell ng school. Tanda na recess time na namin. Bakit nga ba wala siya? Bakit hindi siya pumasok?

Palakad palang ako sa hallway papuntang canteen ay napapansin ko na ang titig sa akin ng mangilan ngilang studyanteng kalalabas lang ng kanilang room. Hinayaan ko lang sila. Sanay narin kase ako sa puna ng karamihan. Kaya nga kami naging magkaibigan ni Ate Maria.

Tumigil ako dahil mayrun humarang sa aking mga babae. Blanko ko siyang tinignan. "Bakit?"

"Follow us!" Utos ni Candace sa akin. Nasa tapat lang kami ng room nila. Ang 4-A.

Sinundan ko sila para makaiwas sa gulo. Ang pinaka ayuko ay ang makita ng iba ang hindi magandang gawain ng tatlo. Sila ang grupong Ace's. Sikat sa school hindi dahil sa talino kundi sa mga itsura nila. Pawang grupo ng magagandang babae. At ang lider? Ang babaeng nag-utos sa aking sumunod sa kanila. Si Candace.

"A-aning kailangan niyo?" Pinilit kung iwasto ang pagsasalita ko. Kung maaari ay ayukong mahalata nilang natatakot ako sakanila.

"Mandace!" Pagkabanggit niya sa pangalan iyon ay agad na lumapit ang tinukoy niyang babae.

Humakbang ako ng isang beses. "A-anong gagawin niyo sa akin?" Panginginig ng lalamunan ko.

"Don't scare her Mandace?" Si Terrace.

"It's not my fault.!"

Napatingin ako sa inabot niyang sobre. Nanginging ang kamay kung kinuha iyon. "Ano ito?"

Biglang umihip ang hangin. Lalo lang akung nanginig sa takot na baka ano na namang masamang gagawin nila.

"Gosh, Mandace! Don't you get it? That girl is stupid. Can you tell her what's that? I don't want to stay here for long." Maarteng reklamo ni Terrace.

Palihim kung pinagmasdan ang suot nilang sapatos. Kahit wala akong alam sa mga branded shoes hula ko ay mamahalin ang mga suot nila. Ang pinaka gusto ko ay ang suot ni Candace. Kulay brown iyon. Iba sa suot ng dalawa na kulay black.

"Here is the instructions. A simple instruction. Siguro naman alam na ang ibig kung sabihin? Give that to Faulkerson. Don't dare to read that cause if you did. You just mess up your life in a greatest and fearest way. Kilala mo kami kung paano magalit."

Iniwan nilang akong tatlong nakapako sa kinatatayuan ko.

PINILI KUNG UMUWI. Kahit mataas ang araw ay naglalakad ako. Kapit bahay ko lang si Ate Maria. NOON! Hindi na siya nakatira dito dahil doon na siya nakatira kina Sir Clint. Ewan ko kung bakit dahil hindi naman niya sinabi ang rason basta doon lang daw siya nakatira.

"Give that to Faulkerson!"

Iyon lang ang tanging tumatak sa aking isipan sa dami ng sinabi ni Mandace.

Pumasok na ako sa bahay. "Mama nandito na po ako?" Sigaw ko pa ng makapasok.

Lumabas si mama mula sa maliit niyang kwarto. Gaya din ng buhay ni Ate Maria mula din ako sa mahirap na pamilya. Ang kaiba nga lang ay may maayos silang tinitirahan.

"Nandito kana pala anak. Ipagluluto muna kita ng makakain mo."

"Mama huwag na po. Maysakit po ba kayo?" Ako.

"Wala ito. Ipapahinga ko nalang muna. Ikaw nalang bahala muna." Paalam niya saka bumalik sa kwarto.

Kahit na binalaan na ako nila Candice na hwag pakialaman ang sobre ay binuksan ko parin. Alam ko namang hindi niya ako makikita dahil nasa bahay ako.

"GIVE THAT TO FAULKERSON!"

Nagulat ako ng mabasa ang nasa papel. "M-may gusto si Candace kay Faulkerson?"

Ang pagkakaalam ko may boyfriend siyang sikat. At nasa ibang bansa pa, sa State ata iyon. Ang balita ko ay gwapo pa at mayaman. Daniel ata ang pangalan basta narinig ko lang sa school. Sikat kasi si Candice sa shool pati ang mga kaibigan niyang dalawa. Isa mo narin ang ka-war in blood nitong si Bia.

Hindi lang pala ako ang may lihim na paghanga kay kuya Faulkerson. Kundi si Candace. Ang akala ko ay ako lang peru hindi pala. Pinalitan ko ang naka sulat sa papel. Ipinasok ko ang malinis na papel sa sobre. Napangiti nalang ako sa ginawa ko. "Tignan nalang natin kung hindi ka niya ipahiya sa maraming tao Candace?"

Lumiban ako para mabantayan si mama kahapin kayaa alam kung marami akong namiss sa klase ko. Maaga akung nagising para ipaghanda ng almusal ang mga kapatid ko. Maaga din akung papasok ngayun.

Nasa harap ako ng gate ng makita kung sabay na pumasok sina Ate Maria at Faulkerson.

Inaamin ko na mayrung kaunting inggit na namayani. Dahil lagi niyang kasama si Faulkerson. Kailan nga ba nagsimula ang pagkagusto ko sakanya?

Simula noong una ko siyang nakita at nakilala sa daan. Tinulungan kase niya ako sa mga lalaking nanggugulo sa akin. Hindi ko pa siya nakilala dahil hindi ko naman talaga alam kung anong itsura nito base sa paliwanag ni Ate Maria. Saka ko lang siya nakilala ng ipakita nito ang picture ni Ate Maria. Iyon doon nagsimula, ang kabaitan nito sa akin ay nasuklian ng pagkagusto. Peru hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto ko siya dahil gusto siya ni Ate. At kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kung gusto niya rin si Ate. Hahanapin ba niya si Ate Maria kung wala?

"Oiy... Magkasama na naman sila?" Panunukso ko pa ng makalapit. Wala ng bakas ang lungkot at sakit.

"Tigilan mo kami Clarita!" Si Ate Maria.

"Ang swerte talaga ni Ate may Sir na may Faulks pa?"

"We're just friend Clarita." Singit ni Faulkerson na kina tuwa ko ng husto.

"Yan tayo eh,. Lahat nagsisimula sa pagkakaibigan at magtatapos sa palitan ng nararamdaman." Sabi ko. Sa loob ko masakit na masakit na talaga. Ikaw ba naman ipagtulakan ang taong gusto mo sa gusto niyang babae. Ikaw na ang tanga! Oo na. Ako na?

Naunang pumasok si Ate at naiwan kaming dalawa ni Faulketson.

Susubukan ko pa sana siyang kausapin ng umalis narin siya. Hawak ko na kase ang sobreng ipinamimigay ni Candace sa kanya. Peru ang kaso lang ay agad siyang umalis.

My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay  [Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon