CHAPTER 38

56 2 0
                                    

Faulkerson P.O.V

"Ma, give me more time. Wala pang alam si Maria sa nararamdaman ko? Please kausapin niyo nalang po si papa para sakin?" Pakiusap ko kay mama.

Tumawag lang siya para kamustahin ako. At siguraduhing ayus lang ako dito sa pilipinas. Kasalukuyang nasa Japan ang parents ko.

"Sige mag-ingat ka lagi diyan!" Si mama. Binaba narin nito ang telepono.

"Sino kausap mo?" Dating ni Maria.

"Bakit ngayun kalang pumasok? Talagang recess time pa." Nginitian ko siya.

Tumingin lang siya sa akin. "Ayos kalang ba? Matamlay ka ngayun ha?" Pansin ko.

Lumapit ako sakanya. Nandito kami ngayun sa may mini garden ng school. "Mainit ka Maria"

"Buhay pa kase ako kaya mainit ako." Malamya niyang sabad.

"Maysakit ka e. Panong hindi ka mainit." Dagdag ko pa.

"Kaya ko pa. Kailangan kung pumasok ngayun para sa review." Sabi niya.

Malapit na kase ang finals namin o pwede nalang nating sabihin nil dahil hindi naman na talaga ako nag-aaral. Tapos na akong mag-aral. Ngayun ay kasalukuyan akong nandito para sakanya.

Iniwan ko muna ang pangangalaga sa kompanya sa aking nakababatang kapatid.

"Sige peru dito kalang hwag kang aalis ha?" sabay takbo papuntang clinic.

"Saan ka pupunta?" Rinig ko pang sigaw niya.

Hindi ko na siya tinignan at tumakbo nalang ng mabilis para humingi ng gamot para sa kanya

Mabilis akong tumakbo pabalik ng nakakuha na ko ng gamot para sa kanya.

Huminto muna ako saglit. Nakita ko pa siyang nakatayo at hinihintay ako ng bigla siyang natumba.

"Maria!"

Tatakbo na ako papunta sa kanya para tulongan sana siya ng biglang dumating si Clint at binuhat siyang paalis.

Naiinis nalang ako ng walang dahilan. Tinapon ko nalang ang hawak kung gamot at parang pamaktol na bumalik sa klase.

Maraming diniscuss ang mga teacher. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Nagsulat nalang ako ng ire-review ni Maria.

Uwian namin.

Palabas na ako ng school ng makita kung bumalik si sir Clint. Mabalis akong lumapit sakanya. Hindi pa sana niya ako papansininkung hindi ko isinigaw ang pangalan niya.

"What's your problem?" Kunot nuo niya.

"Nasaan si Maria?" Tanong ko.

"Wala kaman lang ba kadatong-datong na magsalita? Bakit nga naman diba? Nagpapanggap kalang naman dito bilang eatudyante." Siya.

P-paano niya nalaman? "Saan mo siya dinala?"

"Ano bang pake mo kung saan ko siya dinala?" Pabalang din niyang tanong.

Malapit na akong mainis sakanya. Nagtitimpi lang ako. "Gusto ko lang sana ibigay to sakanya." Pigil ko ang galit. Inabot ko nalang sakanya ang ginawa kung reviewer para kay Maria.

Maysasabihan pa siya ng biglang tumonog ang phone niya at mabilis niyang sinagot. Umalis narin ako dahil tapos naman na. Naibigay ko na ang gusto kung ibigay kay maria.

"Goodbye Ma'am Frooty" paalam ko sa gurong nilampasan ako.

"Mr. Faulkerson right?" Siya ng humarap siya sa akin. Akala ko ay hindi na niya ako papansinin.

"Opo ma'am." Ako.

"Kaano-ano mo si Ms. Mapepe? Kaibigan mo ba siya?" Pagkasabi niya nun ay parang maygusto siyang ipahiwatig.

"Kaibigan ko siya."

"Kaibigan nga lang ba?" Aniya.

Ngayun ay ako naman ang napakunot ng nuo at tumitig sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Definitely, you like her right? Narinig ko ang pinaguusapan niyo kanina ni Clint. Ganun mo ba siya kamahal. kaya mong ibaba ang pride mo?" Sabi nito sa akin.

Napatangis bagang ako. Ano ba ang gusto niyang ipamukha sa akin? Kay Maria?

Na walang matinong lalaki ang gagawa ng isang bagay gaya ng ginawa ko para kay Maria?

"Kaya din ba nandito ka para kay Clint kahit na may kinakasama kang iba?" Ako.

Biglang nagbago ang expression ng kanyang mukha. Tanda na natamaan siya sa aking sinabi. It was a joke peru sineryoso niya?

So maybe she's guilty. Or tama lang yung nasabi ko kanina.

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nilampasan ko na siya. Umalis na ako.

My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay  [Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon