Maria Clara Mapepe P.O.V
"Maria teka nga lang sabi?" Sigaw nito.
Hindi ko siya pinansin. Lakad-takbo ang ginawa ko para hindi niya ako masundan. Saka lang ako nakahinga ng maliwag at napahawak pa sa aking dibdib ng nawala na siya sa paningin ko. Hindi na niya nasundan. "Salamat naman!" Ako.
Dumiretso ako kay Clarita na naghihintay sa akin sa may harap ng claaroom. "Ano tara?" Ako.
"Wait lang kukunin ko lang yung gamit ko." Sabay takbo nito paloob ng room. Lumabas na siya na dala ang bag neto. "Tara!"
Pumunta kami sa may bulitin board. Medyo kinakabahan ako para dito. "Cla, pwedeng ikaw muna ang tumingin sabihin mo nalang sa akin kung ano?" Ako habang medyo na nginginig ang kamay.
Iyo yong araw na makikita namin ang final grades namin. Pati lahat ng na ging markings mo sa buong taon. Hindi na ako mangangarap pa na makasama ako sa rank. Ang gusto ko lang ay makapasa at maka graduate sa high school.
"Ano ba Maria? Lahat tayo makakapasa sura ako don!" Sabi niya para lang lumakas ang loob ko.
"Peru paano kung..." Takip niya ng kanyang daliri sa bibig ko.
"Shhhh... Think positive.!" Siya.
Tumango nalang ako saka humawak sa kamay niya. Medyo kaunti palang ang estudyante. Siguro ay bukas ung iba.
Unang tumingin si Clarita. Hinanap niya ang kanyang Student Number. "Kyahhhhh!" Malakas niyang tili. "Nakapasa ako beshy!" Siya.
Napalunok ako ng laway. "C-congrats sayo!" Bati ko.
"Ikaw na?" Siya.
Dahil ayaw ata ng kamay kung gumalaw ay siya na ang umagaw sa ID ko. Hinanap niya ang Student Number ko.
"O!" Balik niya sa akin.
"Ano? Pasado ba?" Ako.
"K-kase w-....."
Tumalikod na ako at tumakbo pabalik ng klassroom. "Bobo mo talaga kahit kailan Maria!" Iyak ko.
Pumunta pa ako sa likuran ng classroom para don umiyak.
"Maria!" Si Clarita.
"Buti ka pa makakapag college kana Clarita." Pag-aayus ko ng pananalita ko.
"Maria..." Malungkot niyang sabi.
"Okay lang sakin. Ayaq mo nun? Mag tatalong taon na ako sa fourt year? Masmarami pa akong matutunan?" Ako.
Kahit na masakit sa damdamin na hindi ako nakapasa ay tatanggapin ko nalang. Lahat lahat!
"Sige mauna na ako. Samahan nalang kita sa lunes." Paalam ko sakanya.
Nagsimula na akong naglakad palabas ng school.
"Galingan mo sa school hija. Alam mo bang pangarap ng mama mo na makapag graduate ang anak niya sa universiting pinasukan niya rin. Gusto kase ni Cathy na parehas ang educational background niyo pagtungtung mo ng college." Tanda ko sa sinabi sa akin ni Tita Cindy. Mama ni clint.
Hindi na ako sumakay pauwing subdivision ng mga Del Monte.
"P-papa?" Ako.
Alam kung wala na akong karapatang bumalik pa dito sa bahay. Matagal na kase akung tinakkwil ng sarili kung ama simula ng pinili nilang pumayag sa kasalang iyon.
Mas mahal niya ang bago niyang pamilya kayasa sa akin ni mama. "Kaya hindi kami kawalan pata sa kanya!"
Niwang nakaawang ang pintuan kaya pumasok na ako.
Sa kusina ako pumunta dahil may narinig akong nag-uusap.
"Ano? Sila parin ba ang iniisip mo kaysa sa amin na tunay mong pamilya? Kabit mo lang Si Cathy! Pumayag akong magmukang kabit para mabuhay siya ng masmatagal? Peru hanggang ngayun sila ang nasa isip mo!"
Napatakip ako sa aking bunganga. Ano bang pinag-aawayan nila? Bakit nadadamay si mama. Matagal ng wala si mama.
"Tandaan mo kami tunay at ligal mong pamilya hindi ang Cathy nayan!"
"P-papa?" Ako.
"M-maria?" Nagulat niyang sabi.
Si tita naman ay tinignan lang ako.
"Totoo ba ang narinig ko?"
"Bakit ka nandito? Diba pinalayas na kita? Wala ka ng lugar sa pamilyang ito?"
"TOTOO BA ANG NATINIG KO!" Sigaw ko.
Parehas silang nagulat. "Totoo ba?"
"Maria magpapaliwanag ako?" Si papa. Sabay naglakad papunta sa akin peru hindi ko siya hinayaan.
"Hwag kang lalapit!" Ako.
"Totoo ang lahat ng narinig mo. Peru..." Si papa.
"Malndi kase yang nanay mo. Pumatol sa may asawa?" Si Tita.
Sinugod ko siya para sampalin ngunit ako lang ang natumba.
"Paalisin mo na siya sa pamamahay ko o ako ang kakaladkad sa anak mo palabas?" Utos niya kay papa.
"Ano ba Marites?" Si papa.
"Hindi na kailangan ako na ang aalis!" Tumayo na ako at tumakbo palabas ng bahay nila.
Sa tagal kong kasama sila. Ngayun ko lang nalaman ang totoo? Sobtang proud ko pa naman na kahit may iba si papa ay alam kung kami ang totoong pamilya. Isa palang malaking kasinungalingan ang lahat!
BINABASA MO ANG
My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay [Editting]
HumorSi Maria Clara Mapepe ay isa lamang simpleng 'nerd' na dalaga. Kahit inaapi na ay patuloy parin sa pagkamit ng pangarap nito. Ang makapasok sa isang University. "Repeater!" "Bobong Nerd!" "Pangit!" Lahat ng iyan ay tiniis niya. Soon to re-EDIT