Clint Del Monte P.O.V
"Saan kayo galing dalawa at ganyan ang itsura niyo?" Bungad sa amin ni mommy.
"Mahabang kwento." Ako.
Kanina pa ako nilalamig. Nakahalukipkip na nga ako.
"Mukhang nag-enjoy kayo sa ginawa niyong dalawa ha?" Si Mommy habang lumapit kay Maria at inayos ang kanyang buhok. Tinanggal nito ang makapal na salamin nito. "Bagay pala sayo ang walang salamin hija eh. You want me to make over you bago kami bumalik sa Spain ng daddy mo?"
"Pupunta tayo sa Spain?" Gulat kung tanong kay mommy na hindi parin tinitigilan si Maria.
"Malabo po matata ko tita kaya kailangan ko ng salamin." Aniya ni Maria.
"May magagawa pa diya. Hijo, pakisamahan mo nalang siya sa Eye clinic. Ask if pwede siyang gumamit ng graded contact lenses." Tumango nalang ako sa sinabi ni mommy.
"Magpapalit muna kami." Ginayak ko na si Maria. Nakahawak ako sa kanyang likod.
"Siya nga pala bago ko makalimutan. Kayo lang dalawa dito bukas dahil nga babalik muna kami ng dad niyo sa Spain. Pinagleave ko muna si manang. Solong-solo niyo ang bahay. Pwede niyo ng gawin ang gusto niyo."
Napangiwi nalang ako sa sinabi ni mommy. Sinulyapan ko muna si Maria bago kami pumanhik.
Hinihintay ko nalang siyang matapos sa paglilinis ng katawa. "Antagal naman niya? Wala namang magbabago sakanya kahit ibabad pa niya balat niya sa batt soap."
Bumukas na ang pintuan at niluway nito si Maria na nakatapis ng puting tuwalya. Napatitig ako ng hindi inaasahan.
"M-may problema ba?" Siya.
"Ah...e... Bakit hindi ka pa nagpalit sa loob ng banyo? Alam ming nandito ako sa labas?" Bigla kong reklamo. Nagpipigil ng hininga dahil bigla nalang talaga bumilis ang pag pump ng puso ko.
"Wala namang masama ha?" Siya.
"Aysst... Sige na m-magpalit ka na nga!" Utos ko saka mabilis na kinuha ang pamunas ko sa katawan.
Pagkasara ang pintuan ng banyo ay nababuga ako ng hangin. Malalim akong bumontong. "What happen to me?..."
So weird... Huhu
Lumabas na ako pagkatapos. "Ma..." Tawag ko. Mukhang tulog na siya. Ang bilis naman niyang makatulog. Mukhang napagod siya. Nakita kong hindi maayos ang pagkakakumit nito.
Nilapitan ko siya saka pinataas ang kumot mula sa kanyang leeg. "Hey..." Tusok ko sa may pisngi niya para gisingin. Hindi pa siya kumakain.
Pinagmasdan ko lang siya habang malakas na humihilik. "So CRAZY NERD!"
Nababaliw na ata ako bakit ko hinahawakan yung labi niya? "Damn it!" Bawi ko sakamay ko.
Aysst! Parang may gusto akong gawin para ma ease ung pagsiaigalot sa loob ko. "Anong nangyayari?" Bulong ko sa aking sarili.
Tumayo na ako para magpalit.
KINABUKASAN
Nagising akong tulog parin siya. Bumaba nalang ako. Gaya nga ng sinabi ni mommy kagabi ay kami nga lang dalawa ngayun ang nandito sa bahay.
Nagsimula na akong magluto ng breakfast. Ano kaya kung dalhan ko nalang siya ng breakfast?
Bahala siya! Basta ako kakain siya matutulog nalang. Kagagawan nanaman ito ng isang yokai.
"Pwede bang bukas nalang?" Ako.
Kausap ko sa manager ko may taping kase ako ngayun. Hindi ko pwedeng iwanan si Maria dito. Mag-isa lang siya dito.
"Hindi pwede! Pumunta kana ngayun na!" Sigaw niya sa akin kaya nilayo ko ng kaunti ang hawak na telepono.
"Maria..." Sigaw ko habang pumapanhik palang sa hagdanan.
"Ano ba? Ang ingay mo eh? Natutulog pa ako dito"
Kinukusot niya ang mata niya.
Nilapitan ko nalang siya.
"Bago ka lumabas ng kwarto siguraduhin mong wala ka ng muta at laway na natuyo!"
Ako na mismo ang nagtanggal ng muta niya. Peru sa laway na natuyo ay hinayaan ko nalang siyang tanggalin iyon.
Laway yon eh!
"Maligo ka na at kumain dahil sasama ka sa akin." Ako
![](https://img.wattpad.com/cover/171660926-288-k611845.jpg)
BINABASA MO ANG
My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay [Editting]
HumorSi Maria Clara Mapepe ay isa lamang simpleng 'nerd' na dalaga. Kahit inaapi na ay patuloy parin sa pagkamit ng pangarap nito. Ang makapasok sa isang University. "Repeater!" "Bobong Nerd!" "Pangit!" Lahat ng iyan ay tiniis niya. Soon to re-EDIT