CHAPTER 24

79 1 0
                                    

Faulkerson Hiroto Point of view

"Sige mauna na ako!" Paalam ko sa mga kasamahan ko sa varsity.

Pakiramdam ko bumalik ako sa kabataan ko kahit na nasa edad dalawamput tatlo na ay marunong parin pala ako sa mga ganitong sport. Kahit pa halos sa company na ako napamulat, sa Japan kay Daddy. Kahit papaano ay naunat ang mga buto ka sa basketball.

Naglakad na ako papuntang locker. Napansin ko si Clarita na nakatayo malapit sa tapat ng locker ko. "Clarita?"

Minulat niya ang kaniyang mata na tila nagulat pa ng nasa harapan na pala niya ako.

"Are you okay?" Ngiti ko.

"O-oo... S-syempre." Kada utal-utal niya.

Napangisi ako sa itsura niya. Ewan ko ba kung bakit ganun nalang ang naging asta ko. Parang nakatulog pa ata siya habang nakatayo.

"What are you doing here?"

"K-kase..."

"Kase?" Hintay ko.

Halatang kinakabahan siya. Para saan? Eh, hindi naman na ako bago para sakanya. I mean we met first before Maria. Siya pa nga ang tumolong sa akin na matunton si Maria. Buti nalang talaga at siya ang napagtanungan ko noon dahil kung hindi baka hanggang ngayun ay hindi ko pa nakikita si Maria. I laugh. She is really funny. In her simple gesture. Kinakabahan nga talaga siya.

Or maybe masyado ko lang binigyan ng kahulugan ang bawat kilos nito.

"Relax hindi ako nangangain? Ano bang gusto mong sabihin sa akin?" I smile.

Cute siya. Masabi mong maganda siya kung marunong siyang mag-ayus. Magmake-up, magkilay, maglagay ng kung anu-anong bagay sa mukha tulad ng ibang babae. Sana ganun din si Maria. Nakalimutan niya na kase ang sarili niya. Maria is not Maria back then anymore.

Maria is not like this before. Maganda siya, though nandoon parin ang kilos lalaki niya minsan. That was so funny for me? Dahil pansin kung siya lang ang ganun dito sa school na ito. Hinawakan ko siya sa balikat saka sinabihang sundan sa bawat gagawin ko. She really is shaking!

"Breath in... Breath out!" As I said and close my eyes.

"Inhale..." Huminga ako paloob gamit ang ilong. "And exhale...." I breath out using my mouth. I open my eyes...

Peru laging gulat ko ng nakamulagat lang siya. What's wrong to her? Kalauna'y tumawa nalang ako ng nakatitig lang siya sa akin pagkamulat ng aking mata.

"Wala ka nga sa sarili mo!" Nginitian ko lamang siya.

Siguro nagbilang ako ng hanggang sampu kapag hindi pa siya nagsalita ay iiwan ko na siya dito...

"Osige aalis..." I stop when I heard her voice. I step backward the face her.

"A, e... H-hindi ah?" Nakakatawang expression nito. Her eyes is like there is something into it. I can't explain it why? Napatitig nalang ako sakanya. "G-gusto ko lang sabihin na... Si Ate Maria na kasali sa SEARCH FOR THE QUEEN OF LUCIO ACADEMY."

At sa wakas ay natuwid narin niya ang kaniyang pagsasalita. Wala ng halong utal o ano mang kabang nararamdaman. Kaming dalawa lang ang nasa hall way. Kaya rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib niya mula pa kanina. Actually, she's shaking. Her knees is shaking.

"R-really? Sumali si Maria?" Laking tuwa ko.

Finally, makikita ko narin si Maria na magsuot ng gown. Huli kung natatandaan at nakita na nagsuot ng ganug klaseng damit ay noong nasa elementary palang kami. But it's not a really a gown. It's a red dress. Maputi pa siya noon hindi gaya ngayun na parang minorena ang sarili ng husto. Hindi maayus ang buhok. Halos buhag-hag at ang mukha'y akala mo tinubuan ng kung anu-anong bulotong. Aminin ko man o hindi sa sarili. She changed a lot. Wala na ang matapang na si Maria. Magandang MARIA!

My Nerdy Wife: Ang tunay na buhay  [Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon