Chapter III ✈

486 15 0
                                    

Chapter III

"INSAN, pupunta akong Cagayan ngayon, sasama ka?"  tanong ni Ellen sa kanya habang pumapapak ito ng cookies sa harap nya.

"Ah, anong gagawin mo don?" -tanong nya dito. Kumakain rin sya ng cookies na niluto nito kanina habang nag jojogging sya.

"Mall, magpapagupit ako" kibit balikat lang ito sa kanya.

"Anong oras ka pupunta?" total wala rin naman syang ginagawa, tsaka matagal tagal na rin ng di sya naka punta ng CDO.

"Pagkatapos kung maligo. " tumango nalang sya ng tumayo na ito at niligpit ang kinainan tsaka umakyat sa kwarto.

Tapos na rin naman syang maligo kanina pagka uwi nya. Magbibihis nalang sya at mag ayos ng konti sa sarili.

She's wearing a plain black fitted t-shirt na pinarisan niya ng denim short. Naka tsinilas lang din sya and she wore an aviator sunglasses bago sya lumabas ng kwarto at dumiritso sa sasakyan nya. Nasa sariling sasakyan na rin ang pinsan nya ng lumabas sya.

Katulad nya ay nakasuot rin ito ng sunglass.

Tirik ang araw pero malamig parin ang panahon dito sa Claveria. Ganito na talaga ang panahon dito, parang sa Baguio City.

"Let's go" tawag nya sa pinsan at tumango naman ito.

Pinaandar na nito ang kotse tsaka naunang lumabas ng gate, sumunod naman sya rito at nginitian ang guard bago sila tuluyang lumabas.

Isang oras din ang binyahe nila papuntang Cagayan de Oro. Naabutan pa sila ng traffic dahil alas dies na ng tanghali.

Malaki na ang pagbabago ng Cagayan mula ng umalis sila dito. Marami ng mga malalaking building ang nakatayo ngayon. Marami na ring mga malls na pweding pasyalan.

Nagpaalam muna sya sa pinsan na bibili muna ng bulaklak, at mauna na itong pumuntang parlor. Tinatanong pa sya nito kung di ba sya maliligaw kaya tinawanan nya ito.

"Seriously Ell? Cebu is bigger than Cagayan, kaya wag kang ma praning dyan" natatawa nyang saad sa pinsan kaya umalis na din ito.

"Caloy, ito na ba yung anak ni Sir Evans? Ang gwapong binata ah" rinig nyang pahayag ng ale na may ari ng flower shop. Namimili sya ngayon ng magandang bulaklak.

"Ay oo Adel! Siguradong maraming babae ang nagkakandarapa dyan." Natawang sinabi ng isang may edad na lalaki, tsaka ito nagpatuloy sa pagbubuhat ng bulaklak. Napa ismid nalang sya sa narinig.

Tsaka pinagpatuloy ang pamimili ng mga rosas at ibang bulaklak. 

"Ah, Aleng Adel saan po ito ilalagay?" narinig nyang tanong ng isang lalaki sa ale.

Babaliwalain lang sana nya, kaso nanuot sa ilong nya ang pamilyar na bango, kaya nya ito nilingon.

Iksaktong, paglingon nya rito ay ngumiti ito sa ale. Napatitig sya sa mukha nito. He's more handsome than yesterday.

Hindi naman siguro ito katulong dito sa flower shop? He's too way from that.

"Naku! Hinayaan mo nalang sana sina Caloy dyan Rix, magkakadumi ka pa dyan" sita ng ale dito pero natawa lang ito.

Naka suot ito ng puting t-shirts at cargo short, naka tsinilas lang din ito, pero halatang mamahalin. Bakat sa sakit nito ang ganda ng hubog ng katawan.

Napapansin pa nya ang pagkakatulala ng mga tindera dito sa flower shop, lalo na ang mga dalagang nandito. Napapalingon rin dito ang mga babaeng dumadaan o kaya bumibili. At halatang kinikilig ang mga ito. Napaismid sya sa lakas ng appeal nitong manghatak ng mga babae. Tss! Playboy.

"Excuse me po manang, magkano po ang isang piraso ng rose?" Tawag pansin nya sa ale kaya lumingon ito sa kanya.

"Biente pesos lang yang hija" sagot nito sa kanya at ngumiti. Tumango naman sya rito at kumuha ng limang piraso ng puting rosas.

"Ang ganda mo hija, taga saan ka?" nahihiya syang ngumiti sa ale dahil sa papuri nito sa kanya. Sanay naman syang nasasabihan ng ganon, pero bakit ngayon nahihiya sya.

"Naku, salamat po sa papuri, tsaka taga Claveria po ako." magalang nyang sagot dito.

"Naku! Taga Claveria din itong supplier ko ng bulaklak. Teka lang , Rix !" tawag nito sa lalaking nakatayo malapit sa isang black fortuner new edition. Hmm' RK.

"Halika dito. Mag kakakilala ba kayo nitong si.. . .  ay ano nga pangalan mo Hija?" napangiwi nalang sya dahil sa mga tanong sa kanya ng ale.

"Ah, Yael po manang" magalang na sagot nya. Tumingin naman sa kanya ang lalaking tinawag nitong Rix.

So, Rix pala pangalan nitong gwapong nilalang na to.

"Ah, Rix, si Yael. Taga Claveria rin daw." napakamot nalang ako sa leeg dahil sa aleng to.

Talaga naman oo! Kaylangan pa bang itanong yan sa customers?

"Ah! Yeah, I saw her yesterday, Manang" umingos sya dahil sa pagsasalita nito.

He don't look like a pure pinoy, and he fluently speak English.

"Rix Clemente" pakilala nito sabay abot ng kamay upang makipag shake hands. Kinikilig na naka tingin sa kanila ang ale kaya wala syang choice kundi tanggapin ang pakikipag kamay nito sa kanya.

"Yael Diaz" then, her hand land on his soft hands.

Damn! Baka magaspang ang kamay ko!

Kaya tinanggal nya rin ang kamay nyang nakahawak dito.

Napakagat labi pa sya dahil sa pagtaas ng sulok ng labi nito.

Tss! Is he laughing at me!

Naiinis man ay binaliwala nalang nya ito at tsaka binayaran na ang mga bulaklak na napili.

"Naku hija, bayad na yan." nagtataka nyang tiningnan ang ale dahil sa sinabi nito.

"Ho?" Gulat na tanong nya.

"Oo, binayaran na ni Rix, ang bait talaga ng batang yon" umiiling na wika nito tsaka sya iniwan at naglakad patungo sa isang basket na bulaklak.

Lumingon sya sa paligid, at nakita nyang papasakay na ng sasakyan si Rix bago pa sya makapagprotesta.

✈✈✈✈✈

The Hidden Tears -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon