Pagsilip

741 17 6
                                    


Pagsilip

Billboard





Mataman kong pinakatitigan ang malaking billboard na nakikita sa harapan ng mataas na establisyemento. Naipit kami sa gitna ng traffic, kaya ayaw ko man sanang matanawan ang napakalaking larawang nakahain sa aking harapan hindi ko mapigilang pakatitigan.

Six years had been passed. Too many changes had happened. Marami na ang nangyari at nagbago. Ako, hindi ko natapos ang pag-aaral ko, gayunpaman naging masuwerte pa rin at nakahanap ng permanenteng trabaho, sa tulong ng isang malapit na kaibigan. Si Tori...

Isa siya sa pinakasikat na modelo hindi lamang sa sariling bansa kundi'y maging sa labas ng bansa rin. Marami ang kumukuha upang siyang mag-endorso ng mga kilalang producto. Perfumes, shoes, make-up, bags, at mamahaling brand ng damit. She's a famous model in our generation. Magandang-maganda na siya dati, somobra lang ngayon dahil lalong naalagaan at maalaga din sa sarili. I am her personal assistant. We became friends.. best of friends... Isa siya sa mga naging kaagapay noong mga panahong nahihirapan at nangulila ng husto sa kanya..

Mga panahong ipinagbu-

"The asshole is smiling like an evil!" Gigil na saad ng katabi.

Nilingon ko ang nakairap na si Tori. Nakahalukipkip.. nakangiti ako pero sang-ayon sa kanyang komento.

"Asshole!"

Tatlong taon ko siyang hinintay.. tatlong taong umasa na babalikan niya pagkatapos ma-opera. Nangalap ng impormasyon si Victoria dahil awang-awa siya sa akin noon.

The operation was successful.. nakabalik na siya ng bansa pero taon na ang lumipas...

"Nakakainis at dito pa talaga tayo tumapat sa billboard ng fiancee mo." Medyo sarcastic ang kanyang tono.

We're friends now, kaya alam na alam ko na ang ugali niya. Prangka, pero totoo, at may sense naman ang namumutawi sa bibig niya..

"Ang kapal ng mukha.." Kunot-noo na siyang humarap sa akin. Tulad ng dati para pa rin siyang manika sa paningin.

"Tori..."

Umirap siya may gusto sanang sabihin pero nagpipigil.

"Ang sabi mo wala siyang maalala... na pagkatapos ng operasyon nabura lahat ng memorya.."

"But he promised you.. Nakakainis lang, kasi wala kang ginagawa, hihintayin mo na lang kung kailan babalik ang alaala? At paano naman si Jay-R-?"

I sighed deeply. Sunod-sunod na busina ng sasakyan ang nauulingan. Naiinip na sa bigat ng traffic.

Hindi matiis na 'di matitigan ang larawan niyang nasa malaking billboard. Modelo na rin siya ngayon. His long hair is now gone.. maiksi na ito ngayon.. nangungusap ang mga mata na nakatitig sa harap ng camera.. napakasuwerte naman ng kumuha.. mabuti pa siya, nakita at nakasalamuha na siya. Samantalang ako, kami ng an---

"Look, I'm sorry hindi ko lang talaga mapigilan..."

"Okay lang.. babalik din ang mga alaala niya-"

"Sabihin na nating bumalik, paano kung bumalik na nga, pero kinalimutan ka na at parte ka na lang ng nakaraan niya dahil may minamahal na siya at pag mamay-ari na ng iba?" Mahina niyang nahampas ang inuupuan.

"Paano na ang inaanak ko Lily? Lalaki siyang hindi makikilala ang ama? That's not fair..."

Lumunok ako at napaisip. Tama siya. Pero kasi.. wala talaga siyang maalala. Minsan na silang nagkatagpo ni Victoria, pero nilampasan lang ang kaibigan at inilingan, kahit kilala na rin at isa ng sikat na modelo si Victoria katulad niya. Nagtawag ito ng security at pinaalis pa siya!

"That jerk! Hindi ko talaga .makakalimutan ang pang-aakusang stalker niya ako, damn him!"

Napailing ako sa reaksiyon niya. Matagal bago siya nakapag move-on sa pangyayaring iyon. May pagkakataong bigla na lang siyang nagmumura kapag ka naalala ang tagpong iyon.

"Oo, aaminin kong baliw na baliw din ako sa kanya dati.." May pag-aalinlangan ng tumitig siya sa akin.

She gulped but afterwards she became irritated.

"Nakakainis! Ako pa talaga ang stalker? Ang gandang stalker ko naman.."

Binalewala ko na ang pagmamaktol niya.. muli akong sumilip sa labas ng bintana upang makita ulit ang pagbabago sa kanyang hitsura.

Ang malaking billboard niya ay takaw-pansin. He's not smiling, his aura is a bit rough but still seductive. Binabalandra ang magandang bulto ng pangangatawan. His eyes were burning with passion.. passion to attract whoever saw this picture to catch more attention for the product that he's endorsing..

Hindi ko alam kung sa tulong ba ng makabagong teknolohiya ay mas lalong nadedepina ang kaputian ng balat niya.. pero dati pa naman talagang maputi na siya... but what more catches my attention is the bulge on his pants..

Parang... parang mas lumaki pa yata lalo?

Kumurap at napapikit sa kahalayang iniisip...

"Tatawag ako sa office mamaya.. itatanong ko, kung puwede bang alisin ang lahat ng billboard na makikita ko sa daan! Patatanggal ko talaga lahat ng makita ko Lily!"

Parang gusto kong matawa sa reaksiyon niya. Ako dapat ang nanggagalaiti sa galit.. ako dapat ang maiinis.. pero tama naman siya.. nakakainis.. naiinis ako hindi dahil nakikita ko ang mukha niya sa billboard pero.. naiinis ako sa gwapong mukha niya.. naiinis ako dahil ibinabalandra niya ang kaakit-akit na katawan niya...

At lalo akong naiinis na makita ang maumbok sa harapan ng pantalon niya! Kung nakakaalala lang sana siya.. at kung naaalala lang niya sana ako.. ipapatanggal ko din talaga ang billboard na nagkalat sa Edsa.

Love At First Sight  Book-2 (faded memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon