1: Mistake

12.7K 358 38
                                    

"Dalhin mo ako sa Vander tower."

-Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 1: Pagkakamali

Pumasok si Edelyn sa kanyang Secret Room sa kanyang bahay at tinapon ang isang malaking bag ng pera. Lumapit siya sa bag saka binuksan ito at sinalansan sa kanyang lagayan.

Kakagaling niya lang sa misyon ay iyon ay patayin ang isang kurakot ng Ferior City. Ang Ferior City ay isang syudad na puno ng mahika. Lahat ng tao dito ay maaaring matuto kung paano gumamit nito. Nababase sa galing ng bawat isa kung karapat-dapat ka bang hangaan ng iba.

Karamihan sa may malalakas na kapangyarihan ay nasa Gobyerno pero ito rin ang nagiging dahilan ng kanilang pagiging gahaman.

Isa siyang 10th Grade Summoner at Infinity Elementalist.  Sa buong mundo ng Gerva, Isa siya sa Sampung tao na may ganito kalakas na kapangyarihan. Sa kanilang lugar ang 1st Grade Summoner ang pinakamahina pero sapat na ito para makalaban ka para protektahan ang sarili mo. 

Samantalang ang 1st Mono-Elementalist ang pinakamahina sa uri ng Elementalist. May apat na uri ng Elementalist ito ay ang Mono o isang Elements lang, Duo o dalawa, Triple o tatlo at ang Infinity na may apat pataas na elements. Ang bawat uri ay may Grade 1-10 at ang 10 ang  pinakamalakas.

Ang kapangyarihan naman ni Edelyn ay nasa pinaka-max na kaya marami ang gustong maging kakampi ng isang Edelyn Fugoso. Nagtatago siya sa pangalawang Shade Dale ang notorious killer sa Ferior City.

Pagkatapos isalansan ang pera, lumabas na siya ng kanyang Secret Room saka nag-ayos. May panibago na naman siyang misyon pero sa pagkakataong ito, walang magbabayad sa kanya.

Kinuha niya ang katana na binabad sa isang delikadong lason. Saka siya sumipol at sumampa sa kanyang binata. Sa isang iglap, isang malaking 10th Grade Blazing Blue Ice Phoenix. Agad siyang tumalon at sinalo naman siya nito.

"Master, ano pong mapapaglingkod ko sa iyo?" Tanong ng Ice Phoenix.

"Dalhin mo ako sa Vander tower," utos ni Edelyn.

Agad namang lumipad patungo ng Vander Tower si Edelyn at lumanding siya sa rooftop nito. Nag-cast siya ng spell para hindi siya ma-detect ng kahit anong bagay na pwedeng makapagpa-trigger ng alarm at para hindi siya makita ng kalaban. Mabilis niyang pinaliit ang kanyang Phoenix saka nagsimulang bumaba. Ginamit niya ang elevator papunta sa 23th floor ng 60 floor tower ng Vander.

Mabilis siyang kumilos at pinuntahan ang pinakadulong pintuan ng Floor na iyon. May Thumb Printer pa ito pero hiningahan lang ni Edelyn ang printer at lumabas na nga ang pinakahuling Thumb Print na na-access ito saka niya hi-nack ang pindutan ng code. Sa isang iglap ay nabuksan na niya ang pinto.

May nakita siyang bantay sa loob kaya walang pakundangan niya itong pinugutan ng ulo gamit ang dala-dalang katana. Nasa loob siya ngayon ng isang lumang Archive ng Vander Tower kung saan nakalagay ang pinakalumang mga aklat sa mundo ng Gerva.

Hinanap niya ang curse seal na gagamitin niya para ma-seal ang 10th Grade Poison Dragon na gusto niyang mapaamo. Oo nga't malakas na siya pero gusto niyang mas maging malakas dahil ayaw na ayaw niyang tinatapakan ng tao ang kanyang kakayahan katulad ng siya ay bata pa. Susubukan niya kung maaari ba siyang magkaroon ng isa pang Summon Beast.

Noong 1st Grade Summoner pa lang siya ay marami ng mababa ang tingin sa kanya. Paanong hindi, ang karaniwang nakakatungtong sa 1st Grade Summoner ay edad 5-6 pero siya, nakatungtong siya sa 1st Grade Summoner ay 10 taong gulang na.

Isa syang late bloomer kung tawagin. May dalawang uri ng late bloomer sa kanilang lugar at iyon ay ang High at Low late bloomer. Sa kanyang kaso, isa siyang High Late Bloomer. Ito ang mga taong matagal bago na-train ang kapangyarihan pero malakas naman ang mahahawakang kapangyarihan. Kabaligtaran ito Low Late Bloomers at ito ang madalas na nangyayari sa mga late bloomers. Ang magkaroon ng mas mababa pa sa 1st Grade Summoners na kapangyarihan.

Iyon din ang dahilan kung bakit gusto ni Edelyn ang lumakas pa ng lumakas. Sa gitna ng kanyang paghahanap sy nakakita siya ng isang lumang-luma nang libro. Agad niya itong kinuha at binuklat. Sa gitna ng pag-scan niya sa libro ay tumigil ito sa gitnang parte ng libro.

May nakaguhit doon na isang birthmark sa likod ng isang tao. Isa itong kulay Pula, Asul, at dilaw na bulaklak ng Visza.

"Sino kaya 'yung lalaki?" Ang Visza ay bulaklak na pinaniniwalaang isang mito lang. Isa itong bulaklak na simbulo ng malalakas na kapangyarihan at nakabase ito sa mga kulay. Ang primary ang pinakamalakas at tertiary ang pinakamahina pero kung ikukumpara ang Tertiary Visza sa 10th Grade Infinity Elementalist ay 10x na mas malakas dito.

Triple Primary Visza Birthmark
     -Ang taong pinanganak na may balat na parang tattoo katulad ng nakaguhit isa itaas ay magiging isang tagapagligtas. Makakamit niya ang pinakamalakas na kapangyarihan kung ang tatahakin niya ay kabutihan. Walang hanggang kapighatian naman ang hatid nito kung siya ay pumanig sa kasamaan.

Ang taong nagmamay-ari ng Birthmark na ito ay may malaking tyansa na mabuhay muli ng naaalala ang kanyang nakaraan. Ngunit sa oras na mabasa niya ang pahinang ito, ay mararamdaman niya ang matinding sakit ng kamatayan dahil sa oras na ito, ang huling araw niya sa mundong ibabaw. 

Nakaramdam ng matinding sakit si Edelyn sa kanyang buong katawan na para bang may gumagapang sa loob ng kanyang katawan. Nabitawan niya ang libro na ngayon ay umiilaw ng napakaliwanag. Nakarinig ng pag-crack si Edelyn habang nararamdaman niya na nagkakabali-bali ang kanyang buto.

Naging itim na rin ang paligid niya at nawala ang kanyang paningin kahit pa nakadilat siya. Matinding sakit ang kanyang naramdaman na para bang may pinupunit sa kaloob-looban niya. Isisigaw na niya sana ang nararamdamang sakit ng biglang may lumabas na itim na uod sa kanyang bunganga. Maraming lumabas na hindi niya kinayanan.

Tumulo rin ang dugo sa mga mata ni Edelyn ng hindi niya namamalayan at sa isang iglap ang kamay ay paa niya ay parang naging goma dahil nakalas ang buto niya sa pagkakakunekta. At doon unti-unti na siyang nawalan ng ulirat kasabay ng pagkaputol ng kanyang hininga.

--*--

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon