2: Time Travel?

7.8K 342 59
                                    

"Na-nasaan ako?"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 2: Balik oras?

Pagbukas ng kanyang mata ay nakita niya ang sarili na puno ng dumi ang katawan. Medyo mataba pa ang katawang nakikita pero hindi halata dahil sa haba ng gown na suot niya. May simpleng head dresser ang ulo niya at kupas na kulay Asul ang kanyang gown.

Tumayo siya at medyo nahirapan pa dahil sa bigat ng suot-suot na damit. May sugat pa ang kanyang katawan at ramdam niya ang panghihina nito.

Sa abot ng kanyang makakaya ay tumayo siya sa pagkakahiga sa lupa pero bigla niyang natapakan ang dulo ng kanyang gown kaya nadapa siya kaagad. "Mahal na Prinsesa!" Hinanap niya ang boses na narinig at naging alerto sadyang mahina ang katawan niya kaya naapektuhan nito ang kanyang pagpo-focus.

"T-tulungan ko na po kayo," saad ng isang babae na kararating lamang. "Mabuti na lang at ayos lang kayo Prinsesa Edelyn. Masyado niyo po akong pinag-alala," saad ng babaeng kararating lang.

Inalalayan siya nitong tumayo at maglakad at wala siyang magawa kun'di sumama. 'Na-nasaan ako?' Tanong niya sa sarili.

Pagpasok nila sa isang malaking mansion ay agad siyang pina-upo ng  babae sa isang magara ngunit lumang sofa.

Bigla siyang nahilo at doon ay rumagasa ang alaala ng totoong may-ari ng gamit niyang katawan. Dahil din sa pagkahilo ay nawalan siya ng malay.

--*--

"Babae na naman ang pinanganak mo? Wala ka talagang kwenta!" Saad ng isang lalaki sa isang babae. Sinampal niya ito ng napakalakas na halos nagdugo na ang kanyang labi.

--

"Papa! Bakit ba hindi mo ako matanggap? Ginawa ko naman ang lahat ng gusto mo!" Sigaw ni Edelyn habang hawak-hawak ang paa ng isang lalaki. Halos halik-halikan na niya ang sapatos nito. Kinumpas ng lalaki ang kanyang kamay at bigla siyang umangat.

"Hindi kita matatanggap dahil isa kang babae, salot kayo sa lipunan. Ang tangi niyo lang silbi ay ang paglingkuran kaming mga lalaki," malamig na sambit ng kaharap niya.

Gamit ang kamay ay tinapon niya pababa ng trono si Edelyn. Bumagsak sa malamig na sahig si Edelyn kasabay ng pagkawala ng kanyang malay.

--

"Kung bakit naman kasi tatlo lang tayong lalaki sa pamilya, E'di sana malakas ang kaharian natin. Salot na mga babae, wala ng ginawa kun'di maging pabigat. Wala na nga silang kapangyarihan, namemerwisyo pa!" Inis na sabi ng lalaking kasing edad niya. Napayuko na lang si  Edelyn habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng kapatid.

--

Ilan lamang iyon sa mga ala-ala ng may-ari ng katawan na kinalalagyan ngayon ng espirito ni Edelyn. Isang oras pagkatapos niyang mawalan ng malay ay agad siyang bumangon at nakaramdam ng galit.

"Pareho kami ng pangalan pero magka-iba ng pamamaraan sa buhay. Pangako Princess Edelyn, ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo at babaguhin ko ang mundong ito," mahina niyang sambit.

Tumayo siya at pinagmasdan ang paligid. Si Edelyn ay isang anak ng Hari sa mundong ito. Isa sa mga kinikilalang mahinang kaharian sa buong Gerva. May labing anim na anak ang Emperor at pang Labing lima siya. Sa labing lima na iyon, tatlo lang ang lalaki kaya ang galit ng Emperor ay laging napupunta sa mga anak na babae.

Naniniwala sa Polygamy Marriage ang mundo na ito na tinatawag na Gerva. Kapareho ng mundong kinabilangan niya noon. Ang kaibahan lang ay ang sistema ng mundo niya sa mundong ito. Hindi niya maintindihan kung bumalik ba siya sa nakaraan o napunta siya sa hinaharap. Ang alam niya lang ay naglakbay siya sa Time at Space.

Sa nakitang alaala ang mga panamamit ng mga tao dito ay parang Victorian Era kung saan gumagamit sila ng maraming layer ng damit para lang lumobo ang bandang palda nito. May ilan na gumagamit ng crinoline pero mero'n ding gumagamit ng petticoat lang. May mga suot silang mga malalaking head dresser katulad ng mga mamahaling bato, sumbrerong pambabae, o kaya naman ay mga bulaklak depende sa gusto mo.

Ang mga light colors na damit ay simbulo ng mga mahihirap. Nakabase sa tingkad ng suot mo ang iyong kapangyarihan lalo na sa mga babae. Kung mas matingkad, mas makapangyarihan. Isang malaking monarchy rin ang paligid ng mundong ito.

Iyon ay masasabi niyang kabilang sa nakaraan. Pero may mga bagay din na nagsasabi na nasa hinaharap siya. Katulad ng mga gadgets, hindi na kailangan pang-icharge basta may kapangyarihan ka, gagana ang mga ito.

Karamihan sa mga bagay sa paligid ay ginagamitan na ng kapangyarihan. Kahit mga Telebisyon at iba pang technologies. Nakakita rin siya ng mga makina na nagpapagana ng mga ilaw sa buong kaharian. Ilan lang ito sa bakas ng hinaharap kaya nagtataka siya sa sistema na ito. "Jen, anong petsa na?" Tanong ni Edelyn sa kasama niyang katulong.

"Petsa? Ano po iyon?" Nanlaki ang mata ni Edelyn at napatingin sa kanyang katulong.

"Hindi mo alam ang petsa?" Takang tanong niya para makumpirma ang hinala. Umiling naman ang kanyang katulong bilang sagot.

"Anong araw ngayon?" Tanong niya.

"Ika-tatlong libo't siyam na raan dalawampu't isang araw (3921) na po ngayon," sumakit bigla ang ulo niya sa malalim na tagalog ng katulong.

"Ano bang klaseng lugar ito? Pinaghalo ang mga bagay sa nakaraan at hinaharap," mahina niyang sabi.

"Jen! Pwede bang dalhin mo muna ako sa kwarto ko? Masakit ang buong katawan ko sa hindi ko malaman-lamang dahilan," utos niya. Tango muli si Jen saka inalalayan si Edelyn na makapunta sa kanyang kwarto.

Agad siyang iniwan ni Jem pagkatapos niyang humiga. Matutulog na sana siya ng maalala niya na gusto niya palang tingnan ang kalagayan ang katawan na gamit niya ngayon.

Pinakiramdaman niya ang pulso at doon nalaman na nalason siya pati na ang spiritual body niya ay nalason din. "Babawi muna ako ng lakas bago ko tanggalin ang lason. Sana pang, kaya ko pa ring tawagin si Blue ng hindi ako mahirapang mabuhay dito," saad niya sa sarili.

"Kailangan kong hanapan ng sagot ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng Ama niya. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kanila," pagka-usap niya sa sarili. Sa sobrang pagod ay hinayaan niya na lang ang sarili na makatulog.

--*--

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon