15: Feminist Kingdom

5.2K 248 2
                                    

"Ipatawag ang tatlong Eunuch may pupuntahan kami,"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 15: Kaharian ng Feminist

Isang linggo simula ng simulan niya ang plano. Naaa kaharian siya ngayon na pinangalanan niyang Feminist Kingdom. Ang kaharian kung saan ang mga kababaihan ang siyang naninirahan dito. 300 pa lang ang nakatira dito dahil ang iba nilang nililigtas na babae ay nasa lupain pa ng Ferior Kingdom.

Ang tatlong daang babaeng ito ay ang mga babae na una niyang nailigtas sa kamay ng matanda. Pagkatapos niya kasing magdeklara away sa Ama ay dumiretso siya sa lupain niya at pinatay lahat ng lalaki.

Pumunta siya sa isang kabaong na glass at pinagmasdan ang prini-serve na katawan ni Jen. Hindi niya matanggap na kahit makapangyarihan na siya, hindi niya pa rin nagawa na iligtas ito. Ang tanging tao ma tumanggap sa kanya.

Ang tatlong daang babae na narito ay pumili ng kanilang magiging buhay. Karamihan sa kanila ay mas pinili ang mabuhay ng tahimik at mabuhay na mahirap. Gusto nilang magtrabaho para kay Edelyn. Kapalit noon ay pinasu-sweldo sila nito.

May iba na pinili na maging kanyang kabalyero. Handa silang mamatay para sa kanya lalo na't ito ang nagligtas sa kanilang buhay. At may iba na pinili na maging opisyales para maging katuwang niya sa pagpapalakad ng kaharian.

Gumawa ng sistema si Edelyn dito na mahigpit na pinapatupad. Pero lahat naman ay maasyos lalo na't para rin ito sa ikabubuti nila.

Nagpatuloy sa pagmamasid sa glass. Kitang-kita niya ang pamumutla ng mukha ng kanyang Loyal Servant. Kaunti na lang ay iiyak na siyang muli. Gagawa siya ng paraan para mabuhay itong muli. Kahit pa baligtarin niya ang mundong ito.

"Mahal na Reyna, may natagpuan kaming lalaki na nakapasok sa kaharian, ano po ang dapat naming gawin?" Saad ng isang boses sa kanyang likod. Hinawakan niya ang gown na suot saka lumapit sa nagsalita. "Sabihin mo kay Blue na dalhin siya sa aking Trono," utos ni Edelyn. Nag-bow naman ang babae at umalis.

"Ate Jen! Pangako, gagawin ko ang lahat para mabuhay ka," mahina niyang sabi saka umalis at tumungo sa trono.

Umupo siya doon at naghalumbaba. Walang tao sa trono dahil sa ayaw na ayaw no Edelyn ay may nagbabantay sa kanya. Hinahayan niya lang na magliboy ang kanyang kabalyero sa buong kaharian. Ilang sandali pa ay dumating na si Blue kasama ang isang Air Lion at isang lalaking pamilyar sa kanya.

Napuno ng kabalyero ang buong throne room dahil handa silang proyektahan ang kanilang reyna kung sakali mang umatake ang lalaki. "Ibaba niyo ang mga sandata niyo," utos ni Edelyn. Nagsiyuko naman ang lahat pagkatapos sumunod.

"Geo?" Tanong ni Edelyn. Tumayo siya at lumapit sa kanilang bihag. "Uh! Hi?" Ngiting patanong nito sa kanya.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Malamig niyang tanong. "Hindi ko rin alam, Edz, inaantay lang kita sa harap ng Gate ng Mansion mo ng may humigop sa akin papasok doon. Tapos natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa tubig ako. Kung 'yung lugar naman na ito, na-curious ako sa portal na nagbukas malapit sa lugar na huli kong pinagpahingahan. Tumakas ako sa amin," hingal ma paliwanag ni Geoffrey. Mabilis siyang nagsalita na para bang nakasalalay sa sasabihin niya ang buhay niya.

"Mahal na Reyna! Mag-iingat kayo!" Sigaw ng isang babaeng kabalyero. "'Wag kayong mag-alala, hindi lahat ng lalaki sa mundong ito ay katulad ng mga lalaki na nagpahirap sa inyo. Nalaman ko rin na ang kahariang Jorfa ay isang kaharian kung saan ang mga kababaihan ay nirerespeto at ginagalang. Kapantay nila ang mga kalalakihan sa kahariang iyon," paliwanag ni Edelyn.

"Isa siyang kakampi, pero kung traydorin niya man ako, kamatayan ang makukuha niya," malamig na saad ni Edelyn. Tumango naman ang lahat.

Malaki ang tiwala nila sa kanilang Reyna lalo na't ito ang nagligtas sa kanila. "Bigyan niyo siya ng matutulugan," nag-cast ng spell si Edelyn sa kanya at tanging ang nasa likod lang ng Reyna ang siyang nakakita. Alam nila ang spell na iyon kaya napangiti sila.

"Mahal na Reyna ang ikalawang pangkat ng mga kababaihan ay pumasa sa iyong pagsubok sa lupain ni Shade Dale," report ng kanyang Imperial Secretary.

"Sabihan niyo ang Minister of Household at Minister of Affair na ieentertain sila. Gawin ang ginawa ko noon ma method para maisaayos sila," utos ni Edelyn. Tumango naman ang Imperial Secretary saka umalis.

Ang Minister Of Affair ang siyang bahala para sa mga transaction na ginagawa ng buong kaharian. Kailangang alam niya ang bawat pasok o labas ng kung ano mang produkto sa loob ng kaharian.

Samantalang ang Minister Of Household naman ang siyang bahala sa mga Affair sa loob ng Kaharian. Isa na dito ang mga transaction sa Imperial Academy. Ang lugar kung saan tuturuan ang mga kababaihan na gumamit ng kapangyarihan.

Sa ngayon ay mga pansamtala pa lang ang mga nasa posisyon. Mapapaltan ito kapag nakakita na ng taong karapat-dapat si Edelyn.

Marami siyang gustong gawin para sa kaharian ng Feminist. At sisiguraduhin niyang katarakutan ng maraming tao lalo na ng mga lalaki ang kahariang pinamumunuan mg mga babae. Ipatitikim nila sa kanila ang lahat ng paghihirap ng bawat kababaihang nasagip nila mula sa kamay ng mga malulupit na kalalakihan.

Magsisisi sila na minaliit nila ang mga babae na siyang dahilan kung bakit may mga nabubuong tao. Walang lalaki ang mabubuhay ng walang babae. Iyan ang nag-iiaang pananaw ni Edelyn na gusto niyang sabihin sa lahat. "Ipatawag ang tatlong Eunuch may pupuntahan kami," utos ni Edelyn. Ang isang babae naman ay mabilis na sumunod.

Ang Eunuch ay para ring Imperial Secretary pero mas mababa sila ng dalawang ranggo dito. Kadalasan ay nakabuntot sila sa Imperial Secretary para mas maging mabilis ang trabaho nito.

Hinanda niya si White saka nagbihis ng magarang gown. Pupuntahan niya ngayon ang Jorfa para makipagkasundo. Hindi maaaring maging matatag ang kanyang kaharian kung hindi ito makikipagkasundo sa ibang kaharian. Kaso wala siyang choice kun'di ang Jorfa dahil ito lang ang tanging may Respeto sa kanilang mga babae.

Magiging Win-Win offer din naman ang dala-dala niyang alok kaya confident siya dito.

--*--

Sorry hindi ko napublish kagabi. Naubusan ako ng Data. Antayin niyo ang update ng Wrifia mamaya. Tapusing ko lang ang pagsusulat.

Violet_Ybrehl07

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon