18: Triple Primary Visza Birthmark

4.6K 215 6
                                    

"Isang nilalang na may Triple Primary Visza Birthmark, ikaw ang magliligtas sa lugar na ito,"

Voice

Kabanata 18: Triple Primary Visza Birthmark

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Darren. Tumango naman si Edelyn. Tinulungan siya ng kapatid na tumayo. "Hindi na ako nagtataka sa pag-uugali niyo Kuya Darren, lumaki ka kasi sa Jorfa," natatawang sabi ni Edelyn.

"Paano mo nalaman iyan?" Kunot noong tanong ni Darren. Sabay silang umupo ng kapatid sa Sofa. "Kailangan kong imbestigahan ang pamilya natin Kuya, lalo na't alam kong nanganganib ang buhay ko kay Ama. Nalaman kong taga-Jorfa ang inyong Ina, tama ba?" Tumango naman si Darren.

"May alam ka ba sa kaharian ng Jorfa?" Tanong ni Darren.

"Na ano? Na pantay ang karapatan ng mga kababaihan sa kalalakihan? O yung sistema nila ng panliligaw?" Napatawa ng kaunti si Edelyn lalo na't nakita niya ang gulat sa mata ng kapatid.

"Mahigpit na hindi pinapaalam ang ganyang sekreto sa iba, paano mo nalaman ang bagay na iyan?" Takang-taka na tanong ni Darren. "Nakapunta na ako doon, naka-usap namin ang Hari doon," ngiting sabi ni Edelyn.

"Si Haring Kevin? Mabuti at kinausap ka niya," ngiti lang ang sinukli ni Edelyn bilang sagot sa kapatid.

"Ano nga pala ang pinunta mo dito? Hindi mo bs alam na hinahanap ka ni Ama?" Tanong ni Darren. "Gusto ko sanang sabihin sa iyo na bumalik ka na sa Jorfa, hindi mo kakayanin ang mga mangyayari sa susunod na araw," seryosong saad ni Edelyn.

"Edelyn, Ama pa rin natin siya, bakit mo siya pinapahirapan ng ganito?" Nag-aalalang saad ni Darren.

"Ama? Matagal ng patay para sa akin ang Ama natin. Simula pagkabata, isang hayop ang tingin niya sa akin, ultimo sarili niya ngang anak, nilalason niya. Iyan ba ang sinasabi niyong Ama?" Nagpipigil ng galit.

"Ni-nilason?" Gulat na tanong ni Darren.

"Oo Kuya, nilason niya ako, mabuti na lang at nagawan ko ng paraan. Pinatay niya pa ang tanging taong nagpahalaga sa akin sa lugar na ito, pasensya na kuya pero hindi ko na siya kinikilalang Ama gaya ng hindi niya pagkilala sa akin bilang anak," puno ng galit na saad ni Edelyn. Nagulat siya ng bigla siyang niyakap ng kapatid.

"Patawad! Patawad kung wala so Kuya nang mga panahong naghihirap ka. Patawad kasi hindi kita naipagtanggol," hindi alam ni Edelyn pero, unti-unting tumulo ang luha niya hanggang sa narinig na lang ang sarili na umiiyak na.

Ito ang unang beses na nag-break down siya pagkatapos ng pagkamatay ni Jen. Dahil din siguro sa magkapatid sila at medto attach talaga ang tunay na nagmamay-ari ng katawan na ito kay Darren.

"Tahan na, Edelyn," hinagod ni Darren ang likod ni Edelyn. Hinintay niya munang huminahon ito bago niys kinausap. "Kung gusto mo talagang gawin ang paghihiganti mo, wala akong magagaea kun'di suportahan ka. Isa pa, sumobra na rin si Ama sa mga ginawa nila sa iyo. Pangako, aalis na rin ako sa lugar na ito kung iyon ang gusto mo," ngiting saad ni Darren. Kumalas si Edelyn sa pagkakayakap at masayang tiningnan si Darren. "Really?" Tumango naman si Darren para sa kapatid.

"Thank you Kuya!" Ngiting sabi ni Edelyn. "Bago ako umalis may hihilingin lang sana ako," dagdag ni Edelyn. Mabilis namang tumango si Darren. Doon na nga sinabi ni Edelyn ang hiling niya sa kapatid. Sa huli isang ngiti na lang ang sinukli sa kanya ng kapatid.

--*--

"Bakit niyo hiniling ang bagay na iyon sa kanya?" Tanong ni White sa kanya habang lumilipad sila. "Alam kong magagawa niya ang bagay na iyon," ngiting sabi ni Edelyn.

"May tiwala ka sa kanya? Paano kung traydorin ka niya?" Tanong ni White nginitian lang siya ni Edelyn bilang sagot. "May tiwala nga ako kay Kuya Darren. Alam kong hindi niya ako ta-traydorin, kung gawin man niya ang iniisip mo, may nakahanda na akong plano," ngising saad ni Edelyn.

"Sana nga Master, nag-aalala lang ako sa iyo kaya ko nasabi iyon," umupo si Edelyn saka tinap ang ulo ni Edelyn. "I'll be alright White, beside, I can handle myself," ngiting sabi ni Edelyn.

Papasok na sana sila portal ng biglang nakakita ng batis si Edelyn. "White, bumaba muna tayo sa batis," mabilis namang sumunod si White. Bumaba kaagad si Edelyn kay White at pinuntahan ang batis. Tiningnan niya ang kanyang repleksyon niya.

Napabuntong siya ng hininga bago siya sumalop ng tubig para maghilamos. Pero nagulat na lang siya ng biglang dumilim ang buong paligid.

Nakaramdam ng kaba si Edelyn. Nasa batis lang siya kanina pero bigla siyang napunta dito.

"May tao ba diyan?" Tawag ni Edelyn. Tumayo siya sa pagkaka-upo. May nakita siyang liwanag sa dulo kaya tinakbo niya ito.

Ilang minuto ang lumipas ay narating niya na nga ang liwanag. Isa itong kwarto na puno ng salamin. inalerto naman ni Edelyn ang sarili. Inikot niya ang sarili ng may makita siyang usok.

"Nagtataka ba kung bakit ka napunta sa lugar na tinitirhan mo ngayon?" Tanong ng boses sa na nage-echo sa buong lugar. "Isang nilalang na may Triple Primary Visza Birthmark, ikaw ang magliligtas sa lugar na ito," saad ng isang boses na hndi makita ni Edelyn kung saan ito nanggagaling.

"Anong kinalaman ng birthmark sa pagkalakulong ko sa lugar na ito?" Sarcastic na tanong ni Edelyn.

"Bakit hindi mo alamin ang sagot? Paalala lang. Nasa gitnang densyon ka ngayon. Isang demensyong nasa gitna ng nakaraan at kasalukuyan, kailangan mong mag-ingat at pag-isipang mabuti ang lahat ng gagawing mong hakbang," pagkatapos ng tagpong iyon ay nakaramdam siya ng basa sa kanyang mukha. Nakita niya na ginigising siya ni White at nasa kanyang kwarto na siya. "A-anong nangyari,?" Tanong ni Edelyn.

"Bigla po kayong nahimatay sa batis, Master. Nag-alala ako sa nyo kaya inuwi ko na kaagad kayo. Overfatigue lang daw ang naranasan niyo sabi ni ginoong Groffrey," saad ni White. Tinanguan na lang ito ni Edelyn saka siya tumayo.

"White, may alam ka ba tungkol sa Triple Primary Vizsa Birthmark?" Nanlaki ang mata ni White sa tanong ni Edelyn.

--*--

Ybrehl

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon