12: Death

5.2K 270 21
                                    

"Nang dahil lang sa aliping ito? Sinaktan mo ang anak ko?"

King Daze Xin Fugoso

Kabanata 12: Kamatayan.

Madilim, nakakakilabot, puno ng dumi. Ilan lamang iyan sa mga maaari mong ilarawan sa kulungan ng kaharian. May maliit na bintana sa taas ng kulangan ni Edelyn para magsilbing pasukan ng hangin. Mayroon din itong tatlong bakal na katulad ng rehas na nasa harap niya.

May isang tabla sa gilid na nakasabit lang sa kadena ang nagsisilbing kama ni Edelyn. Nasa tabi niya ang kanyang dalawang summon beast na nasa maliit nilang anyo. Pareho itong nakatingin kay Edelyn na ngayon ay nakangisi kahit na ganito ang kanyang kalagayan.

"Masyado silang over reacting. Maliit na bagay ito kaagad ang parusa. Tsk!" Saad ni Edelyn. Mabilis siyang tumayo at saka tumapat sa bintana para tingnan ang labas. Kitang-kita ang maliwanag na buwan sa maliit na bintana na iyon. "Isa kang legendary 10th Grade Summoner, bakit hindi ka tumakas?" Saad ni White. Napatingin at napakunot naman ang noo ni Edelyn at Blue sa sinabi ni White. "Legendary 10th Grade Summoner? Hindi ba't 10th Grade Summoner na ang pinakamalakas na Summoners?" Tanong ni Edelyn.

"Nagkakamali ka, gaya ng Elementalist, may tatlong uri ng Summoners ito ang Normanl Summoners, Legendary Summoner at ang huli ay ang God o Goddess Summoner. Nasabi ko sa'yo noong una tayong magkita na isa akong 11th Grade Creation Leopard hindi ba?" Tanong ni White.

"Ang akala ko, 8th Grade ka dahil yun ang narinig ko sa mga nakalaban kong lalaki. Pero paano naman ako naging legendary?" saad ni Edelyn. Napa-isip naman siya dahil dito.

"Kaya ka naging Legendary 10th Grade Summoner ay dahil sa akin. Kung ako lang ang magiging Summon Beast mo. Isa ka kaagad na Legendary 1st Grade Summoner dahil na rin sa isa akong 11th Grade Summon Beast. Pero dahil mayroon ka pang 10th Grade Ice Phoenix. Nadagdag ang Grade mo at naging isang Legendary 10th Grade Summoner," paliwanag ni White. Ngumisi naman si Edelyn dahil sa paliwanag ni White.

"Paano ako magiging Goddess 10th Grade Summoner?" Ngising tanong ni Edelyn. "Kailangan mong makakuha ng isa pang summon beast na 12th Grade," saad ni White. Tumango-tango naman si Edelyn tanda na naiintindihan niya ang sinasabi ni White.

"May tao," sabat ni Blue. Mabilis na nawala ang dalawa pagkatapos iyong masabi ni Blue. Doon ay nakita niya si Jen na nakaluhod sa harap ng pinto ng kanyang kulungan. Mabilis na lumapit si Edelyn sa kanya at hinawakan nito ang kanyang kamay. "Ate Jen, sinabi ko sa'yo 'di ba? 'Wag mo akong ituring na mas mataas sa'yo kasi sa paningin ko, pantay lang tayo," mabilis na saad ni Edelyn kay Jen.

Bigla na lang tumulo ang luha ni Jen at doon na siya nagsimulang umiyak. "Mahal na prinsesa, patawad po wala akong nagawa para proyektahan ka. Wala akong kwentang alipin," iyak na sabi ni Jen. "Kakasabi ko lang na wag mong ibaba ang sarili mo," mabilis na niyakap ni Edelyn si Jen para kumalma ito.

"Ayos lang ako dito, bumalik ka na sa West Mansion," utos ni Edelyn. "Pero mahal na Prinsesa, hindi ko po kayang iwan kayo sa ganitong kalagayan. Habang ako, komportable doon, kayo naman ay nahihirapan," iyak na sabi ni Jen.

"Ako ata si Edelyn Flair Fugoso, walang mahirap para sa akin. Ngayon bumalik ka na sa West Mansion. Hindi ka nila dapat makita dito," tumango naman si Jen kahig na naiiyak pa rin siya. Mabilis na kumilos si Jen papalabas ng Kulungan pero hindi pa siya nakakalabas nang biglang magpakita si Derrick sa harap niya na may dala-dalang latigo.

"Ate Jen, anong nangyayari diyan?" Nag-aalalang saad ni Edelyn. Hindi niya makita ang mga nangyayari sa paligid lalo na't nasa dulo siya ng kulungan.

Nagulat na lang siya ng makita si Jen na umaatras at may takot na takot na ekspresyon ang mukha. "Pinag-utos ng mahal na hari na walang pupunta sa lugar na ito maliban sa akin hindi ba, Alipin?" Ngising saad ni Derrick. Hinampas niya ang latigo sa sahig na naglikha ng malakas na tunog. Um-echo ito sa buong paligid na siyang mas nakapagpatakot kay Jen.

"Anong ginagawa mo? Itigil mo na iyan!" Sigaw ni Edelyn. "Paano kung ayoko?" Saad ni Derrick. Ilang sandali pa ay hinampas ni Derrick ang latigo sa katawan ni Jen.

Isang malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ni Jen dahil na rin sa sakit na naramdaman. Tumulo kaagad ang dugo sa braso ni Jen na kumalat sa suot-suot na damit. "Tama na!" Galit na sigaw ni Edelyn habang nakikita ang nangyari kay Jen.

Gamit ang paa ay patuloy pa rin sa pag-atras si Jen para hindi siya matamaan ng Latigo pero umuurong din si Derrick papalapit sa kanya. Naramdaman na lang ni Jen ang malamig na rehas sa likod niya kaya agad na pumorma ang kamay ni Derrick para hapasin siyang muli. "Ang dapat sa mga aliping katulad mo na hindi marunong sumunod sa utos ng nakakataas ay pinaparusahan," ngising saad ni Derrickm

Napapikit na lang sa si Jen ng makita niyang pababa na ang latigo. Pero iang segundo pa ang lumipas ay wala pa ring dumadako sa kanyang kamay. Bakas sa kanyang mata ang pagkagulat nang makita na nakapalupot na ang latigo sa kamay ni Edelyn na ngayon ay tumutulo na ang dugo.

"Sinabi kong tama na!" Galit na sabi Edelyn. Hinila niya ng malakas ang latigo papasok sa kanyang kulungan kaya napasama si Derrick sa nahila at naumpog ang buong katawan niya sa rehas. Bakas pa ang pagkagulat sa mukha ni Derrick dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. "Ate Jen tumakbo ka na!" Sigaw ni Edelyn. Patayo pa lang si Jen ng biglang bumukas muli ang pinta at niluwa noon ang Haring si Daze.

"Anong karapatan mo pars saktan ang anak ko ha? Edelyn?" Galit na saad ni Haring Daze. "Sinaktan niya ang tauhan ko kaya gumanti lang ako," galit na saad ni Edelyn. Namumuo ang galit niya sa taong kaharap niya ngayon. Hindi kasi nito tinanong man lang ang nararamdan niya ngayon.

"Nang dahil lang sa aliping ito? Sinaktan mo ang anak ko?" Tanong ni Haring Daze.

Ang bilis ng pangyayari at hindi niya inaasahan ang lahat. Bumagsak na lang kaagad ang katawan ni Jen na puno ng dugo. Kitang-kita niya na ang espada ng ama ang siyang dahilan ng lahat.

Doon ay nagblangko ang utak ni Edelyn dahil sa nasaksihan.

--*--

You may Rest In Peace, Jen. Hindi kita makakalimutan. 😭😭😭😭

Violet_Ybrehl07

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon