Epilogue

5.2K 220 8
                                    

"Metamorphosis Princess? Sounds great,"

Edelyn Flair Fugoso

Epilugo

Tatlong taon pagkatapos ng digmaan, ang 11 kaharian ay nasa mapayapa ng pamumuhay. Naayos na ang mga sira sa lugar at nailibing na ng maayos ang mga namatay na tao at spiritual beast.

Napatawad na rin ni Edelyn ang kanyang Ama at ngayon ay malaya na silang nagsasama-sama. Ang mga kababaihan ay naging pantay na rin sa mga kalalakihan.

Ang slavery ay nawala na rin at lahat ng kayang magtrabaho ay nagta-trabaho. Ang mga kababaihan ay nagkaroon na rin ng posisyon sa mga kaharian bilang patunay na talagang may kakayahan silang mamuno.

Ang mga reyna ay nagkaroon na rin ng kapangyarihan at hindi na lamang sila isang dekorasyon.

Masayang-masaya si Edelyn sa naging resulta ng kanyang paghihirap.

--*--

Isang gabi habang naglalakad sa hardin si Edelyn, isang liwanag ang biglang lumitaw sa kanyang harapan.

Biglang may nagpakitang isang nilalang na hindi mo alam kung babae ba o lalaki.

"Sino ka?" Tanong ni Edelyn. Alam niyang walang masamang intensyon ang nilalang na nasa harapan niya pero hindi niya malaman-laman kung ano ang intensyon nito.

"Ako ang nagbigay ng pangalawang buhay sa iyo at nagdala sa iyo sa lugar na ito," malalim ang boses nito at hindi mo malalaman ang kanyang kasarian lalo na't marami ang boses na kanyang naririnig.

"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ni Edelyn. Pero hindi sumagot ang nilalang na ito

"Sino ka?" Malamig niyang sabi. Pero halata mo na niinis na siya. Ngumiti ang taong ito na para bang tuwang-tuwa siya. "Hindi ko inakalang hindi ka matatakot o magugulat man lang sa akin," ngiting sabi nito.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Edelyn. Katulad ng nangyari kay Shaina, ito rin ang tanong ng nilalang na ito.

"Hindi na ako nagulat na may nilalang na nag-eexist na katulad mo, simula ng mabuhay akong muli, naniwala na ako sa mga imposibleng bagay. Isa pa, nasa mundo ako ngayon na puno ng mahika," paliwanag ni Edelyn. Tumawa lang ang nilalang na ito saka ngumiti.

"Katulad ka niya. Pero kayo ng sinabi at pareho kayo ng naging paniniwala," saad ng nilalang na ito. Lumapit pa ito kay Edelyn at seryosong tiningnan si Edelyn.

"Tama ka, ako ang pinadala ng dahilan kung bakit buhay ka pa ngayon," ngiting sabi nito. "Balang-araw, babalik ako dito para singilin ang biyaya na binigay namin sa iyo. Kailangan mo kaming tulungan sa aming magiging misyon. Hindi pa ngayon pero babalik ako dito para sunduin ka. Kapag natapos mo ang misyong iyon, maaari ka ng mabuhay ng mapayapa," dagdag pa nito.

"Of all the people, why me?" Takang tanong ni Edelyn sa taong ito. Hindi niya talaga maintindihan ang dahilan kung bakit siya muling nabuhay.

"Gaya ng sabi ko sa kanya, espesyal ka Edelyn. Malalaman mo rin ang kasagutan sa takdang panahon. Sa ngayon, magpakasaya ka muna kasama ng iyong pamilya at kaibigan," tumango naman si Edelyn kasabay ng paglaho ng liwanag na nagpailaw sa garden at ng taong kausap niya lang kani-kanina.

"Sabi ko na eh, nandito ka lang," isang kapa ang pumatong sa kanyang balikat at alam niyang si Geoffrey ang may gawa no'n. "Bakit ka lumabas? May problema ba?" Tanong ni Goeffrey.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naaamin ang totoo niyang nararamdaman para kay Edelyn.

Gusto nigang sabihin pero naduduwag siya.

"I'm good," saad na lang ni Edelyn saka naglakad pabalik loob ng kaharian.

"Edelyn! Mahal kita! Maaari bang... maaari bang manligaw!?" Biglang sigaw ni Geoffrey kay Edelyn. Napatigil si Edelyn pero hindi siya lumingon na siyang kinakaba ni Geoffrey.

Ngumisi si Edelyn saka nagpatuloy sa paglakad. "Then do your best," saad ni Edelyn at biglang naglaho na parang bula.

Ang kaninang malungkot na mukha ni Geoffrey ay napaltan ng ngiti at halos nagtatatalon na siya sa tuwa. Gagawin niya ang lahat para mapasa kanya si Edelyn.

"Edelyn! Hintayin mo ako!" Nagtatakbo papasok sa loob si Geoffrey habang may ngiti sa labi.

--*--

"Kaunti na lang, matatapos na ang sisira sa kalawakang ito!" Isang matinis na tawa ang siyang maririniv sa kweba kung nasaan ang isang lalaki at isang babae.

"Magiging atin din ang kalawakan na ito, kaunting taon na lang ang bibilangin natin. Ipagpatuloy ang pagpatay sa mga tao na wala sa listahan ng Book Of Death," utos ng babae. Tumango ang lalaki saka umalis para maghasik muli ng kasamaan.

"Anong gagawin mo ngayon, Diyosa?" Tumawa ng malakas ang babae habang tinitingnan ang isang malaking litrato ng kalawakan.

"May magagawa ka na ngayong malapit ko ng magawa ang aking gustong gawin? Malapit ko ng maabot ang pinakamataas na posisyon sa buong kalawakan. Wala ka ng magagawa dahil planado ko na ang lahat ng dapat kong gawin, kaunting oras na lang," ngumisi ang babaeng ito saka umupo sa kanyang malaking trono at tumawa na parang nababaliw.

--*--

Naglilibot sa paligid si Edelyn habang nakasuot siya ng kasuotan ni Shade Dale. Kasama niyang naglilibot si Blue at White.

"Master, para kang caterpillar na naging paru-paru," saad ni Blue habang pinapagaspas niya ang kanyang pakpak.

"Tama isa kang malaking metamorphosis," sang-ayon naman ni White.

"Metamorphosis? Bakit naman?" Tanong ni Edelyn habang nakaupo kay Blue.

"Ikaw kasi ang naging dahilan ng pagbabago ng mundong ito. Mula sa hindi pagkakaroon ng pantay na karapatan ang mga kababaihan ay pinaglaban mo sila at binigyan ng karapatang mabuhsy katulad ng kalalakihan," hindi maintindihan ni Edelyn si Blue kaya tiningnan niya si White na lumilipad din gamit ang kanyang gawa niyang pakpak.

"Master, ang Metamorphosis ay tawag sa proseso ng caterpillar para maging isa siyang paru-paru. Ang ibig sabihin ni Blue, isa kang metamorphosis dahil ikaw ang gumawa ng proseso para mabago ang mundong ito mula sa kanilang paniniwala hanggang sa pagtanggap nila sa kayulaf niyong babae," paliwanag naman ni White.

"Isa Metamorphosis Princess, master ang prinsesa ng pagbabago," tumawa si Blur habang sinasabi ang mga katagang ito. Ngumisi naman si Edelyn habang tintingnan ang maaliwalas na langit.

"Metamorphosis Princess? Sounds great," nagtawanan na lang silang tatlo at nagpatuloy sa paglibot.

Aantayin na lamang ni Edelyn ang araw kung saan kakailanganin na siya ng nilalang na nakita niya.

--*--

Ybrehl

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon