26: Fiora

3.6K 192 9
                                    

"Do not underestimate your enemy,"

Anonymous

Kabanata 26: Fiora

Isang buwan ang makalipas ng nagsimula ang labanan. Ang tanging ayos na lang na kaharian ay ang kaharian ng Feminist dahil na rin sa tago ito. Bawat kaharian ay hindi nakalagpas sa bawat atake ng kalaban. Kahit ang mga hari ay lumaban na rin para sa kanilang buhay ay napilitan ng makipagtulungan sa mga kababaihan.

Nilinok na nila ang kanilang pride para lang sa kaligtasan nila.

Kung noon, puro sarili na lang ang kanilang iniisip, ngayon ng nakita nila ang kalagayan ng kaniang nasasakupan, nagdududa na sila sa kanilang sarili at sa paraan ng kanilang pagpapalakad ng kani-kanilang kaharian.

Ang hindi nila namamalayan, nag-uumpisa na silang magbago sa mabuting paraan para na rin sa kanilang nasasakupan. Nag-uumpisa na silang isipin ang iba kaysa sa kanilang sarili. Higit sa lahat, nag-uumpisa na nilang tanggapin ang kahalagahan ng bawat kababaihan.

Maraming spiritual beast ang nagkalat at tila may pagbabago ng panahon sa lugar dahil na rin sa mga kapangyarihan na taglay nila.

May parte kang makikita kung saan puno ng apoy may parte ring may tubig o kaya naman ay malakas na hangin. Mayroon ding biglang nagsisitaasang bundok may mga kuryente rin asido, at ilan pang kapangyarihan na nagkalat.

Pero kahit na umabot na sa ganitong punto, hindi nawalan ng pag-asa ang lahat para lumaban. Ito pa ang naging daan para tumibay ang tiwala ng isa't isa sa kanilang grupo.

Sa loob din ng isang buwan na iyon, hinahanap ng lahat ang portal na dinadaanan ng mga kalaban dahil kahit anong laban nila ay hindi pa rin nauubos ang lahat ng kalaban.

Hanggang sa natagpuan ito ng isa sa mga tauhan ni Edelyn. Pinuntahan kaagad nila ito saka isinara.

"Kayong lahat, nasara na ang portal. Nakita ito sa ilalim ng dagat at ang kailangan niyo na lang gawin ay ang ubusin ang lahat ng nandiyan," pagbalita ng taong nakapagsara ng portal.

Tatlong oras lang ang nakalipas ay naubos na nga ng lahat ang kalaban. Tuwang-tuwa ang lahat saka nagyakapan.

Ang iba ay nag-inspeksyon kung may mga sugatan pa ba o wala na. Mapababae o lalaki, lahat nagsasaya pero sa isang sulok kahit na nakikita ni Edelyn na tapos na ang labanan.

Maliban na lang sa mga usok at sira ng bawat kaharian, wala ng kakaiba pero hindi pa rin mapakali si Edelyn.

Lumipad siya kasama si Blue saka nilibot ang buonh lugar lahat ng kaharian ay inikot niya. Pero wala siyang nakikitang kakaiba.

"Ayos ka lang ba, Master?" Tanong ni Blue habang lumilipad silang dalawa.

"Blue hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Pakiramdam ko hindi pa tapos ang lahat," seryosong saad ni Edelyn.

Dahil sa sinabi ni Edelyn, nakaramdam ng kaba si Blue dahil alam niyang kapag hindi mapakali si Edelyn ay mangyayaring masama. Ilang beses na itong nangyari noon sa una niyang buhay kaya hindi ito isinawalang bahala ni Blue.

"Lahat kayo diyan, maging alerto kayo. Hindi pa tapos ang laban," utos ni Edelyn gamit ang kanyang earpiece.

Sa isang iglap ang kaninang nagsasayang mga tao sa ibaba ay naging alerto. Kahit ang mga spiritual beast ay naging alerto rin.

Isang oras ang makalipas, biglang hindi mapakali ang mga spiritual beast at isa-isa silang nag-ingay. Nakaramdaman ng kilabot ang bawat isa lalo na si Edelyn at Blue na nasa himpapawid.

Kinailangang bumaba ni Blue dahil na rin sa malakas at nakakatakot na pwersang naramdaman nila.

Kahit na natatakot, lahat sila inalerti ang sarili. Ilang sandali lang ay unti-unting dumilim abg kalangitan na halos wala ng makita ang bawat isa.

Kahit na alerto ay naririnig na lang ng bawat isa ang sigawan at wala silang ideya kung ano ang nangyayari na siyang nakapagpadagdag ng takot ng bawat isa.

Sa pagkakataong ito, ginamit ni Edelyn ang kapangyarihan ng Triple Vizsa Birthmark niya at unti-unting naka-ilaw ang bawat gamit sa paligid.

Halos mawalan ng dugo ang lahat ng nagkaroon dahil nakita nilang biglang namatay ang kasamahan nilang kanina lang bago nawala ang liwanag. Wakwak ang loob ng tiyan nito ay walang mga mata.

Ang kamay at paa nito ay nakahiwalay na sa kanilang katawan. Biglang napasigaw ang ilan sa mga kababaihan sa takot dahil hindi nila alam kung paano namatay ang mga ito.

Si Edelyn naman ay tila nawala sa sarili dahil na rin sa gulat. Nararamdaman niya ang pagkamatay ng bawat taong iyon kahit pa ang malansang amoy ng dugo ay hindi pinalampas ng kanyang ilong.

Isang nakakatakot na tawa ang umalingawngaw sa apat ba sulok ng bawat kaharian ng 10 Hari. Na humahahod sa bawat balat nila.

Para silang kinukuhanan ng lakas habang naririnig ang kakila-kilabot na tawa ng isang babae.

Tumingala si Edelyn at nakita ang isang higanteng babae na pababa mula sa madilim na kalangitan. Kitang-kita mo ang pulang aura sa kanyang gilid at ang maitim na hanging pumapalibot dito na dahilan ng pagtaas ng kanyang buhok.

May dala itong sceptre na kulay itim. Nakasuot ito ng itim na may halong pula na bestida na halos makikita mo na ang kurba ng kanyang buong katawan. Ang aura na nakapalibot dito ay masasabi mo kaagad na isang itim na mahika.

"Oras na para makuha ko ang planetang ito. Ang planetsng paghaharian ko!" Isang kakila-kilabot na tawa ang muli niyang pinakawalan.

Halos mabingi ang lahat sa lakas nito at dahil na rin sa sobra itong nakakatakot.

"Si-sino ang babaeng iyan?" Natatakot na tanong ni Blue.

Unti-unti silang humina kasama ang lahat maliban na lang kay Blue, Edelyn at sa nga nasa Feminist Kingdom.

Ang dahilan kung bakit hindi humihina si Blue ay dahil na rin ay Edelyn.

"Ma-master, ki-kilala mo ba siya?" Ulit na tanong ni Blue.

"Hindi ako sigurado pero isa lang ang iniisip ko kung sino siya," seryosong saad ni Edelyn.

Tinitigan niyang mabuti ang itsura nito. Inaalala niya ang isang libro na nabasa niya noong bago pa lang siya sa lugar na ito.

Ang naging dahilan kung bakit nahihirapan na ang mga kababaihan na ipalabas ang kanilang kapangyarihan.

"Si Foira..." seryosong saad ni Edelyn.

--*--

Ybrehl

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon