11: Third Brother

5.4K 263 8
                                    

"Magiging maayos ako, 'wag kang mag-alala,"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 11: Ikatlong Kapatid na lalaki.

Pagkatapos maayos ni Edelyn ang lahat ay tinawag na niya si Blue para umuwi. Pagkauwing-pagkauwi niya ay humiga kaagad siya para magpahinga. "Mahal na prinsesa, napapansin ko na madalas kang lumalabas nitong mga nakaraang araw, ano nga pala ang ginagawa mo?" Takang tanong ni Jen na ngayon at naghahanda ng tubig na mainit para paliguan ni Edelyn.

"May inaayos lang ako sa bayan na magagamit natin sa tamang oras," mahinang sagot ni Edelyn. Sobrang pagod na pagod ang katawan niya dahil na rin sa dami ng kapangyarihang nilabas niya kanina. Bumalik man ang kapangyarihan niya bilang 10th Grade Summoner at 10th Grade Infinity Elementalist, hindi naman bumalik ang dati niyang lakas, stamina, talas ng pakiramdam, bilis at iba pang External Ability na mero'n siya ngayon.

'Kailangan ko ng magsimulang mag-training bukas,' piping saad ni Edelyn sa sarili. Ilang sandali pa ay tinawag na siya ni Jen para makapaligo pagkatapos niyang maligo, ay mabilis siyang nakatulog sa kanyang kama.

--*--

Hapon na rin nang maisipan ni Edelyn na tumigil sa pagtakbo. Sobrang hirap nito sa kanya lalo na't medyo mataba ang katawan na gamit niya ngayon. Kaya kinakailangan niyang magtigil muna ng ilang minuto bago tumakbo muli. Basang-basa ng pawis ang suot niyang training gear niya na galing sa kanyang Mansion mula ulo hanggang paa, pinagpapawisan ng todo.

"Jen, nakapaghanda ka na ng pampaligo?" Tanong ni Edelyn. "Opo mahal na prinsesa, kanina ko pa po natapos," saad ni Jen. Ngumiti naman si Edelyn saka nagpahinga ng kaunti bago naligo.

"Masarap sigurong maglalakad-lakad ng kaunti, gusto mo ba akong samahan Jen?" Ngiting sabi ni Edelyn. Ngumiti rin si Jen saka tumango. Inayusan ni Jen so Edelyn pagkatapos niyang maligo kaya agad ding umalis si Edelyn kasama si Jen.

"Mahal na prinsesa, paano po kayo nagkaroon ng Summon Beast?" Takang tanong ni Jen. "Jen, lahat ng babae ay may kapangyarihan. Lahat may pagkakataong lumakas din katulad ng mga lalaki. Ang kaibahan lang natin sa mga kalalakihan ay mas matagal mahanda ang kapangyarihan ng mga babae at mas mahirap ipalabas sa katawan," paliwanag ni Edelyn.

"Isa pa sa katotohanan na hindi alam ng marami na hindi katulad ng sa lalaki na kusang lumalabas ang kanilang kapangyarihan, sa mga babae tayo mismo ang magpapalabas nito. Ang kinaganda naman ng ganitomg sitwasyon ay mas malakas ang kayang ilabas na kapangyarihan ng mga kababaihan kaysa sa kalalakihan," dagdag pa niya.

"Ang ibig po bang sabihin no'n pwede rin akong magkaroon ng kapangyarihan?" Tuwang-tuwa na tanong ni Jen. "Oo naman, hayaan mo tuturuan kitang ipalabas ang kapangyarihan mo kaya simula bukas dapat kasama na kitang magsanay sa West Mansion," pagsang-ayon ni Edelyn.

Nagulat na lang si Edelyn ng biglang niyakap siya ni Jen ng napakahigpit. Hindi kaagad naka-react si Edelym pero kalaunan ay niyakap niya ito pabalik. "Napakaswerte ko talaga na ikaw ang pinaglilingkuran ko, hindi ako magdadalawang isip na ibuwis ang buhay ko para sa inyo mahal na prinsesa," mahinang sabi ni Jen.

"W-wag mo ngang sabihin iyan, hindi ka pwedeng mamatay, maliwanag? Saka poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko," medyo nautal pa si Edelyn nu'ng una lalo na't bigla siyang kinabahan sa mga pananalita ni Jen. Pinagpatuloy nila ang paglalakad habang nagtatawanan ng biglang may nabangga si Edelyn ng hindi sinasadya.

"Ikaw pala, little sister, I did not expect to see you here? How's your stay on the West Mansion?" Ngising saad ng isang lalaking may katangkaran. Matipuno ito at may magandang pangangatawan. Magkapareho ang mga mata at labi nila ni Edelyn at mayroon itong medyo mahabang buhok.

Ito ay walang iba kun'di si Prinsepe Derrick. Siya ang panganay na lalaki ng hari. Nasa edad 27 na ito ngayon at siyang inaasahang umupo sa trono ng Hari. "Oh! Sorry, I forgot that you can't understand my language," natatawang saad ni Derrick. "I'm good and comfortable in West Mansion, Your Highness," napaka-polite na saad ni Edelyn kasama ang inosenteng niyang itsura. Gusto niyang tumawa sa itsura ni Derrick ngayon pero pinanatili niya lang ang inosenteng mukha na gamit niya.

"Ingrata! Sino ka para ipahiya ako!" Malakas na sigaw ni Derrick pero hindi natinag si Edelyn. Biglang nag-bow si Jen sa sahig na hindi napapansin ni Edelyn. "Patawad mahal na prinsepe Derrick. Hindi po sinasadya ni Prinsesa Edelyn ang ipahiya kayo, patawarin niyo na po siya," nanginginig na saad ni Jen na para bang sinasamba na niya si Derrick.

"Tumayo ka diyan, Jen," malamig na saad ni Edelyn. Hindi niya nagugustuhan ang pinapakitang pagsamba ni Jen kay Derrick na para bang isa itong Diyos. Hinablot ni Derrick ang kwelyo ng gown ni Edelyn saka ito nilapit sa kanyang mukha. "Walang karapatan ang babaeng katulad mo na bastusin ako o ang ipahiya ako. Anak ka man ng Hari pero sa ating dalawa, isa ka lang Alipin na may titulong Prinsesa!" Madidiing saad ni Derrick.

"Anong nangyayari dito?" Malamig na saad ng Hari na kararating lang. "Father, these bitch is insulting and offending me. You must grant me Justice. She's not even respecting me," reklamo ni Derrick. 'Ang galing gumawa ng kwento. Pwede ng bigyan ng tropeyo. Ang Exaggerated niya ' inis na sabi ng isip ni Edelyn.

"Totoo ba ang sinabi ni Derrick?" Malamig na saad ni Haring Daze. "Ama hin-" isang malakas na sampal ang ginawad ni Haring Daze sa kanya nadahilan ng pamumula ng kanyang pisngi. Si Jen naman ay nanatiling nakayukod sa sahigat nagmamaka-awang itigil na ang pananakit kay Edelyn.

"Sasagot ka pang ingrata ka. Wala kang utang na loob. Matagal na sana kitang pinatay! Mga kawal, dalhin siya sa kulungan at huwag pakainin hangga't hindi siya nagtatanda!" Utos ng hari. 'Eh anong gusto mong gawin ko? Nagtatanong ka tapos ng sinagot ko nagalit ka pa. Gaani ba kahina ang IQ ng hari na iyon? Himala nga't hindi pa nasisira ang kahatian na ito dahil sa babae ng IQ mo,' saad ng isip ni Edelyn. Kitang-kita naman ni Edelyn ang pagngisi ni Derrick mabilis din itong nawala ng hinawakan na siya ng mga kawal. Doon na rin umalis ang Hari at si Derrick na para bang pumunta langdoon para mangulo.

"Bitawan niyo ako, kaya kong maglakad," inis na sabi ni Edelyn. Naglakad na siya papunta sa kulungan kasabay ang limang kawal na nakapalibot sa kanya. "Mahal na prinssa sandali," tumigil sandali si Edelyn saka tiningnan si Jen. "Magiging maayos ako, 'wag kang mag-alala," saad ni Edelyn.

--*--

Violet_Ybrehl07

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon