10: Slavery

5.4K 307 6
                                    

"Simula din ngayong araw, makakakain na kayo ng tatlong beses sa isang araw,"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 10: Pang-aalipin

Pumasok si Edelyn sa loob ng lupain ng matanda at doon ay kitang-kita niya ang paghihirap ng mga kababaihang nagtatrabaho sa loob. Kitang-kita niya kung gaano kapayat ang lahat ng babae at pati na rin ang mga lalaki na nilalatigo lang ang mga babae. O kung ano-ano pang paghihirap. Mayamaya mag isang babae ang biglang nahimatay sa gitna ng pagta-trabaho. Agad itong dinaluhan ng ibang mga kasama nila para tulungan ito. "Pakiusap. Kahit tubig lang, bigyan niyo ang kasamahan namin. Buntis siya ngayon. Kahit siya lang nagmamaka-awa kami sa inyo," pagmamaka-awa ng isa sa mga kababaihan. Halos luhudan na niya ang paa ng lalaking pinagmamaka-awaan niya para lang bigyan ng tubig ang kanyang kasama.

Pero nginisian lang siya ng lalaking niluluhuran nito. "Ito ba ang kailangan niyo?" Ngising saad ng lalaki. Pinakita nito ang isang buong botelya ng tubig. Pilit itong inaabot ng babae pero tinataas lang ito ng lalaking may hawak dito. Ilang sandali lang ay tinapon ito ng lalaki sa mismong harap ng babae. Nagsitawanan naman ang mga kalalakihan sa paligid.

Napaiyak na lang ang babaeng nagmamaka-awa dahil baka katapusan na ng kasamahan niya. Nakita ni Edelyn ang lahat at kinain siya ng galit. Tubig lang ang hiningi ng babaeng lumuluhod sa harap ng lalaki pero pinagkaitan pa ito.

Nagpakawala siya ng napakalakas na hangin na talagang lalamigin sino man ang nasa paligid ay lalamigin talaga. May namuong mga yelo sa mga kamay ng lalaki at humigpit ito kaya nabitawan nila ang latigo. "Si-sino ka?" Nanginginig na saad ng mga lalaki. "Ako ang bagong may-ari ng lugar na ito. Kaya ngayon, ako ang masusunod kung hindi papatayin ko kayo," malamig na saad ni Edelyn. Kitang-kita ang takot sa mga mukha nila lalo na sa mga kababaihan.

"Lahat ng mga lalaki dito ay wala ng pamilya hindi ba?" Malamig niyang tanong sa babaeng malapit sa kanya. Nanginginig na tumango ang kababaihan kay Edelyn dahil sa takot na nararamdaman. "Kung ganoon, walang maghahanap sa inyo kapah pinatay ko kayo isa-isa," ngising saad ni Edelyn.

Mas natakot naman ang lahat ng kalalakihan sa loob. Pare-pareho silang natakot at may ilan pang nahimatay dahil lang sa lakas ng prisensya ni Edelyn. Doon nila napansin ay mataas na bakod na nasa paligid nila. Pinilit ng ipang kalalakihan na makawala sa yelo gamig ang kani-kanilang kapangyarihan pero sadyang malakas ang kapangyarihang mero'n si Edelyn kaya wala sa kanyang nakatakas.

Gamit ang hangin ay hinila ni Edelym ang lahat ng lalaki saka ito hinilera sa gitna ng lupain na sakop niya. Saka niya lang tinanggal ang lamig sa paligid at nagpagawa ng isang malaking handaan sa gitna. "Kayo, kumain kayo hanggat kaya niyo, ayoko ng mga trabahador na mapayat at walang sustansya ang katawan," malamig niyang saad sa harap ng kababaihan.

Lumiwanag ang mga mukha ng mga kababaihan saka mabilis na nagtakbuhan sa pagkain. Tinulungan din nila ang babaeng nahimatay kanina na maka-inom. Kaya mabilis itong nagkamalay. Parang naging patay gutom ang mga kababaihan dahil na rin sa paraan ng kanilang pagkain.

Ang mga lalaki naman ay nagrereklamo na sila dapat ang nakakatikim ng mga pagkaing iyon lalo na't mga lalaki sila. Nginisian lang sila ni Edelym at nilapitan. "Tutal, reklamador kayo, magpapalit na ng trabaho ang mga kababaihan dito. Kayo ang ituturing na babae at sila naman ang lalaki. Gagawin niyo lahat ng gawain ng kababaihan at gagawin ng kababaihan ang ginagawa niyo para naman maranasan niyo ang hirap nila," nakalatakot na ngumisi si Edelyn sa mga ito na siyang mas kinatakot ngga lalaki.

"Kung sakali man na gawin niyo muli ang dati niyong trabaho, makakaramdam kayo ng sakit," isa-isang nagkaroon ng curse mark ang mga lalaki sa kanilang mga kamay. "Mas malala ang ginawa, mas malala ang sakit," ngising saad ni Edelyn. "Ba-bakit mo ba ito ginagawa? Wa-wala namang kwenta ang ang mga baba-" hindi na natuloy ng lalaki ang kanyang sasabihin ng bigla siyang makaramdam ng kirot sa ulo. Ngumisi naman si Edelyn dahil mabilis na gumawa ng curse mark niya.

"Sinabi ko na sa iyo, makakaramdam ka ng sakit hindi ba? Ayaw mo kasing makinig iyan tuloy, nasaktan ka. Wag kang mag-alala dahil sandali lang naman iyan," ngsing saad ni Edelym saka bumalik sa harap ng mga kababaihan. Pinuntahan niya ang babaeng kaninang nahimatay.

Hinarangan ng iba ang babae para protektahan pero nginitian kaagad sila ni Edelyn. "Wag kayong mag-alala, hindi ko siya sasaktan," malumanay na saad ni Edelyn. "Bakit ka namin paniniwalaan? Isa ka ring lalaki hindi ba? Kahit kami na lang ang saktam mo at 'wag ang kasama namin, ayos lang," detetminadong saad ng isa sa mga babae. "Sino bang nagsabi sa inyong lalaki ako?" Ngisi niyang tanong.

"May kapangyarihan ka kaya isa kang lalaki," ngumiti si Edelyn saka tinanggal ang hood niya at ang kanyang voice changer. Nagulat ang lahat ng makitang isang babae ang kaharap nila ngayon. "Hindi ako lalaki. Kinakailangan ko lang magpanggap bilang lalaki matakot dila sa akin. Wag kayong mag-alala hindi ko siya sasaktan," ngiting saad ni Edelyn. Nagdadalawang isip man, ay pinadaan ng iba so Edelyn papunta sa babaeng nahimatay.

Mabilis niya itong chineck para makpirma ang hula. "Isang buwan ka ng buntis. Sinong ama nan? Hindi kayo nakakalabas dito hindi ba?" Takang tanong ni Edelyn. "Ginahasa siya ng dating may-ari ng lupain na ito at pagkatapos ay sapilitang pinagtrabaho pa ng mas mabibigat ng malaman nitong buntis siya. Gusto ng matanda na makunan ang kasamahan namin," malungkot na sabi ng isa sa mga babae.

"Pinapangako kong hindi na iyon mauulit dahil simula ngayong araw, ang trabaho na ng mga kalalakihan ag gagawin niyo at sila naman ang gagawa ng mga gawain niyo. Saktan niyo sila gaya ng pananakit nila sa inyo. Ipadama niyo sa kanila ang sakit na naramdaman niyo, nasa likod niyo lang ako," ngiting saas ni Edelyn.

"Simula din ngayong araw, makakakain na kayo ng tatlong beses sa isang araw," lahat naman ay natuwa sa sinabi ni Edelyn. Nakaramdam din sila ng kaginhawaan.

--*--

Violet_Ybrehl07

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon