9: Lot

5.5K 325 10
                                    

"Itong lugar na ito ang magiging santuaryo pansamantala ng mga kababaihan hanggat hindi pa nila napapatunayan ang sarili nila sa akin,"

-Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 9: Lupain

Gaya ng una siyang pumunta doon, puro matang may paghanga ang sumalubong sa kanya sa paglapag niya pa lang para pumasok sa DMH. Walang pakialam at dere-deretsong pumasok si Edelyn sa loob. Maingat niyang nilapag ang tatlong botelya ng Saimor Fairy's Tears. Nanlaki ang mata ng pinuno ng DMH.

Hindi niya inakala na kaya itong makuha ni Edelyn sa loob lang ng isang araw. Alam ng lahat kung gaano kahirap makuha ang mga luha ng Saimor Fairy. Una sa lahat, mailap sila sa mga tao. Pangalawa, kahit makahuli ka, mahirap magpa-iyak ng mga ito. Pangatlo, kung umiyak sila ng hindi nila gusto o hindi boluntaryo, malaki ang magiging epekto nito sa paggagamitan.

Sa mga tao, isang sangkap ng medesina ang Saimor's Tears. Kaya nitong magpagaling ng kahit anong sakit basta maayos mo itong nagawa. "S-sandali lang, ihahanda ko lang ang 100 milyong ginto. Dadagdagan ko pa ng 50 milyong ginto dahil mabilis mong natapos ang misyon," natatarantang saad ng namamahala ng DMH. Ilang sandali pa ay naglabas siya ng parihabang papel kung saan nakasalansan ang mga ito sa 25 milyong ginto. "Maaari mo iyang ideposito sa bangko," saad ng Namamahala. Walang sabi-sabi ay kinuha ito ni Edelyn saka ngumisi. "Til next time," walang emosyong saad ni Edelyn saka tumalon pasaky kay Blue.

"Gaano kalaki ang agwat ng isang 10th Grade Summoner sa 9th Grade?" Takang tanong niya. Chineck niya ang mga luha at doon ay isang patak lang nito sa kanya ay guminhawa na ang pakiramdam niya. "Hindi naman ito peke kaya worth it na ang 150 milyon sa tatlong botelyang ito," saad niya.

--*--

"Saan tayo ngayon Master?" Tanong ni Blue. Habang lumilipad sila sa himpapawid. "Kailangan nating bumili ng lupa. Kahit mga tatlong Ektarya lang," saad ni Edelyn. May pinaplano na naman siyang gawin para sa susunos niyang hakbang. Lahat naman ay umaayon sa kanyang plano.

"Master, iyon ata ang tamang lugar para sa gusto niyong gawin," may tinuro si Blue na isang lalaking medyo marungis na. Ngumisi naman si Edelyn kaya inutusan niya si Blue na lumapag. "Ihjo, bilhin mo na ang lupang ito kasama ang mga babaeng alipin ko. Mahigit tatlong daang alipin ang nagta-trabaho dito ng libre. Kailangan ko lang ng pera ngayon," nagmamaka-awang saad ng lalaki. "Magkano ba ang lupain mo?" Malamig na saad ni Edelyn.

"Isang milyong pilak lang," saad ng matanda. Napayukom naman si Edelyn ng kamao dahil nakaramdam siya ng matinding galit sa matanda.

'Isang milyong pilak? Para sa lupain at tatlong daang babaeng nagta-trabaho sa loob? Parang ang lupa lang ang binili kong ganoon. Napakababa ng halaga. Hindi pa yan sapat para sa tatlong daang babae na nasa loob ng lupain na iyan. Kung ibebenta ang mga taong nasa loob ang liit ng halaga. Anong akala nila sa mga babae? Walang halaga?' Inis na sabi ni Edelyn sa isip. "Sampung milyong ginto, babayaran kita ngayon din pero may kundisyon akong ipapapirma sa iyo," malamig na saad ni Edelyn. Pinipigilan niyang magalit sa lalaki lalo na't gusto niyang makuha ang lupa na ito.

Parang nagningning naman ang mata ng matanda dahil sa narinig na halaga ng sinabi ni Edelyn. "Ano iyon?" Tanong ng matanda. "Hindi mo na pwedeng bawiin sa akin ang lupa na ito kahit anong mangyari sa iyo," nabasa ni Edelyn ang isip ng matanda. Kapag naka-ahon na sila, tutubusin niya ang lupa sa mas malaking halaga.

Napalunok naman ang matanda. Nate-tempt siya sa offer ni Edelyn lalo na't sobra-sobra ito sa kaylangan niya. Mas nagulat siya ng biglang may papel na lumabas mula sa mga daliri ni Edelyn na puno ng kapangyarihan. "Isa itong kontrata na karma ang kapalit kapag may partidong lumabag sa kasunduan. Simple lang naman sng kundisyon ko hindi ba?" Malamig at nakakatakot na saad ni Edelyn. Tumango naman ang matanda saka kinuha ang kontrata

Hindi niya na ito binasa saka ito pinirmahan ng walang alinlangan. Kumuha ng isang maliit na pouch si Edelyn saka ito binigay sa matanda. "Isa iyang magical pouch kung saan nandiyan na ang sampung milyong ginto. Ang dapat mo lang gawin ay dukutin ito gamit ang kamay. May nakasulat sa harap kung ilang ginto ang nariyan," pinakita ni Edelyn ang numero na nasa harap nito. Kumuha siya ng isang ginto kaya ang numero sa pouch ay nagbago.

"Nakalagay diyan kung ilan na ang nakuha mong ginto. Ibibigay ko iyan kasama ng bayad ko sa iyo," ngumisi naman ang matanda saka hinablot ang pouch at tumakbo papalayo. Pero nagulat na lang siya ng hindi siya makagalaw pagkatapos ng ilang hakbang. "A-anong?" Takang tanong ng matanda.

"Nakuha mo ang pera pero hindi mo binigay ang titulo kaya hindi ka makaka-alis dito hanggat wala sa akin ang titulp ng lupa. Tatakas ka pa ahh," malamig na saad ni Edelyn. Nilapitan niya ang matanda at kinapkapan doon ay nakuha niya ang titulo pero bago pa makagalaw ang matanda, kinuha ni Edelyn ang kamay ng matanda at saka nilagyan ng kulay ang hinlalaki nito saka dinikit sa kontrata.

"Hindi ako tanga para hindi malamang hindi ito ang tunay mong pirma," malamig na saad ni Edelyn. Doon lang nakagalaw ang matanda saka ito takbo ng mabilis.

"Blue, lagyan mo muna ng bakod gamit ang iyong yelo ang huong paligid ng nasasakupan ng lupaing ito. Hindi ko akalaing limang ektarya pala ang nabili ko," ngising saad ni Edelyn. Mabilis namang sumunod si Blue saka ito lumipad at nagtayo ng mataas na bakod sa paligid ng limang ektaryang lupain.

"Itong lugar na ito ang magiging santuaryo pansamantala ng mga kababaihan hanggat hindi pa nila napapatunayan ang sarili nila sa akin," saad ni Edelyn sa sarili.

Ilang sandali pa ay nagpakita sa kanya si White na may ngiti sa labi. "Master tapos ko na po ang pinagagawa niyo. Hindi ko alam na ganoon pala kayo kalakas, nakaya kong kumuha ng sapat na enerhiya mula sa inyo para mas mabilis na maayos ang kahariang gusto niyo," masayang saad ni White.

"Kaya mo pa bang gumawa ng isa pang creation?" Tanong ni Edelyn. "Kumg may sapat kang enerhiya kayang-kaya," tugon naman ni White. Ngumiti naman si Edelyn at magsimulang mag-utos kay White.

--*--

Ang hirap pala bumalik. Inabot ako ng siyam-siyam para lang matapos ang isang chapter na ito. 😭😭😭. Anyways, I'M BACK!

Violet_Ybrehl07

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon