6: West Mansion

6K 315 5
                                    

"Illusion Activated"

Edelyn Flair Fugoso

Kabanata 6: West Mansion

Hindi pa makabalik sa diwa niya si Jen sa nangyari ay nagulat na lang siya ng biglang bumagsak na naman ang katawan ni Edelyn. Mabilis niya itong tinayo at saka ginising pero walang nangyari. Bigla namang lumitaw si Blue saka binaba ang isa niyang pakpak para makataas sila ni Edelyn.

"Masyado niyang ginamit ang kapangyarihan niya kaya siya nahimmatay. Hindi kinaya ng mahinang katawan ni Master ang lakas ng taglay niyang kapangyarihan. Kakatangal lang ng lason sa loob ng katawan niya kaya iyan ang naging resulta," paliwanag ni Blue.

"Hayaan mo siyang magpahinga. Ako ng bahala sa pagpunta niyo sa West Mansion," saad muli ni Blue. Tango naman si Jen saka sinakay si Edelyn sa kanyang likod at sumakay sila kay Blue.

Ilang sandali pa narating na nila ang West Mansion. May bahagi ng Mansion na ito ang gumuho na. Maraming tipak ng mga bato sa paligid isama pa ang mayayabong na damo. Mapapansin din na kulang ang bubong sa itaas ng Mansion at sira pa ang mga bintana. Butas-butas ito kasama pa na sira ang pinto. Inalalayan naman ni Jen si Edelyn papasok ng Mansion at nakitang mas malala pa ang itsura ng loob ng Mansion kaysa sa labas. Tuklap na ang sahig, ang mga cabinet ay sira ang mga layer, ang lamesa at upuam ay kulang ng base, ang mga kurtina ay punit-punit at sira-sira. Kahit ang malaking kama ay butas din at aakalain mong lulundo na ito. May basa pa sa loob at napakabaho ng paligid. Maganda sana ang bahay dahil sa may paka-acient korean Mansion ang itsura nito kaso dahil na rin sa sira kaya siya maituturing na pangit sa mata ng lahat.

Hindi maintindihan ni Jen ang kinikilos ng kanyang pinaglilingkuran pero malaki ang tiwala niya dito. Alam niya na may plano ang kanyang prinsesa kaya siya pumayag na manirahan sa hindi na mapapakinabangan pang bahay. "Ayos lang ba kung iiwan ko na kayo dito?" Tanong ni Blue. "Maraming salamat Ginoong Blue. Hihintayin ko na lang muna siyang magising," saad ni Jen.

Tinitigan namam siya ni Blue saka ito umihip ng medyo malakas na hangin. Ang hangin ay naging solidong yelo na may porma ng kama. Mayroon din itong kumot, unan, at kutson. "Diyan mo na pahigain si Master, mamaya-maya lang magigising na siya," saad ni Blue kasabay ng kanyang paglaho.

Doon naman ay maingat niyang inihiga si Edelyn sa kama saka niya ito inantay na magising.

--*--

Gabi na ng magising Edelyn dahil na rin sa pagod. Tumayo siya sa kama saka hinila ang gown na suot niya para maayos na makatapak sa lapag. Nakita niya si Jen na natutulog sa gilid ng Yelong Kama kaya dahan-dahan niya itong inhiga sa kamang pinagtulugan niya.

Pinagmasdan niya ang paligid at nakitang napakarumi dito. Mabilis naman siyang naka-isip ng paraan kaya hinayaan niya ang sarili na nakatayo kasabay ng kanyang pagpikit at pagko-consentrate para makapasok sa dati niyang bagay.

Pumunta siya sa Third Floor ng Mansion at binuksan ang pinakadulong pinto. Doon ay bumungad sa kanya ang isang malaking puno na may maraming kulay. Nagniningning ang mga dahon nito at makakaramdam ka kaahad ng kaginhawaan sa pagpasok mo pa lang dito.

Agad siyang sinalubong ng mga Saimor Fairy. "Fairies, kailangan ko ng tulong niyo," saad ni Edelyn. "Ano po yun master?" Saad ng isang Fairy. "Kailangan ko sana ng luha niyo at tulungan akong ayusin ang bago kong tutuluyan," saad ni Edelyn.

Mayroon siyang mga alagang Saimor Fairies. 50 ang mga ito na nangangalaga ng puno na muntik ng putulin ng mga tao sa kanyang dating mundo. Pero siya ang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy. Nilipat niya ito ng may mas magandamg lugar pero tago. Doon na lumabas ang mga Saimor Fairies para magpasalamat na nagkataon na ang punong iyon ang kanilang tirahan. Nakiusap naman ang mga ito na isama na lang niya silang lahat kapalit ng pagiging isa nilang alagad ni Edelyn.

Nung una ay hindi siya pumayag pero sa huli ay pumayag din siya. Doon ay nilagay niya ito sa kwarto kung nasaan siya ngayon para magimg ligtas ang mga ito. "Ilang botelya po ba ang kailangan niyo?" Tanong ng pinaka-leader ng mga Saimor Fairies. "Tatlo," saad niya.

"Master, kinalulungkot ko pero dalawang botelya pa lang ang nagagawa ng lahat. Dahil nga da lahat sila ay masaya, hindi nakaka-iyak ng maayos ang mga Saimor Fairies," paliwanag ng leader. "Ganoon ba? Okay na iyang dalawang botelya, tulungan niyo na lang akong ayusin ang bago kong titirhan," ngiting sabi ni Edelyn. Unti-unti niyang pinalabas ng kanyang isip ang mga Saimor Fairies. Nagulat ang lahat dahil na rim sa napakalalang itsura ng buong paligid.

"Magpahinga ka na Master, kami ng bahala dito dahil madali lang itong gawin," saad ng leader. "May maitutulong ba ako?" Tanong ni Edelyn. "Wala na Master, magpahinga ka na lalo na't gabi na," saad pa ng leader.

Tumango naman si Edelym bilang pagtugon. Ilang sandali pa ay may namuong liwanag sa gitna ng West Mansion. Pumalibot doon ang mga Saimor Fairies hanggang sa lumaki ito ng lumaki. Ang malaking liwanag na nasa gitna ng West Mansion ay biglang naglabas ng iba't ibang makulay na usok.

Naglalabas din ito ng napakabagong amoy na kumakalat sa paligid ng lugar. Hanggang sa lamunin na ng usok ang paligid at wala ng nakita si Edelyn. Lumabas din ang usok hangganng sa lamunin din ang buong paligid ng West Mansion. Wala kang makikita kundi ang mga makululay na usok na nakapaligid dito.

Namangha naman si Edelyn ng mawala ang usok na iyon dahil naayos ang buong paligid. Naging kaaya-aya ang mga gamit at nakita niyang wala ng mga sira ang buong paligid. Mayroon na ring ilaw na nagpaliwanag sa buong paligid.

"Master, ito na po ang dalawang botelya ng aming mga Luha," saad ng pinaka-leader ng Saimor Fairies. Agad namang ngumiti si Edelyn at kinuha ang dalawang botelya. "Maraming salamat sa tulong niyo," ngiting saad ni Edelyn. Mabilis namang nagsi-bow ang mga Saimor Fairies saka ito nawala na parang bula.

"Isa na lang ang kulang," saad ni Edelyn. Pumikit siya saka hinayaang makakuha ng sapat na enerhiya sa paligid hanggang nakagawa siya ng isang malaking puting bola ng enerhiya. Agad niya itong binagsak sa sahig at inabsorb naman ito. "Illusion Activated," mabilis niyang Chant.

"Lahat ng makakakita ng lugar na ito ay makikita ang dati nitong itsura maliban sa akin kay Jen at sa mga taong papayagan kong makita ang totoo niyang itsura," saad muli ni Edeyln. Doon ay nagliwanag muli ang paligid at tila binalot ito ng malakas na kapangyarihan.

--*--

Metamorphosis PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon