Prologue

12.4K 257 9
                                    

                  

             Lakad takbo ang ginawa ko habang hilam nang luha ang aking mga mata ng makababa na ako sa sinakyan kong tricycle.  Dito sa isang pampublikong hospital kung saan isinugod ang aking nanay dahil ang text message sa akin ng aming kapit bahay nagsuka daw sya ng dugo. Agad akong nagpaalam sa food chain na pinagtatrabahuan ko ng makarating sa akin ang balita. Ni hindi na nga ako nakapag palit ng uniform.






                     Ano ba itong nangyayari! Isang buwan na kasi hindi gumagaling ang ubo ni nanay.. Sana maayos lang sya,sana walang masamang nangyari sa kanya. Enrollment na next week kahit papaano may naitabi na akong pang enroll ko. Last year ko na rin sa kurso kong education sobrang nagsusumikap talaga ako,gustong gusto kong makapag tapos nag pag aaral gusto kong mai ahon sa hirap ang aking pamilya. Kaya isa akong working student,tyaga lang makakapag tapos din ako.







                  Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo patungo sa sinabi ni aling meling na pinagdalhang kuwarto ni nanay.. Nabahala tuloy ako bakit kuwarto may ward naman.  Nang mahanap ko na ang nasabing kuwarto ay hindi na ako nag abalang kumatok pa,mabilis kong itinulak ang pintuan at nanlumo ako ng makita ko ang nanay ko nakahiga ito sa higaan may nakakabit ng swero sa kanang pupulsuhan nito at naka oxygen pa.






              "Abby.." Wika ni aling Meling nakaupo ito sa isang mono block chair. Asan na naman kaya yung kuya ko at hindi sya ang nag babantay dito. Nakakahiya naman kay aling Meling. "Sabi ng doctor may tuberculosis daw si Thelma." Napasinghap ako sa sinabi niya. Sobrang payat na kasi ni nanay tumatanggap pa ng kung ano anong trabaho para kumita. Yung kuya ko naman kasi,sya ang malaki ang katawan pero napaka batugan kapag may pera pinang iinum lang ng alak.






             Lalo tuloy akong napahagulgol,okay lang naman kahit walang pera ang gusto ko lang malusog kaming pamilya. Kaya lang hindi naman natin masasabi kung anong mangyayari. Niyakap ko si nanay habang tulog. Mahal na mahal ko ang nanay ko sya na lang ang magulang ko dahil maaga kaming iniwan ni tatay.






                "Ang sabi ng doctor kapag bumuti na ang lagay ni Thelma bukas pwede na syang lumabas. Kaya lang kailangan mo itong bilhin para sa nanay mo." Sabay abot ito sa isang kaperasong papel. Agad ko naman itong tinignan. Reseta ito ng doctor ayon sa pagkaka intindi ko. Mariin akong napapikit ng sandaling ito. No choice ako.. Magagalaw ko ang ipon ko sa pag eenroll mas importante na maibili ko ang mga gamot ni nanay.







              "At tsaka Abby...." Parang naalangang turan ni aling meling. "Ito kasing kuwarto na pinagdalhan sa nanay mo. P-private-" Napa singhap ako sa tinuran nito. "2,500 ang isang araw. Wala na kasing bakante para sa nanay mo. Alam mo naman sobrang dami ng pasyente dito.." Oh God.. May choice pa ba ako.  Asan ba kasi ang magaling kung kuya di man lang ako matulungan sa bayaran dito. Kanino kaya ako pwedeng manghiram kung sakali magkano yung mababawas sa ipon ko. Nakalaan na kasi yun! Kakakuha ko din kasi ng sahod ko sa fast food,kasama na dun sa itinabi ko at yung natira binili nang ibang mga kailangan sa bahay.









                  Iginiya ako ni aling Meling para maupo muna sa upuan na inuupuan nito kanina. Nagpaalam na rin ito dahil marami pa syang gagawin. Nagpa salamat naman ako sa kanya sa pagdala nito kay nanay dito sa hospital.  Inaabutan ko pa ito ng pamasahe pero tinanggihan naman niya,pan dagdag ko na lang daw sa gastusin ni nanay.









               Habang malungkot kung pinagmamasdan si nanay na payapang natutulog. Taimtim akong nanalangin sana may makatulong sa akin. Ayokong nahinto sa aking pag aaral. Ngayon pa ba.. Huling taon ko na.  Naisip kong e message ang classmate ko na kaibigan ko na si Christine sana matulungan ako nito.









                  "Bakit hindi mo subukan lumapit kay mayor,malay mo may maitulong sya sayo" Tugon naman nito na kinabuntong hininga ko. Wala na bang ibang malapitan,hanggat maari ayoko ng lumapit sa kanya para humingi ng tulong. Mula nung ginawa nya sa akin noon tatlong taon mahigit na ang nakakaraan. Sobrang nasaktan ako that time.









               Gusto ko lang naman sana humingi sa kanya noon ng tulong para sana sa scholarship, balita ko kasi nagbibigay ito ng scholarship sa mga gusto pang ipagpatuloy ang kanilang pag aaral kaya lang hindi na kayang tustusan ang mga gastusin. Masaya akong tumungo sa munisipyo  nung araw na yun. Sasadyain ko si mayor Gwenette Bermudez dala ang pag asang  mabibigyan nya ako ng pag asang makapag aral ng kolehiyo.  Buti naman at saktong walang lakad ngayon si Mayor at agad akong pinapasok ng bodyguard nito sinamahan pa ako ng isa sa kanila hanggang sa loob.









                   "Mayora may gusto pong kumausap sa inyo." Wika ng bodyguard nito, habang naka talikod itong naka upo sa kanyang swivel chair. Panay laro ko naman sa mga daliri ko sa kamay dahil kinakabahan ako.









                "Sino ang nag sabi sayo na tumatanggap ako ng bisita ngayon.." Seryoso nitong turan. Parang may kakaiba din sa boses nito,parang sinisipon na ewan..








               "Hello po mayora,ako nga po pala si-"









                "Get the heal out of my office.. Now!" Ma awtoridad nitong turan saka niya inikot ang upuan paharap sa amin. "Labas!!" Sabay mosyon pa ng isang kamay nito at tinuro ang pinto.  Tumitig ako sa mga mata nito,kitang kita ko ang galit sa mga namumula niyang mata tila kagagaling lang sa pag iyak.









              Kaya lang sobrang sakit ang ginawa nyang iyon. Pinagtabuyan niya ako. Bakit sya ganun! Sabi ng karamihan mabait daw sya,matulungin madaling lapitan.. Napakurap kurap ang aking mga mata at nagbabadya ang aking mga luha. Bago pa tuluyang bumagsak ang luha ko sa harapan nito. Mabilis na akong napatalikod at nagmamadaling humakbang palayo. Magmula noon nawalan na ako ng amor kay mayor, kahit ganun pa man wala naman akong pinagsabihan sa nangyaring yun.. Isang taon din akong natigil sa pag aaral dahil nag trabaho muna ako para maka pag ipon sa pambayad ng tuition ko. Kaya magpa hanggang ngayon nagsusumikap parin akong makapag tapos biglang isang working student. Kunting kembot nalang makakapag tapos na ako.



             Nancy as Abegail Concepción


             ANDo not steal my stories, plagiarism is a crime...

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon