Chapter 25

5.1K 186 1
                                    

Abegail POV

                 Lalo akong nagulat nang biglang yumakap si Bernadette sa aking tagiliran. May problema ba itong batang ito? Marahan ko namang hinaplos haplos ang mahaba nitong buhok.







              "Okay ka lang?" Hindi ko tuloy napigilang itanong.






                 "Sad lang kasi aalis na naman si DAd and hindi ko na naman alam kung kelan sya babalik dito.." Turan nang bata. Napaka mature talaga nang pag iisip nang batang ito. "Alam mo ba ate gusto nya akong isama sa States-" Wika pa nito at biglang kumalas mula  sa pagkakayakap nito sa akin. Malungkot na tumingin ito sa mga mata ko. Parang nakaramdam din ako nang lungkot ng sandaling yun.
"Kaso ayokong sumama,ayokong iwan si mommy ako na lang kasi yung kasama nya dito eh si daddy madami na syang kasama sa States." Dagdag pa nitong sabi. Buti naman at hindi sya pumayag kawawa naman si Gwen kung nagkataon.





                 Gusto kong mag comment o mag tanong sa bata kaya lang inisip ko wala akong karapatan. Napa hugot na lang ako nang malalim na paghinga.





              "Thank you ate Abby kasi nakilala ka namin ni mommy." Napa awang tuloy ang mga labi kong muling tumingin sa mukha niya. Nginitian nito ako. "Nakikita ko happy  si mommy kapag kasama ka nya!" Bigla tuloy ako napa ubo sa harapan nang bata sa sinabi nito agad kong kinuha ang basa ng juice sa harapan namin at tinungga halos maubos ko yung laman niyon. Paki ramdam ko din nag init ang magkabilang pisngi ko nang sandaling yun. "Kung saan masaya ang mommy ko masaya na rin ako." Sabi pa nito.
Inisip ko na lang na bata itong kausap ko at hindi ko pwedeng bigyan nang kahulugan ang mga sinasabi nya.






               Bigla pa itong tumayo mula sa kinauupuan niya dito sa tabi ko. "Okay lang ba itong suot ko ate para sa dinner natin mamaya?" At nag pose pa parang modelo sa harapan ko. Teka alam nya na sasama ako sa dinner nila! Maganda syempre yung suot nyang dress bagay na bagay sa kanya. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi.






              "Sobrang ganda mo." Puri ko rito. Na kina hagikgik naman nya. "Ako nga tignan mo itong suot ko  naka uniform lang ako." Sabi ko pa na kina tawa lang nito.








               "Maganda ka naman kahit anong isuot mo ate eh.." Sabi nito. Talaga hindi ba bola yun? Sabagay sabi nga nila na hindi marunong magsinungaling ang isang bata. Napa ngiti na lang din ako.








                "Let's go guys." Sabay pa kaming nagbaling nang tingin sa may hagdanan ni Bernadette. Pa baba na mula doon si Gwen, ang ganda naman niya kahit ang simple lang nang ayos nito. Naka pusod nang mataas ang buhok nito ni walang suot na make up. Naka skinny jeans lang sya at purple blouse! Hindi ko namalayang naka sunod na pala ang tingin ko sa kanya at bakit sobrang bagal nyang maglakad,sobrang bagal nang bawat kilos nya parang huminto yung oras nang mga sandaling to'











                   "Abby yang bibig pasukan na nang langaw." Si Bernadette ay tawa lang nang tawa. "Abby!!" Dun parang biglang nagbalik ako sa aking ulirat. Napatayo na pala ako at hindi ko namalayang naka lapit na pala nang husto si Gwen sa kinaroroonan namin.











                   "Halika na ate Abby,alam mo bang natulala ka kanina habang naka titig kay mommy." Natatawa paring turan ni Bernadette sa akin buti at hindi na yun narinig ni Gwen dahil nauna na itong naglakad palabas nang pintuan. Ewan ko at biglang nag init na naman ang magkabilang pisngi ko nang sandaling yun.










            Sumunod na lang kami ni Bernadette sa mommy niya,teka pala asan yung si Carl? Mukhang wala yata dito sa bahay nila o baka nauna na sa venue.









                  Mas pinili ko na lang na tumabi kay manong Nestor sa harapan para magkatabi yung mag ina sa likod.










               Naging tahimik na ang buong beyahe namin hanggang nakarating na kami sa nasabing restaurant. Mamahalin ang restaurant na pinuntahan namin,ayoko talaga sa ganitong lugar kaya wala naman akong magagawa.
"Let's go ate." Turan ni Bernadette sabay hawak sa isang kamay ko ng makababa na kami nang sasakyan,samantalang si Gwen ay nauna na itong naglakad patungo sa loob nang restaurant. Hila hila naman ni Bernadette ang kanang braso ko.











             Lihim naman akong napa buga ng hangin pag pasok namin sa loob ng nasabing resto. Ang sososyal ng mga taong kumakain dito sa loob nakakailang pumasok na ganito lang yung suot ko. Pero yung naalala ko yung sinabi ni Gwen na maganda ako pati si Bernadette nakaroon ang nang kumpiyansa sa aking sarili. Nakarating na kami sa nasabing table na naka lagay na may naka lagay na reserved,si Bernadette ay umupo nalang kung saan samantalang si Gwen ay hinila nito ang braso ko para tumabi sa kanya sa may sulok banda.












                 Tinawag nito ang isang waiter para tignan ang menu,wala pa yung Carl. Tahimik lang naman ako habang si Gwen ay abala sa pagtingin sa nilalaman ng menu. Maya Maya ay tinawag na nito ang isang waiter at nag order na. Asaan na ba yung hinihintay namin. Pasimple pang pumatong ang isang palad ni Gwen sa aking hita at marahan na hinaplos iyon sasawayin ko na sana nang biglang inalis na nito ay kanyang palad.












             "Sorry guys na late kami."  Nag angat ako nang mukha nang may magsalita. Si Carl habang inaayos ang upuan nang babaeng kasama nya? Lihim kong pinasasahan nang tingin yung babae, sexy sya at halatang may kaya din sa buhay mukhang bata pa siguro mas matanda lang konte sa akin. Hmmnnn..malayo namang mas maganda si Gwen sa kanya..











               "Oh may kasama pala tayo akala ko private dinner ito." Wika nung Carl at nag baling nang tingin sa akin. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Gwen. Mukhang mapapahiya lang ako dito mas mabuti yatang umalis na lang ako.












               "What's wrong with ate Abby DAd? She's nice and she's always there for Mom." Gosh! Paki ramdam ko pulang pula ang pisngi ko sa hiya. Si Bernadette pinagtatanggol nya ako. Nagbaling naman ako nang tingin sa katabi ko matalim ang tinging pinukol nito kay Carl.









            

             "B-boss mabuti pa siguro samahan ko nalang si mang Nestor s-sa labas." Nauutal kung turan. Nakita ko ang pagtagis nang bagang nito.










               "Alam mo Carl walang kang karapatang magpa hiya nang mga taong malalapit sa akin. Kung ayaw mong ipahiya ko din sa harapan natin yang kasama mo." Seryosong wika ni Gwen. At may naramdaman akong kakaiba sa sinabi nitong taong malalapit sa kanya. Malapit ako sa kanya! Lalo akong napatitig sa mukha nito nang hinawakan nito ang isang palad ko at pinagsalikop sa kanyang palad. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko.

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon