Chapter 6

5.8K 190 6
                                    

Abegail POV

                     Akmang tatayo na ako mula sa higaan. "Dito ka na matulog bukas ka nalang ng umaga umuwi!" Nagbaling ako ng tingin kay Gwen nakabalot ng kumot ang hubad nitong katawan at nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod nito sa headboard. Kakatapos ko lang syang paligayahin at ito palang ang pangalawang beses. Once a week lang yata ang gusto niya at every Saturday night. Pasukan ko na sa lunes at sobrang excited na akong pumasok.





                      Matapos ko syang tignan tuluyan na akong tumayo di alintana ang hubad kong katawan,hahagilapin ko na sana yung mga damit. "Sobrang lakas ng ulan sa labas, kaya dito ka na magpa lipas ng magdamag." Mariin naman akong napapikit sa tinuran nito. Oo boss ko sya kaya lang hindi naman sa lahat ng pagkakataon susundin ko sya,walang kasama si nanay sa bahay.







                   "Iniisip ko kasi si nanay ko boss!" Katwiran ko pero malumanay naman ang pagkaka sabi ko.. "Baka mag alala sya kung hindi ako umuwi." Dagdag ko pa at nag aalala din ako baka wala na naman kasi yung kuya ko.






                  "Tawagan mo.. Sabihin mong pinapasabi ko na dito ka nalang matulog-"







                   "Wala po syang cellphone." Putol ko sa sinasabi nito.. Narinig ko naman ang marahas nitong pagbuntong hininga.





              "Gosh.. Bibigyan kita ng pambili ng phone nya bu-"






               "Hindi rin lang sya marunong gumamit.." Interrupt ko na naman sa sinasabi nito na kina ngiwi ko. Bakit ba kapag sa kanya hindi ko sya mapigilan na hindi sagutin.





                  "Look Abby.. Hindi ka na bata,alam naman siguro ng nanay mo na dito ka pumunta.. At tignan mo sobrang lakas ng ulan,hindi na rin ako makaka payag pauwiin kita na ganyan ang lagay ng panahon.." Litanya nito na medyo kina taas na ng boses nito.. Hindi na lang ako kumibo at tinungo ko kung saan nakalagay ang aking bag,tawagan ko na lang ang kuya ko baka sakaling nasa bahay ito.








                  Buti naman at nagring agad ang number nya.. "Hello kuya nasa bahay ka ba?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng sinabing umuwi nga daw ito ng bahay.. "Paki sabi nalang kay nanay na bukas na lang ako uuwi. Hindi kasi ako pinayagan ni m-mayor.." Sabay baling nang tingin ko kay Gwen. Nakatitig din pala ito sa akin habang naka halukipkip ang mga braso sa ilalim ng kumot nito. "Oo nga kuya sobrang lakas kasi ng ulan.. Sige paki sabi nalang kay nanay huwag na syang mag alala." Turan ko habang nakatitig parin akin ako sa mukha ni Gwen. Nasanay naman na akong tumitig sa mukha niya..






                 Natapos na ang tawag at muli kong isinilid ang phone ko sa aking bag.






                      "C'mon matulog na tayo!" Turan nito sabay tapik sa bakanteng pwesto ng kama.. Matutulog ako sa tabi niya?






                "S-sa may couch na lang ako,pahiram na lang ng pantulog-"






                 "Abby!! Huwag matigas ang ulo dito ka sa tabi ko matulog,sobrang luwang dito oh! At huwag ka nang mag damit ganyan ka na.. Makapal tong kumot magiging komportable ka.." Turan pa nito.. Wala na naman akong nagawa at sumunod na lang sa gusto niya.  Marahan akong umakyat sa higaan,inayos naman nito ang gamit niyang kumot at ikinumot sa katawan ko. Ano bang dapat na posisyon kong matulog, tatalikuran ko ba sya.







                     "Maaga ka tumungo dito sa Saturday may pupuntahan tayo." Sabi nito kaya nag baling ako ang tingin sa mukha nito. Nakasandal parin ang likod nito sa headboard ng kama at nakatingin sa kawalan.  "Wala ka naman sigurong gagawin.." Saka sya nag baling ng tingin sa akin. "Kasama natin si Bernadette.." Tukoy nito sa pangalan ng kanyang anak. Marahan na lang akong napatango sa sinabi nito.. "Don't worry dagdagan ko ang bayad ko sayo.. Baka kasi Sunday morning na tayo makaka balik." Inayos na nito ang kanyang pagkaka higa at tumalikod sa akin.






                Matutulog na siguro sya.. Bigla naman akong napahugot ng malalim na paghinga. Ewan ko ba pero parang nasaktan ako sa sinabi nitong may dagdag yung bayad nya sa akin sa sabado. Ganun ba talaga ang mayayaman pera na lang lagi ang pinapa iral. Yan tuloy parang wala silang mga kaibigan. Mga katulad kasi nila hindi sila agad agad nagtitiwala.







                   Nilingon ko sya.. "Goodnight Gwen." Hindi ko napigilang hindi sabihin. Bago dahan dahang napatalikod din sa kanya. Alam ko namang hindi nya yun tutugunin.





                "Goodnight too.....Abby.." Mahina man pero dinig ko ang sinasabi nito.. Hindi ko tuloy maiwasang napangiti ng sandaling yun bago ko inayos ang pagkaka kumot ng aking katawan. Sana pwede kaming maging magka ibigan kaya lang alam ko namang malabong mangyari ang bagay na yun. Isa lang akong alipin. 







                Ipinikit ko na ang aking mga mata ng maramdaman ko na ang antok. E feel ko muna tong masarap at malambot na higaan dahil sa bahay. Papag lang ang higaan ko at walang kutson.









                     "Hmmmnnn.." Napaungol ako ng mahina habang yakap yakap ko ang unan ko. Sarap naman yakapin ng unan ko sobrang lambot at sobrang bango.. Amoy baby.. Amoy..... 'GwenTeka! Kinakapa kapa ko ang unan hanggang may narinig din akong mahinang ungol pero hindi sa akin galing yun. Bigla akong napamulat ng mata.






                  Nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto kong yakap yakap ko pala si Gwen mula sa likuran at nakadikit pa  ang ilong ko sa batok nito at hawak hawak ng palad ko ang dibdib niya. Mukha namang himbing na himbing ito sa pagtulog. Shit ang sarap nyang yakapin,mainit ang balat niyang tumatama sa balat ko. Kikilos na sana ako para lumayo sa kanya pero bigla nitong hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kanyang dibdib. Gising sya lagot!! Hindi niya binibitawan ang kamay ko habang unti unti itong kumilos at humarap sa akin. Nagtama ang aming mga mata.. Lights on eh,hindi yata ito natutulog na naka off ang Ilaw.







               "I- I I'm sorry.. Akala ko k- kasi unan yung niyakap ko." Kinakabahan ako habang nag ipapaliwanag baka kasi mamaya paparusahan na naman niya ako. Ang ganda ganda parin nito kahit bagong gising.. Wait anong oras na kaya? Mukhang tumila na rin ang ulan. Hindi ito kumikibo ng bigla na nitong binitawan ang kamay ko at hinawi nito ang kumot kitang kita na naman ang hubad naming katawan.







                "Halika ka na sabay na tayong maligo.." Ma awtoridad nitong turan at tuluyan ng bumangon mula sa pagkakahiga.  Para naman akong nanghinayang ang ganda kasi ng ayos namin kanina.. Napabuga nalang ako ng hangin.. "Abby!!!" Nagulat na naman ako ng bigla nyang isigaw ang pangalan ko. Nangangahulugan lang nun na sumunod na ako sa kanya..

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon