Chapter 20

5.5K 181 4
                                    

Abegail POV



                     Saan naman sya matutulog dito aber?  Alangan naman na dito sa kuwarto ko- "Bakit kasi hindi ka nalang umuwi pagkatapos nang dinner?" Pagtataboy ko rito habang nasa kuwarto parin kami at napa halukipkip pa ako. Hininaan ko lang yung boses ko para hindi ako marinig ni nanay.









                    "Nagpa hatid lang ako kay manong Nestor at bilin ko bukas nalang niya ako susunduin nang umaga.. At tsaka wala akong dalang phone." Sabay kindat pa nito sa akin,sa huli nyang sinabi. Sinadya nyang hindi magdala nang phone. Kainis talaga tong dragon na to. "May dala din akong pantulog at bihisan ko bukas." Dun ko lang napansin ang isang branded na traveling bag na nasa sulok ng kama.  Napa awang tuloy ang labi kong nagbaling ulit nang tingin sa kanya.
Hibdi talaga ako makapaniwala sa dragon na ito!







                    Pinaikot ko ang eyeballs ko,may magagawa pa ba ako. Tiyak nagpaalam na din ito kay nanay. Kaya pala nagmamadaling pumunta sa palengke ang nanay ko kanina. Nagpasya akong maligo na lang muna para mahimasmasan ako sa inis kong nadarama. Dinampot ko na ang tuwalya kong naka hang sa likod nang pinto.








                "Maliligo muna ako." Walang gana kong turan at binuksan ko na ang pintuan ng kuwarto. Hindi naman ito kumibo kaya tuloy tuloy na akong tumungo sa may banyo na nasa bandang kusina. Mukhang patapos na rin si nanay sa kanyang ginagawa mukhang tatlong klase nang ulam ang hinanda nito. Hindi ko na lang ito inabala at nag tuloy na ako sa loob nang banda.








                   Habang nagbubuhos ako nang tubig sa hubad kong katawan gamit ang tabo pinoproblema ko parin yung dragon kong boss. Kaya lang parang sumaya naman itong puso ko dahil nandito sya ngayon sa bahay namin. Kampante ako na nakikita ko sya. Na hindi nya kasama yung asawa nya.  Pwede naman syang matulog sa kuwarto ko sa may sala nalang ako maglalatag. Or sa may  sofa kasya naman ako.








                     Pagkatapos nang bente minutos tinapos ko na din ang aking pagligo. Pagkatapos punasan ng tuwalya ang basa kong buhok agad ko itong pinulupot sa aking katawan at nagpasya na akong lumabas nang banyo. Naalala ko dapat pala kumuha na lang ako nang pamalit at sa cr na lang ako magbihis.. Hayaan mo na nga. Paglabas ko ay wala naman na si nanay dito sa kusina mukhang tapos na ito sa pagluluto. Diritso na akong naglakad sa may sala.







               Napa kunot noo ako nang wala din si nanay sa sala,baka nasa kuwarto nya. Eh yung dragon alangan nasa kuwarto ko parin. Napailing na lang ako bago binuksan ang pintuan nang kuwarto. Lalong naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Gwen na naka relax habang nakahiga sa ibabaw nang kama ko at nagbabasa nang libro. Libro ko yun.
Napatikhim naman ako.








            "Excuse lang po boss baka pwedeng magbihis muna ako." Turan ko habang nakatayo sa harapan ng kama. Kaya lang hindi man lang ito kumikilos mula sa pagkakahiga.
"Gwen naman lumabas ka muna please!" Naiirita ko nang turan.







               "Magbihis ka lang kasi nakita ko naman-"








                "Gwen.." Putol ko sa sinasabi nito,baka mamaya marinig nang nanay ko.








                 "Fine.. Heto na babangon na." Natatawa naman nitong turan. "Wala naman si nanay ah,lumabas sandali may bibilhin daw sa tindahan. Ako na sana kaso ayaw naman nya akong palabasin." Turan nito at tuluyan nang tumayo. Inirapan ko naman ito bago tinungo ang closet para kumuha nang maisusuot.







                "Gosh!" Nagulat pa ako nang bigla nito akong yakapin mula sa likuran. "Hmmnnn-" ungol ko nang gawaran ako nang mainit na halik sa leeg ko patungo sa aking balikat. "Gwen.."









                "I can't wait babe.." Anas nito bago nya ako binitawan. Alam ko namang labag sa loob nito kaya lang hindi pa kasi talaga pwede.  Mariin naman akong napapikit bago ko narinig ang pag bukas at pagsara nang pinto. Nagbihis na lang ako nang pambahay at nagmamadali narin akong lumabas nang kuwarto nang maulinigan kong dumating na ang kuya ko at kausap nito si Gwen. Ewan ko ba para akong tanga,ayoko syang may kinakausap na iba lalo pag lalaki..








                 "Kumain muna tayo bago yan Alfred.." Turan ni nanay.. Napa taas naman ang isang kilay ko nang makita kung ano ang hawak hawak nang kuya ko. Isang bote nang brandy.









                  "Huwag mong sabihin kuya na yayain mong uminum itong si boss!" Wika ko naman. Naniniguro lang naman ako.









             "Hindi ah,sya itong nag aya sa akin. Inutusan nya akong bumili nito." Kunot noo tuloy akong nagbaling nang tingin kay Gwen. Ibig sabihin kanina pa dumating ang kuya ko! Malamang nung naliligo siguro ako.  Napailing na lang ako. Itong nanay ko todo aya na sa may hapag.. Kaya  agad na kaming tumalima. Hinila naman ako ni Gwen para mag tabi kami nang upuan at sa kabilang side naman si nanay at si kuya ko.
Wow! Sarap naman nang pagkain puro favorite ni Gwen, lakas talaga nito sa nanay ko.









                 Pinagsilbihan ko naman ito kahit todo tanggi. Bisita namin ito at boss ko parin sya kaya hinayaan nalang nya ako. Ewan ko ba bakit hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko na andito sya ngayon sa bahay namin. Ang isang mayor Gwenette Bermudez kasalo naming kumain ng pamilya ko ni hindi kinikitaan nang arte sa katawan.










                      Nang matapos na silang nag inuman nang kuya ko,hinanda ko naman na ang tulugan nito habang naglilinis sya nang katawan sa may banyo.. Halos nakalahati lang naman nila ang laman nang bote. Kwentuhan lang sila kung ano ano na parang magbarkada lang. Pinalitan ko lahat yung bedsheet kumot at punda nang unan nakakahiya naman kasi.










                  Naka bathrobe itong pumasok sa loob nang kuwarto habang tinutuyo nito ang buhok gamit ang tuwalya kong ginamit  kanina,lihim naman akong napalunok. Nagagaya na yata ako sa kamanyakan nito.







              "Ah- sige maiwan na kita la-lalabas na ako." Nauutal kong turan saka ako natatarantang tumungo na sa pintuan ng kuwarto.








               "Saan ka pupunta?" Bigla nitong hinablot ang kaliwang braso ko. "Dito ka lang hindi ka pwedeng matulog kung saan na hindi mo ako katabi." Seryoso nitong turan.  Napatitig tuloy ako sa mga mata nito nang marahan nitong haplusin ang aking pisngi. Mabilis na dumukwang at siniil ng halik ang mga labi ko. Pakiramdam ko parang biglang kumulo ang tyan ko nang sandaling yun..

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon