Chapter 19

5.6K 180 4
                                    

Abegail POV

                      Marahan kong hinawakan ang labi ko,pakiramdam ko naiwan ang mga labi ni Gwen,ang sarap ng labi nya nakakaadik halikan.Pagkatapos naming mag usap kanina, pinahatid na nya ako sa isa sa mga driver nila. Hindi ko naman na nakita ang mag ama bago ako umalis. Sabi pa ni Gwen 'Just wait for my call' hamp!! Napa simangot tuloy ako, alam ko namang magiging busy sya ngayon dahil andyan yung asawa nya. Kaya lang wala nanan syang nabanggit... Sabagay sino ba naman ako alapin lang nya ako. Marahas kong hiningang turan sa sarili ko.
                   "Abby.. Kamusta yung lakad mo kila Gwen?" Pinilig ko ang ulo ko dito sa may sofa. Inookopa lang nang inookopa ni Gwen ang isip ko. Yung mga ngiti nya sa akin,yung mga halik nya,yung pag angkin niya- "Abby..."










                  "Ay kalabaw!!" Bulalas kong gulat. Tong nanay ko bigla na lang humihiyaw hindi naman ako bingi. "Nay!" Reklamo ko pa.








              "Kanina pa ako salita ng salita dito.. Hindi ka nakikinig. Tinatanong kita kong kamusta yung lakad mo kila Gwen!" Nakapamewang na ito sa harapan ko. Napangiti naman ako nang makitang malaki na ang pagbabago ng katawan ni nanay. Hindi na kasi namin pinapayagan ni kuya na magtrabaho ng mabibigat. Okay lang yung magluto maglinis ng bahay.  Ngunit yung ibang mga gawain tulad ng paglalaba kami na ni kuya ang gumagawa. May washing machine naman na galing kay Gwen.









            "Naku Abegail malala ka na.. Kanina tulala ka ngayon naman ngumingiti ka mag isa. Sabihin ko nga kay Gwen dalhin kana namin sa mental." Grabe naman tong nanay OA masyado.







              "Masaya lang ako nay dahil nakaka recover na kayo." Turan ko naman. "Yung lakad ko pala ayos lang po.. H-hindi ako nakapag tutor dahil busy sila boss. D-dumating kasi yung asawa nya alam nyo na family bonding." Bigla naman akong nag baling sa ibang direksyon, nag iinit kasi bigla ang sulok nang aking mga mata. Ewan ko ba bakit ako nasasaktan.








                "Talaga! Bakit nabanggit sa akin ni Gwen na hiwalay na daw sila nang tatay ng anak niya.." Napakunot noo tuloy ako na muling nag baling nang tingin sa nanay ko habang nakatayo parin ito sa harapan ko. Sinabi yun ni Gwen sa nanay ko?  Bakit wala man lang syang nabanggit sa akin,magkasama lang kami kanina.








                  "Oh sya maiwan muna kita at sasaglit lang ako sa palengke." Hindi ko napansin na nakabihis pala ang nanay ko nang panlakad. Mag isa ko lang naman dito sa bahay,si kuya ko kasi kahit sabado may trabaho ito. Linggo naman ang day off nya. Nagpaalam na ito sa akin.
Parang lutang na naman kasi ako sa sarili ko habang iniisip yung sinabi nang nanay ko.  Nagpasya na akong tumungo sa aking kuwarto at mahiga muna. Medyo hindi din kasi maganda yung pakiramdam dun dahil sa aking buwanang dalaw. Ni hindi na ako nag abalang magpalit nang damit.










               "Mukhang masarap yan nay ah! Nakaka gutom tuloy!"









             "Syempre naman.. Paborito mo itong hinanda ko para sayo."







                    Napakunot noo ako ng tuluyang nagising ang diwa ko,naulinigan ko kasing parang may kausap ang nanay ko sa labas na kuwarto. Anong oras na ba? Napabaling ang tingin ko sa bilog na orasan na nakasabit sa dingding..  Mag alas sais na pala ng hapon? Ganun ako katagal na natulog at  hindi ako inabalang ginising nang nanay ko.








                Marahan na akong bumangon sa kama at kinukusot kusot ko ang aking mga mata.
"Tignan ko lang po kung gising na si Abby." Napakunot noo na naman tuloy ako nang maulinigang pamilyar ang boses na nagsasalita sa labas. Tuluyan na sana akong aalis ng higaan nang marahang bumukas ang pintuan.








                Napa awang ang labi ko nang napatitig ako sa gawi ng pinto. Nakangiting mukha ni Gwen ang nabungaran ko.
"I'm glad your awake." Masigla nitong turan. Ibig sabihin kanina pa sya dito sa bahay namin? Ano namang ginagawa nya dito,dapat kasama niya yung asawa nya mag bonding sila.









                   Tuluyan na itong pumasok sa loob nang kuwarto ko at marahang sinara ang pinto. Humakbang ito palapit sa akin,naupo sa tabi ko at agad niyang inangkin ang mga labi ko. Gosh! Bagong gising nga lang ako ni wala pang mumog. Sasawayin ko sana sya kaya lang mukhang ayaw nitong bitawan ang mga labi ko. 
"Hmmmnnn" napaungol tuloy ako dahil hindi na ako maka hinga sa ginagawa nya.









                 Dagli naman nitong binitawan ang labi ko pero hindi parin nito nilalayo ang kanyang mukha sa akin. Kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Na kina kunot noo niya.










                   "Alam mo namang bagong gising lang ako." Turan ko habang nakatakip parin ang isang palad ko sa aking bibig. Napatawa naman ito ng mahina bago tinanggal ang palad ko doon.









               "Ano naman ngayon, don't worry mabango parin naman ang hininga mo kahit bagong gising ka pa. Na miss kasi kita." Ngingiti na sana ako sa kilig ng biglang may naalala.









                 "Teka pala anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" Napa lakas ang boses kong turan saka mabilis na umalis sa higaan. Bigla tuloy bumukas ang pintuan at naka kunot noo na bumungad si nanay sa may pinto may hawak hawak pa itong sandok.










                 "Aba Abegail, wala kang galang sa bisita natin. Boss mo pa yan ginaganyan mo!" Sermon naman nang nanay ko. Napangiwi tuloy ako. Eh kasi naman nasanay na akong ganun sya kausapin.









                 "Sorry nay!" Tipid ko namang tugon habang si Gwen ay napatawa nang mahina. Nagkampihan pa talaga sila nang nanay ko. 









                "Oh sya! Mag sorry ka kay Gwen." Muli na itong umalis ng pinto.
"Inaya ko sya dito sa bahay para ipag luto ko sya dahil birthday nga nya nung nakaraang sabado." Nagpa paliwanag naman ang nanay ko habang bumalik na ito sa kanyang ginagawa sa may kusina.
Napabaling muli ako ng tingin kay Gwen na ngayon ay nakatayo na rin sa harapan ko.
Ngingiti ngiti parin ito.










              "Pasensya naman daw! Nabigla lang ako. Nagtaka lang ako bakit andito ka sa bahay namin." Turan ko naman. "Bakit pala iniwan mo yung a-asawa mo?" Napakamot naman ito ng kilay sa huling tanong ko.











                 "Wala sya, I mean wala sila ni Bernadette. Namasyal sila sa kamag anakan nilang natira dito sa Pinas sa bulacan. Bukas pa sila babalik." Paliwanag naman nito. So kaya sya nandito dahil wala yung mag ama nya. Napa simangot tuloy ako.
"Babe!'' Anas nito at hinila ang isang braso ko. " Dito ako matutulog ngayong gabi!" Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa binulong nito sa tainga ko. Ano? M-matutulog sya dito sa bahay namin? Pag uulit nang isip ko sa sinabi niya..

                 

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon