Chapter 4

6.2K 202 1
                                    

Abegail POV





                 Hating gabi na ng makarating ako sa bahay namin,hinatid ako nang isa sa mga driver nito. "Tawagan na lang kita ulit kapag kailangan kita!" Turan pa ni Gwen bago ako umalis at may ibinigay itong cellphone na doon lang daw kami pwedeng mag usap na dalawa. Touch screen na bagong model pa ng samsung..  Wala naman na syang ibang sinabi pagkatapos... Siguro naman na satisfied sya sa ginawa ko. Napapikit tuloy ako ng mariin at napa kagat sa pang ibabang labi ko habang nakaupo ako at naka sandal ang likod ko sa upuan naming gawa sa kawayan. Pinasok ko tong trabaho na ito at paninindigan ko.










                 "Abby.. Kakarating mo lang ba?" Nagulat pa ako ng biglang magsalita si nanay ba hindi ko namalayang lumabas pala ito ng kanyang kuwarto. Panaka naka itong umuubo. De bale nay gagaling ka na.. Wika ko naman sa isip ko.  Marahan itong naupo sa tabi ko. "Kamusta ang pag punta mo kela mayora!" Turan pa nito.











                  Nasa bag ko na yung pera, ibibili ko bukas yung iba sa kailangan ni nanay. "Ayos naman po Inay, binigyan na nga niya ako ng paunang bayad." Tugon ko naman.










               "Talaga? Napaka buti talaga yung batang yun at tyak malayo pa ang kanyang mararating." Lihim naman akong napangiwi sa sinabi ni nanay.. Mukha namang hindi pa umuuwi ang magaling kong kuya. "Teka pala ano palang trabaho ang inalok nya sayo?" Napaghandaan ko na tong tanong na ito ni nanay.










                 "Kinuha akong tutor nung anak niya nay.. Anim na buwan yun.." Kasinungalingan kong sabi. Yun lang kasi ang naisip kong idahilan. "Tatawagan daw nya ako tuwing magpapa turo yung anak niya dun mismo sa bahay nila." Dagdag ko pa..










                 "Oh di mainam pala anak.. Salamat talaga anak at nag susumikap ka para makatapos sa yung pag aaral. Hayaan mo pag gumaling ako natanggap ulit ako ng labada-"












               "Nay... Dito na lang kayo sa bahay! Ayoko nang nagtatrabaho kayo at nagpa pagod." Putol ko sa sinasabi nito. Ayoko na talaga syang magtrabaho pa ayoko nang mawalan pa ng magulang,sana maisip din naman yun ng kuya ko.











                "Sya anak.. Matulog na tayo at gabing gabi na.. Yang kuya mo baka hindi na naman yun uuwi." Turan ni nanay at muli na itong napatayo. "Mukhang napagod ka din sa lakad mo." Dagdag pa nito at lihim naman akong napamura. Tama ka nay sobrang napagod talaga ako buntong hininga ko.  Muli na itong tumungo sa kanyang kuwarto samantalang ako naiwang muli sa maliit naming sala at nagmunimuni muna sandali.  Nang medyo nakaramdam na ako ng antok ay pumasok na din ako sa sarili kong silid.





~~~~~~~~~~~~





                   Natapos na ang enrollment at nakahinga ako ng maluwag.. Nabayaran ko na yung isang buong semester kaya wala na akong poproblemahin pa. Yung pang last sem nalang pero madali na lang yun! Masayang masaya kami ni Christine habang palabas na kami ng university nakaakbay pa ang isang braso nito sa akin..











                "Sabi ko naman sayo matutulungan ka ni mayora." Sabi pa nito sa akin. Na ikwento ko kasi sa kanya na binigyan ako ng trabaho ni Gwen at sya ang nag bigay ng pinang  enroll ko, as usual kung anong nasabi ko kay nanay ganun din yung sinabi ko sa kanya..










               "Oo nga eh!" Tugon ko na lang.. "Halika treat kita dahil kung hindi rin dahil sayo baka nahinto na ako sa pag aaral." Sabi ko naman at tuwang tuwa na ito at napa yakap pa ang loka,may natira pa naman sa pera ko yung sa ipon ko.










                 "Ay kabayo!!" Sobrang nagulat ako ng may bumusina ng malakas. Pati din itong si Christine ay sobrang nagulat kaya kapwa kami napatingin kung sino man yung sasakyan na nag ingay ng ganun. Napatitig ako sa babaeng naka lulan sa may passenger seat at naka suot ito ng shades biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naka bukas kasi ang bintana doon.












               "Si mayora.." Masigla namang turan ni Christine at kumaway pa ito.  Gumanti naman ito ng kaway,kahit naka suot ito ng dark shades pakiramdam ko matalim ang tinging i pinukol nito sa akin. O baka guni guni ko na naman yun, at least ang mahalaga nakita niya ako dito sa labas ng university alam nyang nakapag enroll na ako.  Naka daan na ang sasakyan nito. Pero andun parin yung kabog ng dibdib ko.












                 "Ang ganda ganda talaga ni mayor Gwenette ano!." Turan pa ni Christine. Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone na binigay sa akin ni Gwen sa aking bag. Agad ko naman itong kinuha sa bag ko,iisang number lang naman ang nakalagay dito sa  cellphone na to.










                 "Hello po!" Wika ko nh sinagot ko ang tawag..










                 "Diritso ka sa opisina ko ngayon na.." Seryosong turan ng kausap ko sa kabilang linya. Lunch time na gutom na ako at may lakad pa kami ni Christine. Napatingin naman ako sa kasama ko habang nakatitig lang mukha ko. Sa mukha ko ba o sa hawak kung cellphone.










                "Ah mag lunch po muna ako-"










                   "Sabi ko naman sayo diba ngayon na.. Boss mo ako kaya dapat sumunod ka sa pinag uutos ko." Napabuga na lang ako ng hangin walang nagawa at napa oo nalang ako. Mahirap na makipag talo sa boss ko slash mayor ng bayan namin. Pinutol na nito ang tawag.












                 "Sorry Tin ha! Pinapa tawag kasi ako ni Gwen- I mean mayor Gwen sa munisipyo mukhang importante. Next time na lang kita e treat.." Turan ko naman pero naka tulala parin ito sa mukha ko. "Hoy Tin..!" Sigaw ko at doon sya biglang napakurap..












                "Ang ganda ng phone mo bigay ni mayor yan?" Tanong niya at mukhang hindi maka get over sa hawak hawak kong cellphone. Touch screen naman ang mga cellphone namin yun nga lang yung mumurahin lang na pwedeng  mag Facebook din.












              "Ah oo.. Pero ibabalik ko din ito kapag tapos na yung trabaho ko aa kanya.." Tugon ko na lang kahit wala pa naman sinasabi si Gwen na ibabalik ko ito. "Sige Tin. Alis na ako ah!" Paalam ko na rito at sumakay na ako sa dumaang tricycle.. Habang patungong munisipyo iniisip ko naman kung anong kailangan ni Gwen sa akin.. Gustom na talaga ako dahil narinig ko pang tumunog yung tyan ko.

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon