Chapter 12

5.2K 171 1
                                    

Abegail POV

                       "Bakit mo ginagawa lahat ng ito?" May  diin kong turan ng tuluyan na akong makalapit sa kanya. Galit na ako samantalang siya kalmado lamang syang naka tayo at titig na titig sa mukha ko. "Hindi ko kayang bayaran lahat nang-"





               "Pwede natin extend yung contract. Gawin natin one year?" Putol nito sa sinasabi ko na kina awang ng labi ko. Napag planuhan na talaga nya lahat ng ito! Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng ito.





             "Hindi mo muna ipinaalam sa akin ang mga bagay na gusto mo-"





                "Gusto ko nga diba! Kaya ako dapat ang masunod." Putol na naman nito.. Hindi ko na talaga maintindihan kung anong ugaling meron ang babaeng ito. Akala ko mabait, akala lang pala..






                 "Palibhasa kasi kayong mga mayayaman pera lang ang pinapa iral ninyo.." Hindi ko na napigilang bigkasin sa harapan niya sa sobrang inis ko. Narinig ko na naman ang pamura nito at sunod sunod pa. Matalim ang tinging pinukol nito sa akin.





               "Sino ba ang lumapit sa akin at nangailangan ng pera?... Hindi ba ikaw yun!! Kung wala kaming mga mayayaman na sinasabi mo kanino ba kayo hihingi ng tulong. Ngayon ikaw pa ang may ganang manumbat miss Concepción." Galit na rin nitong turan na kinalunok ko ng sunod sunod. "Baka nakakalimutan mo,tinanggap mo ang trabahong ito dahil sa mga pangarap mo dahil sa nanay mo.. Kung ano man ang ginagawa ko ngayon,para lahat yun sa nanay mo hindi para sayo." Supalpal ako doon ah. Hindi tuloy ako naka kibo ng sandaling yun, inuna ko na naman kasi yung galit ko yung pride. Hindi na naman ako nag iisip.







               "Kaya nga ang kina klaro ko sayo,kung ayaw mo yung mga binibigay ko sa nanay mo. Pwede mo namang bayaran lahat ng yun, pag hihirapan mo.. Kaya lang kung inuuna mo yang pride mo,pwede naman nating ipa walang bisa ang kontrata sa isang kondisyon." Seryoso nitong turan habang nakatitig sa mukha ko.  "Pero saka na lang natin pag usapan yan pag uwi natin!" Hahakbang na sana ito paalis ng hawakan ko ang isang braso niya. Kaya agad din itong napa hinto.







                "Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa akin ngayon!" Narinig ko naman itong napatawa ng pagak.






                 "Yan ang mahirap sayo,hindi mo muna pinag iisipan ang mga bagay bagay.. So gusto mo ngang sirain ang kontrata!" Muli itong humarap sa akin.  Kaya lang hindi naman ako maka kibo ng sandaling yun. Gusto ko ba talaga? Kung susumain,sapat na yung naibigay niyang pera sa akin para makapag tapos ako ng pag aaral. Pwede naman akong bumalik muli sa food chain kung sakali,para may pang allowance na din. At may trabaho na rin ang kuya ko. Paano kong aalisin na din nya yung kuya ko sa trabaho?








                     "Pwede ko namang ipalit ang kuya mo sa trabahong binigay ko sayo!" Bulong nito sa tainga ko,na kina laki naman ng dalawang mata ko. A-ano? Si kuya ko yung- argghh!! Iniimagine ko palang parang naninikip na ang dibdib ko,hindi naman dahil sa ibabayad nitong pera kundi yung makikita ng kuya ko yung katawan niya,ibibigay yung pangangailangan nya.. Damn you Gwen..






                 Mabilis pa sa alas kuwatrong binitawan ko ang braso nito at nag walk out sa kanyang harapan. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa mga malalaking rock formation. Naupo ako sa gilid niyon,pababa na ang araw at hindi na mainit sa balat ang sikat niyon. 
Bina blackmail ba nya ako? Bakit kailangang yung kuya ko pa.. F***k. Sunod sunod na mura ko sa kanya. Dinagdagan nya lalo yung inis ko sa kanya.








               "Abegail.. Anong ginagawa mo dyan.?" Napalingon ako sa gawi ng tumatawag sa pangalan ko at patungo na ito sa gawi ko.. Napangiti naman ako ng makilala ko kung sino. Si Donnie! Hinayaan ko na lang itong tuluyang makalapit sa akin. "Ang ganda dito no?" Turan nito ng tuluyang makalapit.







                 "Saan pala ang bahay ninyo dito?"Tanong ko naman,nabanggit nito kasi kanina na yung magulang nila ang care taker dito sa private resort.






               "Sa likod lang nyang rest house..  Wala talaga kaming sariling bahay. Pinapa tira kami dito nila ma'am Gwenette at pinapa aral din kami ng kuya ko hanggang makapag tapos ng kolehiyo. Pagkatapos nun plano namin kapag nakapag tapos at naka hanap ng trabaho saka mag iipon at bumili ng sarili naming bahay.  Kaya lang sabi ng magulang ko hanggat nabubuhay daw sila, dito na lang sila mabait kasi ang pamilya ni ma'am Gwenette." Lahat ng naririnig ko at sinasabi ng iba,mabait si Gwen ganun! Pero para sa akin.. Ewan ko hayy!! Napa hugot tuloy ako ng malalim na pag hinga.








               "Ikaw anong trabaho mo kila ma'am Gwenette. Pinapa aral ka din ba niya?" Baling nito sa akin







                 "Parang ganun na nga. Huling taon ko na kasi sa pag aaral,ayokong huminto kaya humingi ako ng tulong sa kanya. Binigyan  nya ako ng trabaho.." Napatango tango naman ako sa sagot ko. Buti naman at hindi na ito nag usisa pa.








             "Sobrang bait talaga nya noh!" Turan lang nito habang sa dagat nakatingin. Namayani ang saglit na katahimikan bago muling nagsalita si donnie. Ayos ka lang ba dito! Tara na doon may pa surprise party pa tayo kay ma'am Gwenette mamaya.." Aya naman nito sa akin. Sumang ayon na lang din ako at sumama na ako kay Donnie pabalik ng rest house. "Gusto mo bang makita yung tinitirhan namin? At abala doon sila nanay sa pagluluto ng lahat ng paborito ni ma'am Gwenette."






            Buti pa nga tumulong na lang ako sa pag prepare para doon ko na lang ibuhos tong inis at galit ko sa babaeng yun. Sige na na nga,agree na lang ako. Sya na yung mabait,matulungin..  Sa iba except sa akin, ang sungit sungit nga nya eh,namba blackmail pa. Hmp!!

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon