Chapter 16

5.4K 172 7
                                    

Abegail POV





                     Kanina ko pa nahuhuli si Christine na tumitingin sa akin habang nasa loob kami ng classroom at nag didiscuss ng lesson si Prof. Problema ng babaeng ito? Muntik  na kasi itong malate sa klase kaya hindi na kami nakapag kwentuhan. Tuwing nahuhuli ko nanan itong nakatingin,ngumingiti pa sya na tila kinikilig na ewan. Napapa iling lang ako.












                 Hanggang sa narinig na naming tumunog ang bell, hudyat na para mag lunch break. Inayos ko na ang mga dala ko at tsaka tumayo ng nakangiting nakatayo na si Christine sa harapan ko. Tinaasan ko tuloy sya ng isang kilay.











                "Saan tayo kakain?" Tanong ko nalang para mawala yung pagka ilang ko sa paraan ng pag titig niya.









               "Blooming ka ngayon!" Nagulat pa ako sa tinuran nito habang sinisipat ng mata nya ang kabuuan ko. Anong blooming na pinagsasabi nang babaeng to.









               "Alam mo Tin,gutom lang yan. Halika na!" Sabay kawit ng isang kamay ko sa kaliwang braso nito. Narinig ko naman itong napatawa nang mahina. Kami na lang natira dito sa loob ng classroom dahil ang bibilis ng mga kaklase namin. Basta break time ang pinag uusapan. Hinila ko na tong kasama ko palabas ng pinto.











                  "Totoo nga ang sinsabi ko Abby.." Pangungulit parin nito. Hay naku!! "Sabihin mo na kasi sa akin. Inlove ka no?" Bigla naman akong napa hinto sa paghakbang ng biglang sabi nito. In love? Ako maiinlove kanino naman. Ni wala pa nga sa isip ko yan. Ni ayaw ko ngang magpaligaw dahil aral muna. Napa awang tuloy ang labi kong tumitig sa kanyang mukha.










               "Pinagsasabi mo dyan. Tin, ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng inlove inlove na yan. Alam mo namang hindi pa yan yung priority ko." Katwiran ko naman,isa pa wala nga akong idea sa mga pinagsasabi nya.. At napa buga pa ako ng hangin.










                "Ah basta,may iba sa awra mo today!" Pinagpipilitan parin nito. Meron talagang iba sa awra ko dahil na stressed na ako ng husto ni Gwen. Mabilis lang lumipas ang araw,mamaya sabado na at dapat makapag desisyon na ako. Kung sisirain ko na yung kontrata parang sinabi ko na rin sa sarili ko na tinatanggap ko yung checke na binigay nya. Nakatago pa yun,pati yung huling cash na binigay nya sa akin. Kung magpapatuloy pa ako baka isipin nya parin na mukhang pera ako.  Hayy ewan ang gulo ng utak ko.











                "Tignan mo nga at natahimik ka na dyan." Wika ni Tin. Hindi ko kasi maiwasang hindi mapa isip. Tumatakbo ang oras at kailangan ko nang mag desisyon. Isa pa kung aayaw na ako,magtataka din si nanay dahil anim na buwan yung sinabi ko. Argghh!! Kainis.
Napa hugot tuloy ako ng malalim na pag hinga.










              "Halika na nga. Nagugutom na ako." Pag iiba ko na lang nang usapan at hinila ko na si Christine sa may cafeteria.




~~~~~~~~~~~






                    Friday na ngayon, at hanggang ngayon hindi parin ako nakapag desisyon. Ni hindi rin nag me message sa akin si dragon. Mukhang binibigyan talaga nya ako ng panahon para pag isipang mabuti ang magiging pasya ko. Halos hindi rin ako pinapatulog kakaisip ko sa bagay na yun. At kung minsan kahit nakaka tulog ako,napapanaginipan ko naman at ang masaklap pa pati yung pag sesex namin ni Gwen napapanaginipan ko din. Kainis talaga! Nababaliw na ako.











                 Lutang ako habang naglalakad dito sa hallway ng school patungo sa aking classroom. Nagulat pa ako may umakbay sa akin. Paglingon ko,sino pa nga ang naglalakas loob na gawin ito kundi ang nag iisa kong kaibigan dito. Nung lunes kakasabi lang nya na blooming ako pero ng mga sumunod na araw. Mukha na daw akong stressed, dun na tumama yung sinabi niya.













                  "Tulala ka na naman Abby.." Natatawa nitong turan habang sinsabayan niya ako sa paglalakad. Oo nga eh! Problema talaga ako.











                "Iniisip ko kasi kung magpa patuloy pa ako sa pagtatrabaho kila mayor." Hindi ko na napigilang sabihin. Baka kasi may maitulong si Christine sa akin baka may mai suggest lang.  Bigla akong hinila at napahinto kami sa paghakbang.












               "Bakit mo naman iniisip yan?" Curious nitong tanong.. Maaga pa naman may 30minutes pa bago mag start ang klase. Napabuntong hininga tuloy ako.











                  "Masyado kasing malaki yung pinapa sweldo nya sa akin. Tapos pinaayos pa nya yung bahay namin. Baka mamaya isipin niya na inaabuso ko na yung kabaitan nya." Turan ko naman. Kahit  hindi naman yung totoong dahilan,gusto ko lang malaman yung idea nya sa gagawin ko.











                 "Kung kusang loob naman nyang binibigay yun,wala naman sigurong kaso.. Baka natutuwa lang sya dahil maayos yung trabaho mo diba! Kung aalis ka naman baka naman bigla niyang bawiin yung binigay nya sayo. Sabi mo nga may kontrata kayo eh.." Napa hugot tuloy akong muli ng malalim na paghinga sa sinabi niya.











             Hay naku.. Hindi naman siguro kaya nga pinapa desisyon nya ako.
"At speaking of mayora Gwenette Bermudez. Dumating yung asawa nya!" Bigla nalang kumabog ang dibdib ko sa ibinalita ni Christine sa akin. Totoo ba ang sinasabi niya? Akala ko sabi ni Gwen hindi sila okay  at wala nang balak umuwi yung lalaking yun.












                    "Saan mo namang nasagap yang tsimis na yan!" Wika ko naman. Baka kasi fake news lang. Bigla naman itong napatawa.











               "Malamang sa Facebook account ni mayora,friend kaya kami.. Duh!" Pagmamalaki naman nitong turan. talaga? "Bakit hindi kayo friends sa FB? Dumating sya kagabi. Naka fb live pa yung anak nila na sumalubong sa airport.
Lalong kumabog abg dibdib ko ng sandaling yun, kaya lang ano naman sa akin kung dumating. Asawa naman nya yun! Kaya siguro pinapa desisyon nya na rin ako dahil alam niyang darating na yung asawa nya. Hindi na nya ako kailangan, bakit parang may tumusok na karayom sa dibdib.  Ang sakit!











                   "Hoy Abby.... Abby!!" Ha? Bigla akong napabaling ng tingin kay Christine.. "Tulala ka dyan. Tara na malapit na ang time." Hinila na nito ang braso ko habang lutang parin ang isip ko. Sa ayaw at sa gusto ko pala talagang kailangan na namin itigil tong- argghh.. Naramdaman ko nalang na may mainit na likidong umagos sa aking pisngi..











                  "Abby bakit ka umiiyak?" Nagtakang turan ni Christine. Ako nga  din nagtataka din ako sa sarili ko.

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon