Chapter 22

5.3K 157 9
                                    

Abegail POV



                "Hhmmnnn.. Gwen.." Ungol ko nang mahina habang naka pikit pa ang aking mga mata. Kinakapa kapa ko ang katabi ko sa higaan kagabi kaya mukhang wala na ito sa tabi ko. Anong oras na ba? Kinusot kusot ko ang mga mata ko tsaka dahan dahang nagmulat.  Ha? 8 am na.. Wika ko sa sarili ko nang sinipat ko ang wall clock. Tinanghali na pala ako nang gising. Nag inat na ako ng dalawang braso pagkatapos ay dahan dahan na akong bumangon sa pagkakahiga.







                  Ang aga naman nagising ang dragon, ni hindi man lang nya ako ginising. Pero in fairness hindi ko matandaan kung paano nya ako nasuotan nang pang itaas na damit.  Napapangiti pa ako nang maalala na magka yakap kaming natulog sa magdamag. Kaya lang napawi din ang pagkaka ngiti nang labi ko nang maalala ang sinabi nitong magiging busy sya ng isang buwan. Hmp! Baka sabi lang nya yun.








               Nagpasya na akong bumangon, kinuha ko ang tuwalya ko kung saan laging nakasabit. Maka ligo na nga lang. Lalabas na sana ako nang napansin kong wala na ang gamit ni Gwen na nakalagay sa sulok nang kama sa bandang kaliwa. Bigla tuloy nagpanik ang kalooban ko at nagmamadaling lumabas nang pinto.








                 "Nay?" Tawag ko kaagad sa nanay ko. Ang lakas na naman nang kabog nang dibdib ko. "Nay...." Nag tuloy ako hanggang sa may kusina.







               "O bakit ba? Kung maka hiyaw ka naman akala mo nasusunugan." Wika naman nang nanay ko pumasok nang pinto dito sa may kusina. Mukhang nasa likod bahay ito kanina. "Alam kong itatanong mo sa akin si Gwen.. Maaga syang umalis susunod daw kasi sya sa bulacan." Turan pa nang nanay ko. So,kaya pala sinasabi niyang magiging busy sya dahil sinundan din pala nya yung asawa nya doon.







               "Ganun ba nay.. Sige maliligo muna ako.." Malungkot ko namang turan. At bigla ko namang naalala yung kaganapan kagabi. May narinig kaya yung nanay ko kagabi?  Gosh.. Nakakahiya! sana naman wala! Bigla tuloy nag init ang magka bilang pisngi ko kaya agad na akong tumalikod sa nanay ko.  At tumuloy na ako sa loob nang banyo.









                  Nakakainis di man lang nagpaalam.. Ngitngit nang kalooban ko habang naliligo ako. Madali lang naman na gisingin niya ako sandali at sabihin. 'Hoy alipin aalis na ako, salamat sa pagpapaligaya mo sa akin kagabi..' Argghh!! Bahala nga sya pag tumawag man sya hindi ko sasagutin o kahit mag message sya. Kahit magalit pa sya..










               Kesa ma banas pa ako nang tuluyan,nag isip na lang ako kung anong gagawin ko ngayong araw. Yayain ko na lang siguro si Christine na lumabas, magsimba? Para maka bawas bawas naman ako sa kasalanan ko. Mabilis ko nang tinapos ang aking pagligo para makapag almusal na bago ako lalarga.










                     Nag message ako kay Tin kung hindi ba sya busy ngayon. Ang bilis naman nag reply ang loka boring nga daw. Kaya agad kong sinabi yung balak kong lumabas puntahan ko nalang sya sa bahay nila. Agad na akong nagbihis nang panlakad bago lalabas nang kuwarto. Skinny jeans at blouse lang naman ang naisip kong outfit at doll shoes. Naisipan ko ding mag lagay nang konting make up kaya binuksan ko na ang drawer kung saan nakalagay ang aking make up kit.










               Napakunot noo naman ako nang mapansin ang puting sobre na naka ibabaw. Agad ko itong kinuha at napa singhap nang makita kong anong laman niyon. Isang bundle nang pera puro tig isang libo,isa lang ang pumasok sa isip ko nang sandaling ito. Si Gwen.. Napahilot tuloy ako sa aking sentido. Hawak ko ang sobre at naupo ako sa aking kama tsaka mariing napapikit.









               Tanggap ko naman na ganito ang trabahong pinasok ko kaya tama lang ito. Na tinatanggap ko ang perang galing sa kanya,dahil nung sinimulan ko naman ang trabaho wala naman akong pakiramdam tulad nang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko naiinsulto na ako kapag inaabutan nya ako ng pera. Napabuga nalang akong ng hangin at pikit matang nilagay ko ang sobre sa pinaglagyan ko dun sa pangalawang bigay nya sa akin na wala pang bawas. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pagbibihis ko at nagpasyang lumabas nang kuwarto at tutungo sa may kusina.










                 "Oh,San ka pupunta?" Tanong nang kuya ko na nabungaran kong nakaupo sa may sofa at nanonood nang palabas sa TV. Linggo ngayon at nasa bahay lang sya. Hindi katulad dati na kung saan saan pumupunta ni hindi halos umuuwi nang bahay.  Pasalamat na naman ako kay Gwen.








                "Lalabas kami ni Christine kuya,magsisimba lang." Tugon ko naman. "Kakain lang muna ako tapos aalis na ako." Dagdag ko pang sabi.









              "Suguraduhin mo lang Abby na si Christine lang ang kasama mo. Baka mamaya may kadate pala kayo sa labas." Napakunot noo naman ako na tumitig sa kuya ko sa sinabi nito.  Kilala naman nila si Christine dahil simula nung first year college ay sya na ang naging kaibigan ko. Nagtataka lang ako dito sa kuya ko,dati wala naman itong pakialam sa bawat lakad ko.










             "Oo naman kuya.. Ngayon ka pa mawalan ng tiwala sa akin." Turan ko naman.










                "Sige na kumain ka na.." Sabi na lang nito. Napapa iling na lang akong tinungo na ang kusina nang bahay namin. May binubulong bulong pa sya kaya lang hindi ko na yun naintindihan pa. Sinangag na kanin at pritong itlog ang kinain ko. Habang kumakain ay hindi na namang maiwasang sumagi sa isip ko si Gwen. Kung gaano ito kasaya kagabi habang kasalo namin sya sa hapunan.  Masaya na nakaka lungkot dahil hindi naman sya permanente na malapit sya sa pamilya ko. Dahil lang kasi may koneksyon kami sa isa't isa sa trabaho ko. Napabuntong hininga na lamang ako at tinapos ko na ang pagkain.











                    Nagpaalam na rin ako kay nanay,huwag lang daw akong magpapa gabi.. Sumakay na ako sa nagdaang tricycle at nagpa hatid sa bahay nila Christine. Nang pakiramdam kong parang naka sunod sa amin yung naka sakay nang motorsiklo. Dahil kung saan liliko yung sinasakyan ko dun din ito liliko. Hindi ko naman kasi makita ang mukha dahil naka helmet sya. Or baka naman guni guni ko lang, bakit naman nya ako susundan? Nakahinga na lang ako nang maluwag nang huminto na tong sinasakyan ko sa tapat nang bahay nang kaibigan ko at yung motorsiklo ay dumiritso naman naman nang takbo. Guni guni ko nga..

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon