Chapter 27

5.3K 194 15
                                    

GWEN POV





"Ma'am nasa labas po si Miss Abby." Wika ng secretary ko nang pumasok ito dito sa mayor's office.. Ilang buwan na ba magmula ng umiwas ako sa kanya. Iniiwasan ko na sya dahil gumawa ako ng katarantaduhang bagay at sya pa ang naging biktima. Isang napaka inosenteng dalaga ang pinaglaruan ko dahil sa galit ko sa sama ng loob ko sa aking ex husband. Yeah,ex dahil annulled na ang kasal namin at lingid yun sa nasasakupan kong bayan. Ayoko lang magkaroon ng issue,tatapusin ko lang tong term ko at mag lielow muna ako sa politics.









"Sabihin mong busy ako-" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bumukas na ang pintuan. Napa singhap tuloy ako pati yung secretary ko ay nagulat sa ginawa ni Abby na basta nalang pumasok dito sa loob ng opisina ko.









"Talaga!! Busy saan sa pagtago at pag iwas mo sa akin!" Tiim bagang nitong sabi. Dahilan para mag senyas ako sa aking secretary na lumabas muna ito at ilock yung pinto. Agad naman itong tumalima. Nang masiguro kong naka sara na ang pinto tumayo ako mula swivel chair at hinilot hilot ko ang aking sentido.








"Ano bang problema mo Abby! Ubos mo na ba yung huling perang binayad ko sayo." Sarkastiko kong wika hindi ko pina pahalatang apektado ako sa kanya. Yung huling punta ko sa bahay nila yung huling tulog ko doon at nag iwan ako nang 200k naka lagay sa puting envelope at iniwan ko sa ibabaw ng drawer nito. Umalis ng walang paalam at pinutol ko na ang contact ko sa kanya. Sinira ko yung sim card. Nakokonsenya na ako sa ginagawa ko sa kanya pati sa pamilya nya dahil napalapit na ako ng husto sa kanila na dapat sa simula palang hindi ko yun dapat ginawa. Dapat hindi ko sinali ang puso ko sa ganung bagay. Nakita kong namumula sa galit ang mga mata nya sa sinabi ko pero pinilit kong maging kalmado.









"Abby malapit ng matapos ang kontrata natin.." Wika ko at binuksan ko ang aking bag kinuha ang checkbook ko at nagsulat doon ng amount tsaka ko pinirmahan. "Oh heto para matahimik ka na." Sabay abot ko ng checke sa kanya. "Siguro naman sapat na yan! Kalahating milyon." Muntik pa akong pumiyok sa huli kong sinabi. Gusto kong masagad ko yung galit niya at para mag mukha akong masama. Para sya na mismo ang umiwas ng tuluyan sa akin..









Doon kumawala na ang masaganang luha sa kanyang mga mata.. hinablot nito ang checke tsaka nanggigigil na pinunit yun sa harapan ko. Hindi ko namang maiwasang mapa singhap ng sandaling yun..








"Ganito ba talaga ang tingin mo sa akin Gwen!!" Sya lang itong mapahangas na tumatawag sa palayaw ko. Kunyaring napa tawa naman ako ng pagak..









"Don't tell me nakalimutan mo na kung ano ang pinasok mong trabaho sa akin! Oo nga pala ayaw mo pala ng checke,sige ika cash out ko-"








"Hindi ko kailangan ng pera mo!" Putol nito sa sinasabi ko.. "Heto pa oh!" Sabay bukas ng kanyang bag at hinagis sa may sahig ang mga puting sobre.. "Yan yung mga binigay mo binabalik ko lahat. maliban dun sa una mong binigay hayaan mo pag iipunan ko yun at ibabalik ko sayo ng buong buo." Wika nito habang patuloy ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata..
Gosh! Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ng sandaling yun,hindi nya ginastos lahat ng binigay ko sa kanya? Anong gusto nyang palabasin..










"Alam kong wala ka namang paki alam sa nararamdaman ko,kasi pera lang ang pinapa iral mo.. Kahit minsan ba hindi ka naging totoo sa akin, sa pamilya ko? Pakitang tao ka lang ba!" Hindi ko namang maiwasang mapa mura ng sandaling yun..
Hayaan ko lang ilabas nito ang galit nya sa akin.. Ang totoo nga sobrang miss ko sya,miss ko si nanay Thelma. Lihim akong napa buga ng hangin.. Kaya lang napag tanto kong mali ang mga ginawa ko.. lalo nat may iba na akong nararamdaman para sa kanya.. Na hindi dapat.











"Kung ayaw mong tanggapin tong mga binayad ko sa serbisyo mo.. Fine! Ibibigay ko na lang sa bago kong sex slave..
" Wika ko kahit malayo sa katotohanan ang mga sinabi ko. Dahil ang totoo sya lang yung ginawa ko ng ganun na hindi ko din alam kung bakit.. Nung una ko palang syang makita may kong ano na akong naramdaman. Hindi ko din lubos maisip na wala pa pala itong karanasan..









"I hate you Gwen... Kinamumuhian kita ang sama sama mo talaga.." Galit nitong turan. Nagtatagis ang bagang nito. "Dapat pala hindi ko pinaasa ang sarili ko na may mabuti kang kalooban.. na hindi dapat ako nagpakatanga,nagpadala sa mga sinasabi mo tuwing nag niniig tayo!!'' Napa singhap na naman ako sa huling sinasabi nito..
Mas mabuti na din sigurong paniwalaan nya ang gusto niyang paniwalaan. Habang may control pa ako sa sarili ko.










"Kung wala ka nang sasabihin makaka alis kana..dahil may lakad pa ako." Kunyaring tumingin naman ako sa wrist watch ko.. tsaka seryosong nagbaling nang tingin sa kanya. Hilam parin ng luha ang kanyang mga mata. Naawa na rin ako sa totoo lang gusto ko na syang yakapin ay bawiin ang lahat ng sinabi ko. Kaya lang natatakot din ako sa nararamdaman ko mataas ang reputasyon ko sa bayan na ito. Pagka tapos malalaman lang ng lahat na ang mayor nila ay isa palang bisexual... At nakipag relasyon sa ilang taon ang agwat ng edad kumpara sa edad nya..
"Umalis ka na Abby.. kung pwede lang sana ito na ang huli nating pagkikita.." Kahit masakit pinilit ko iyong sabihin..












"Okay kahit masakit tinatanggap kong pinagtatabuyan mo na ako.. sino lang ba ako diba!" Gosh!! Huwag mong sabihin yan dahil sa totoo lang unti unti ng natutunaw ang puso ko.. "Kaya pwede ba kitang yakapin sa huling pagkakataon." Hindi pa man ako tumutugon ay agad na nya akong dinaluhan ng mahigpit na yakap.. Na kina singhap ko na naman.









"Kahit anong masasakit pang salita ang binitawan mo sa akin.. Tinatanggap ko lahat ng yun dahil mahal kita." Wika nito bago tinapos ang yakap nito sa akin at nagmamadali nang lumabas ng opisina ko.







"Oh Gosh Abby... Kung alam mo din lang! Ako na yata ang pinaka duwag na nilalang sa buong mundo.." Sa pag alis nito dun ko pinaka walan ang masaganang luha ng aking mga mata.. at nanlulumong naupo sa aking swivel chair.
Mas masakit pa itong nararamdaman ko kesa noong nalaman kong nagtataksil si Carl sa akin..

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon