Chapter 8

5.4K 202 17
                                    

Abegail POV


                   "Magandang umaga po mayor.." Masiglang bati ng kuya kay Gwen nang makapasok na ito sa loob ng bahay namin at iginiya ni nanay na maupo sa upuan naming kawayan. May hawak ang kuya ko ng isang tasang kape.. "Ako nga po pala si Alfred kuya ni Abegail!" Pakilala pa nito. Napatango tango naman si Gwen at napangiti pa. Totoo kaya ang pag ngiti nyang iyon.  Maya Maya ay umalis na si kuya ko at bumalik ng kusina.





             "Halikayo  mayora, mag almusal po tayo.." Aya ni nanay.






                "Salamat po nay kaya lang kumain na po kami ni Abby kanina sa bahay." Tugon naman nito.. "Sya nga po pala nay kamusta na po yung pakiramdam ninyo?" Bigla namang naitanong ni Gwen sa nanay ko habang nakatayo parin ako at si nanay naman ay naupo sa mono block chair sa tapat ni Gwen. Nakamasid lang ako,parang seryoso naman itong isa na makipag usap sa nanay ko.





                 
               "Medyo maayos na anak.. Masaya ako at binigyan mo ng trabaho tong anak ko. Gustong gusto talaga nyang makapag tapos nang pag aaral at matalino yang bata na yan." Naku si nanay ibinida pa nya talaga ako kay Gwen nakakahiya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.
"Salamat talaga anak ha at itong anak ko ang napili mong mag tutor sa anak mo." Paktay tayo jan! Napangiwi tuloy ako samantalang si Gwen ay napataas ang isang kilay nito at nag baling nang tingin sa akin.








                    Sorry naman daw wala na kasi akong maisip na idahilan kay nanay, alam ko namang matalino ang anak nito. Tsaka na lang ako magpa paliwanag sa kanya. Napatikhim naman ito bago muling nagbaling ng tingin sa nanay ko.









             "Wala pong anuman nay! Hindi rin po ako nagkamali sa pagpili sa anak ninyo sobrang galing po nyan.." Napaubo tuloy ako. May iba kasing paka hulugan ang sinabi nito. Napatawa naman ng mahina ang nanay ko. Kung alam nyo lang nay!!









                  "Nay kumain na po kayo para maka inum na po kayo ng gamot.." Sabat ko na sa usapan nila,baka saan pa kasi mapunta. "Ako na po ang bahala dito kay boss.. Ah diba boss may lakad ka pa?" Mataman naman akong tumitig kay Gwen. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Tila nagbabanta ang kanyang tingin.







              "Sige po nay.. Kailangan ko na din po kasing umalis. Gusto ko lang po kayong kamustahin kaya napa daan po ako dito sa bahay ninyo.." Napatayo na si Gwen sa kinauupuan nito. Hayy salamat naman. Yumakap pa ito sa nanay ko bago nagpasyang lumabas ng bahay. Natutuwa naman ako dahil kahit alam nitong may karamdaman ang aking INA hindi man lang ito nakitaan ng pandidiri man lang..









               Nagpaalam naman ako kay nanay na ihatid ko muna si Gwen hanggang sa may sasakyan nito. Paglabas namin ng bahay ay andun naman ang kuya ko. Sa may kusina siguro dumaan kanina..









                "Bunso baka may pera ka dyan! Pahiram naman muna ako." Napahinto tuloy ako sa paglalakad ng biglang hawakan ni kuya ang isang braso ko. Ang lakas loob na mang hiram ng pera ni hindi nga halos gumagastos dito sa bahay.. "Babayaran ko din kaagad." Napa ikot tuloy ang eyeballs ko. Napahinto rin pala si Gwen sa paghakbang at mukhang narinig nito ang sinabi ng kuya ko.










                "Alfred right?" Bigla namang nagsalita si Gwen. "Ano bang trabaho mo.?" Napa kamot naman ng batok si kuya ng nagbaling ng tingin kay Gwen buti at binitawan na nito ang braso ko.








                "Ah wala nga po mayora.. Pa extra extra lang po hindi po kasi ako nakapag tapos ng pag aaral.." Turan naman nito. Palibhasa kasi napaka batugan samantalang ang laki laki ng kanyang katawan.








               "Ganun ba. Sige bukas ng umaga pumunta ka sa opisina ko. Pag uusapan natin ang trabahong maiaalok ko sayo." Naningkit naman ang mga mata kong tumitig sa mga mata ni Gwen. Alam kong magandang lalaki ang kuya ko,makisig at matipuno ang pangangatawan. Bigla tuloy akong kinabahan paano kong ipapalit nya ang kuya ko sa trabahong binigay nya sa akin. Hindi naman siguro dahil may kontrata kami. Ano ba kasi  itong naiisip ko!








              

                 "Talaga po mayora? Salamat po sige po pupunta po ako ng maaga bukas." Masayang masaya na turan ng kuya ko. Habang akoy biglang na lang napasinghap..








                "Magkano ba yung hinihiram mo kay Abby?" Tanong pa nito.. Muli namang napakamot ng ulo ang kuya ko.








                  "Ah limang daan po, nangako kasi ako sa inaanak ko na na aabutan ko sya. Birthday po kasi niya ngayon." Tugon naman nito. Binuksan ni Gwen ang bag nito at may dinukot sa loob.. "Here! Dalawang libo yan bahala ka na sa  inaanak mo." Kapwa kami napa awang ng labi ng kuya ko. Nahihiya pa nitong inabot ang pera.  "Basta yung usapan natin bukas." Tumalikod na ito at humakbang muli patungo sa sasakyan, agad ko naman itong sinundan.









              "Boss..." Bago pa kami makarating ng sasakyan hinawakan ko ang isang braso nito. "Gusto ko lang malaman kung anong trabaho ang iaalok mo sa kuya ko?" Lakas loob kung tanong. Buti at pumasok ng muli ang kuya ko sa loob ng bahay.










             "Bakit interesado kang malaman? Huwag kang mag aalala hindi kita ipagpapalit sa kanya.." Makahulugan naman nitong turan at tumitig ito sa mukha ko. Napalunok naman ako sa paraan ng pagtitig nito. "Oh by the way.." Muli itong dumukot sa loob ng bag nito  at naglabas ng limang  libo "Ibili mo nang phone si nanay para hindi kayo nag aalala sa bawat isa kapag wala ka dito sa bahay ninyo.." Napa awang na naman ang labi ko ng sandaling ito. Masyadong malaki yung limang libo.









               "Boss hindi nga marunong si nanay na gumamit ng cellphone.."








                 "Di turuan mo... Diba nga matalino ka!" Turan nito. Hay!! Nagtatalo na naman ba kami? Eih.. Masyadong malaki yung  inaabot nyang pera, binigyan na nga niya yung kuya ko.. Inabot ko ang binibigay nitong pera kaya lang mabilis ko itong sinuksok sa loob ng bag nya..











                "Huwag na. Ako na lang ang bahalang bumili ng phone para kay nanay.." Turan ko ng nagtataka ito sa ginawa  ko.  "Please ako na lang bahalang bumili.." Paki usap ko ng bigla akong tinignan ng masama.










                "Alright pero may atraso ka sa akin. At tsaka na lang ako maniningil." Tumalikod na ito at tumungo na sa loob ng sasakyan. Napa buga na lang ako ng hangin. Ano na naman kaya ang atraso ko?

"ALIPIN AKO" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon